Mari's POV Natigilan ako at natagal bago na-process sa isipan ko ang kanyang tanong. Umawang ang labi ko para sana magsalita ngunit muli ko rin itong naitikom nang walang isang salita ang lumabas sa akin para magpaliwanag man lang sa kanya. Napatingin ako sa aking kamay bago muling binalik sa kanya. Humahanap ako ng tyempo para makapag-isip. “H-hindi…” Nagtiim bagang ako at bumuntong hininga. Kung hindi ako magpapaliwanag baka kung ano pa ang kanyang sabihin. Baka mas makaisip pa siya ng mas malala pero alam na nga ba niya? “Magkakilala nga kami,” deresto kong sambit na tila hindi kabado. “Bakit hindi mo sinabi?” “Hindi ko kasi makita ang dahilan kung bakit sasabihin ko pa.” “You always tell me everything. Ngayon mo lang ata pinalagpas na hindi sabihin sa akin kung anong tumatakb

