Mari's POV Nagising ako na lang ako na nasa kwarto na. Wala akong katabi at iyon na rin naman ang aking inaasahan. Walang cuddle na mangyayari dahil iniiwasan namin ang ma-attach sa isa’t isa. Inayos ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Umayos din ako ng pagkakasandal sa may headboard at kinuha ang aking phone. May ilang text mula kay Cloud ngunit hindi na ako nag-abala pa na basahin ito. Tumayo na ako at naligo. Hindi ko na rin hinanap pa si Charlie dahil malamang ay nasa kusina lang iyon at nagluluto. Wala akong balak na sabayan siyang kumain ngayong araw dahil dederesto pa ako sa opisina. "Aalis ka na?" takang tanong sa akin ni Charlie. Agad akong tumango at inayos ang aking sarili. Sinukbit ko ang aking hand bag sa balikat ko bago siya tuluyan na hinarap. Tumingin pa ako

