Kabanata 3: Reunion

1414 Words
Mari's POV Sabi ko hindi ako dadalo pero heto ako, kahalubilo ang ilan sa mga naging naka-close ko noong college kami. I got a text message from Cloud. Sabi niya dadalo daw siya sa reunion mamaya pero expected na late siya. Iyon nawalan ako nang dahilan na hindi pumunta mamaya kahit nais ko sanang iwasan si Charlie. Pero may maganda rin itong maibibigay sa akin kapag nagawa kong hindi magpaapekto sa presensya niya mamaya. Malalaman niyang wala talaga akong pakialam sa kung anong nangyari at kung anong nakaraan namin. Who cares, right? Tapos na ‘yon at hindi na dapat akong magpaapekto pa sa kahit anong sabihin niya sa akin. But who invited him? Marami siyang naging kaibigan pero hinala ko babae talaga. That's not your business, Mari. "OMG! MARIII!" umalingawngaw ang tili ng isang babae na papalapit sa lamesa ko. Ako ang nahiya sa ginawa niya dahil nakuha namin ang atensyon ng karamihan. Marami talagang napalingon sa aming gawi kaya naman napakamot na lang ako ng aking ulo. But I shook my secondhand embarrassment and stood up to face her, Alexa, my friend. Siguro? Nakipagbeso siya sa aking nang marating niya ako at isang yakap ang ginawad bago ako hinarap. Pinasadahan niya ang aking kabuuan. I’m wearing a bodycon white dress and I let my hair fall. Napatakip siya ng kanyang mukha at may kislap sa kanyang mga mata na tila pa proud siyang nandito ako ngayon sa kanyang harapan. Hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili na tinginan ang kanyang kabuuan. She’s wearing a chiffon dress and it somehow suits her if hindi mukhang masikip ang kanyang dress at masyadong matingkad ang kulay violet na para siyang puto bungbong. “Ang ganda mo,” puri niya sa akin. Tipid akong ngumiti. “Ikaw rin.” Syempre hindi ko naman sasabihin sa kanya kung anong naiisip ko. “Ang tagal na nating hindi nagkita pero ang ganda pa rin ng hubog ng katawan mo. Hindi ka talaga mapagkakamalan na may asawa na.” Bakit ba nila naiisip na kapag may asawa ka na ay magiging iba na rin ang lahat? “Inaalagaan ko naman ang sarili ko at magaling din mag-alaga si Cloud.” “Kahit na, tingnan mo ‘yong iba nating mga ka-batch, sobrang nag-iba pero ikaw, mas lalo ka pang gumanda. Siguro kasi wala ka pang anak at mukhang laging busy ang asawa mo kaya wala nang oras sa ‘yo. Iyon na lang ang kulang sa pagsasama niya.” Napangiwi siya sa kanyang sinabi at hindi ko iyon nagustuhan. I gritted my teeth, I maintain my smile but glare at her with a siren eyes. “May anak man o wala, hindi ‘yon kabawasan sa pagiging babae ko o sa pagiging asawa ni Cloud. He’s still the best husband and we are enjoying our best lives together without a child. Walang kulang sa aming dalawa.” Nakita ko kung paano nawala ang magandang ngiti sa kanyang labi at tila nangasim ang kanyang mukha bago mahinang tumawa para alisin ang awkwardness sa aming dalawa. Hindi ako awkward sa kanya pero dapat niyang malaman na hindi siya pwedeng magsabi ng ganun na lamang. “A-ahm, sige maiwan muna kita…” Lumingon siya sa paligid naman na tila naghahanap ng matataguan. “M-mukhang tawag ako sa kabilang table,” nagmamadali niyang sambit at halos mawala siya sa harapan ko na tila isang kislapmata. Napabuntong hininga na lamang ako at balak na sanang umupo sa aking upuan nang makita namin si Charlie na papalapit kasama ang isang babae na nakapulupot ang kamay sa kanyang braso. Naningkit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang babae, pilit inaalala kung sino siya. She’s wearing a red long V-neck maxi dress. Bagay ito sa hubog ng kanyang katawan at simple lang din ang kanyang makeup na parang natural katulad ko. She’s beautiful. Hindi na nakakagulat kung bakit natipuhan ni Charlie. But still, hindi ko pa rin maalala kung saan ko ito nakita. Binalingan ko si Charlie at nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Inirapan ko siya na agad kong pinagsisihan dahil nakita kong inismiran niya ako. Umupo akong muli at nilabas ang aking phone. I hope na dumating agad si Cloud para naman may kasama ako at maipakita namin sa lahat kung gaano kami kasaya. Well, I don’t need their validations or sentiments just to prove that we are happy. But I want to flex what we have. Na masaya kami kahit ilang taon na kaming kasal at masaya kami kahit walang anak. At higit sa lahat, maipakita ko kay Charlie na masaya naman ako at isang pagkakamali lang ang nangyari sa amin. Kahit ngayong gabi lang sana. Pero wala akong natanggap na kahit anong text galing kay Cloud. Nagsimula ang event at hindi ko na pinansin pa ang mga nakaw na tingin ni Charlie lalo na kung panay ang harutan at pagbulong niya sa kanyang kasama habang sinusulyapan ako. Maganda na sana ang reunion pero sana talaga wala na rin dito si Charlie. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya para lang tumigil siya. At higit sa lahat, hindi ko alam kung anong trip niya ngayong gabi pero halata naman na sinusubukan niyang inggitin ako sa harutan nila. Ilang beses na ata akong umirap dahil sa ginawa niya. Halos lahat ata ng ginagawa niya ay para sa akin. Buong akala niya ba magseselos ako? Manigas siya! Tumayo ako nang magpalaro naman ang host. Alas dies na ng gabi at wala pa ring Cloud na dumarating. Patapos na ang event at hindi ko alam kung ano pang rason ko para manatili dito tutal mukhang masaya naman ang party kahit wala ako. Hindi rin naman ako ganun na ka-sociable nung college kaya wala rin akong ganung kakilala sa mga taong nandito. Wala rin naman akong makausap. Nasa labas na ako nang biglang may humila sa aking braso. Marahas kong hinigit ang aking kamay. Nagulantang ako sa humila sa akin. “Charlie…” halos ibulong ko dahil hindi ako makapaniwala na nandito rin siya ngayon. Bago ako umalis ay sigurado akong ‘di niya ako nakita. Umatras ako at naiinis siyang binalingan. “Anong ginagawa mo dito?” “Aalis ka?” tanong niya pabalik, hindi sinagot ang tanong ko. “Ano ngayon kung aalis na ako?” “Bakit?” Pilit akong tumawa sa kanya at umirap sa hangin. “So ano? Puro palitan na lang tayo ng tanong? Hindi mo man lang ba sasagutin ang tanong ko?” Umiling ako at pumasaere ang aking kamay. “Never mind. Hindi mo naman kailangan na sagutin ang tanong ko at hindi mo rin kailangan na magtanong, aalis na ako.” Tinalikuran ko siya ngunit halos mapatili ako nang bigla na naman niya akong hinigit ngunit sa pagkakataong ito ay tumama ang aking labi sa kanyang labi. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pagsasadya niyang iyon! Hindi ko alam kung anong gagawin bukod sa pagtulak sa kanya at pagbibigay ng malakas na sampal. Hindi lamang isa, dalawa, kundi tatlong beses. Dumura pa ako sa sahig para ipakita ko kung gaano ako nandidiri sa kanyang ginawa. But I hated him so much when he gave me a shark-smirk. “That hurts.” Hinawakan niya pa ang kanyang pisngi. “Talagang masasaktan ka sa akin kung lalapit ka pa ulit. You’re an asshole, Charlie. Bakit hindi ka na lang kaya bumalik sa loob? Doon sa ka-date mo!” inis kong sambit sa kanya at tinalikuran siya nang pagsisihan ko kung anong sinabi ko. “You are jealous!” malakas niyang sagot dahil mabilis ang lakad ko papalayo sa kanya. “Hindi! Fvck you, Charlie!” Mabilis ang aking paglalakad dahil naramdaman ko ang kanyang pagsunod kaya naman hindi ko na naramdaman pa kung kanino ako bumungo. Napatili pa ako sa labis na gulat lalo na nung mahawakan ako sa magkabila kong braso. “Mari, are you okay?” tanong ng pamilyar na boses. Nag-angat ako ng tingin sa asawa ko. Nandito na siya. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kabuuan at naka scrub suit pa siya at halatang pagod. Mabilis na naman akong nilamon ng aking guilt lalo pa’t may nagawa na naman akong ‘di ko nais dahil kay Charlie. “Are you okay?” tanong niya ulit at puno ng pag-aalala ang kanyang mukha at boses. Mabilis akong tumango at umayos ng tayo. “Oo naman.” “Mari!” tawag naman ng isang boses na hindi ko gustong marinig pa, si Charlie. Damn him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD