Mari's POV Naging mabagal ang pagmulat ng aking mga mata at pati na rin ang pag-a-adjust ng aking paningin mula sa malabo bago ito tuluyan na maging malinaw. Nasa isang kwarto ako na hindi pamilyar sa akin. Puti ang kulay ng pader at moder ang disenyo ng mga kagamitan sa buong kwarto. Marahan akong napabangon at sumandal sa may headboard. Napatingin ako sa aking suot na iba na. I was wearing a black button down shirt. Inangat ko ang kumot na balot sa aking katawan at doon ko lang napansin na wala akong pang-ibaba maliban sa panties. Tuluyan akong tumayo at lumakad sa may bintana, hinawi ko ang kurtina para makita ang nasa labas. Nasa isa pala akong building. Kitang-kita ko ang mga nagtataasang building at ang papaangat na araw. Malakas akong napabuntong hininga nang makita sa replek

