Mari's POV Sabay kaming kumain na apat at pagkatapos nun ay konting pahinga bago kami nagdesisyon na umuwi. Ngunit hindi ako nakaligtas sa mga pasimpleng pagtingin ni Sandra sa akin pabalik kay Charlie. Alam kong naiisip niya pa rin na may relasyon kaming dalawa. “Ang saya kausap ni Charlie. Marami akong natutunan sa kanya tungkol sa architecture,” komento ni Cloud. Napangiti ako at sinipat siya. “Buti hindi ka tinuruan na maging maloko?” natatawa kong sambit. Natawa sa akin si Cloud. Ginulo niya ang aking buhok at niyakap ako mula sa likod. He kissed my neck and bit my weakest spot. Napahilig ako sa kanya at natawa na rin dahil sa pagkakakiliti. “Hindi. At alam mong hindi ko rin ‘yan kayang gawin. Alam kong nasaktan na kita ng ilang beses pero gusto kong malaman mo na hindi ko kay

