"Kai nakita mo na ba yung transfer student na fourth year? Gwapo daw ah!" Narinig niyang tanong ni Oceane pero mas priority niya ang paghahanap ng pwedeng pang regalo sa daddy niya sa linggo. Siguradong may party dahil taon-taon naman na ganoon ang ginagawa ng mga magulang pagkatapos ay magta-travel ang mga ito. Ibig sabihin ay malaya siya kapag nasa ibang-bansa ang mga ito, pwede siyang magpagabi ng pag-uwi.
"Huy! Ano bang ginagawa mo? Di mo ako pinapansin?" Nagulat pa siya ng biglang sulyapan ni Oceane ang ginagawa niya sa kanyang cellphone.
"Bibili ka ng regalo?" Tanong pa nito habang patuloy ang pagtingin sa ginagawa niyang pag-scroll. Tinanguan lang niya ang kaibigan. Mamaya ay dadaan siya ng mall para maghanap din doon. Kailangan ay unique ang mapili niyang regalo dahil halos lahat ay mayroon na ang daddy niya.
"Birthday ni Daddy sa linggo." Buntong-hininga niya pagkatapos itigil ang ginagawa. Ngayon ay pinagdiskitahan naman niya ang notebook na hawak.
"Ay oo nga pala. Nakita ko yung invitation sa bahay kanina. Invited din ang family namin. Gusto mo tulungan nalang kitang maghanap?" Presinta ng kaibigan. Kaibigan kasi ng stepfather ni Oceane ang Daddy niya na isang lawyer din.
"Hindi na." Tipid niyang sagot dito. "Hindi ba at nasabi mong may family dinner kayo mamaya?" Kakakasal lang ng mommy ni Oceane sa stepfather nito nung nakaraang taon kaya hanggang ngayon ay nasa process pa ito ng pagtanggap sa bagong daddy nito. Although mabait naman si Tito Sean pero na-trauma kasi ang kaibigan sa paghihiwalay ng magulang nito noon. Inaalok nga nitong siya na ang magpapaaral sa kaibigan pero aniya ay mas gusto niyang maging independent kaya pursigido itong ipagpatuloy ang scholarship nito.
Napaface-palm ang kaibigan kaya bahagya siyang natawa. Mukhang nakalimutan na naman nito ang sariling schedule.
"Buti pinaalala mo! Huhuhu! Patay na naman sana ako kay mommy."
Makakalimutin kasi ang kaibigan kaya madalas ay siya ang nagpapaalala dito ng sarili nitong schedule. Madalas nitong ikwento sa kanya ang lahat kaya nalalaman niya ang lakad nito.
Sasagot na sana siya ng marinig niya ang sigawan sa may hallway ng classroom nila. Napakunot ang noo niya at di maiwasang tumingin sa labas, ganoon din ang ginawa ni Oceane na mukhang curious din sa nangyayari.
"Gosh! Ang gwapo niya talaga. Sobrang bango din!" Narinig niyang sinabi ni Lira, ang secretary ng classroom nila.
"Muntikan ng malaglag ang panty ko girl! Buti nalang nahawakan ko!" Kinikilig pang sagot ni Mahalia na barkada nito.
Napairap nalang siya sa sinabi ng mga kaklase. Si Oceane naman ay humarap sa kanya na tila may gustong sabihin.
"Yun yung tinutukoy ko sayo kanina." Panimula nito.
"Alin?"
"Yung bagong transfer na fourth year."
"Tapos? Anong meron?" Hindi interesadong tanong niya dito.
"Gwapo. Sabi nila, mukhang type ang kapatid mo kaso medyo badboy."
Nagkibit-balikat lang siya. Ligawin na mula noon ang Ate Kaila niya pero hindi pa ito nagka-boyfriend. Well, mataas kasi ang standards nito siguro ay dahil na din sa parents nila. Kaya kung sinuman yung tinutukoy ng mga kaklase na gwapo ay siguradong hindi papasa sa kapatid lalo pa at badboy. Goodluck nalang dito!
Natapos ang klase nila ng alas-tres kaya mabilis na siyang umalis ng school bago dumating ang sundo nila ng kapatid. Dumirets na siya sa mall para magtingin ng necktie. Yes, necktie ang napili niyang iregalo. Tutal ay araw-araw gumagamit ng ganoon ang daddy niya, nag-decide siyang ito na lang din ang iregalo.
Sa sobrang laki ng mall ay inabot siya ng dalawang-oras bago makita ang necktie na siguradong magugustuhan ng Daddy niya. Akmang kukunin niya iyon ng biglang may kamay na maunang dumampot mula sa gilid niya. Biglang nanliit ang mata niya bago tingnan ang lalaking mayabang na tumingin lang sa kanya bago siya tuluyang talikuran.
Pakiramdam niya'y uminit ang kanyang batok at lahat ng pagod mula sa paglilibot ay biglang tumama sa kanya. Mabilis niyang hinabol ang lalaki na ngayon ay malapit na sa counter.
"Excuse me!"
Hindi manlang lumingon ang lalaki kahit alam nitong tinatawag niya. Ngayon lang niya napansin na same school ang pinaggalingan nila base sa uniform na suot nito.
"Sir! Hey!" Muli niyang tawag sa lalaki at bahagya pa itong kinalabit, ilang hakbang nalang sila mula sa counter, ang mga staff na nandoon ay nakatingin na sa kanila.
Nang sa wakas ay bumaling ang lalaki ay bahagya siyang nagulat sa kabuuan nito. Gwapo ang lalaki. Matangos ang ilong , medyo manipis ang labi na mamula-mula, clean-cut ang gupit na bumagay sa noo nito at ang kapansin-pansin ay ang pantay-pantay na ngipin na nakita niya ng ngumisi ito. Doon siya tuluyang natauhan.
"I'm sorry pero nauna ako sa necktie na yan."
Nakita niya ang nakakauyam na ngiti ng lalaki pagkuwa'y bahagya pa nitong itinaas ang neck tie sa kamay nito na tila sinasadyang ipakita sa kanya.
"This one?"
"Yes. Nauna akong makakita niyan. Kukunin ko na sana ng bigla mong kunin." Medyo pairap ng sinabi niya dito.
Kalma Kaira! Baka hindi lalong ibigay!
"Sorry. But this one's mine. Pumili ka nalang ng iba." Bahagya pa nitong ibinaling ang tingin sa ibang mga naka display na tila makakapagpabago sa isip niya.
" Please, Mister. Ireregalo ko sana yan." Pinalambing na niya ng konti ang boses, hoping na maawa ito sa kanya. Nakita niya ang pag-awang ng labi ng lalaki na tila nagulat ito sa ginawa niya.
Malapit na Kaira! Ibibigay yan...
Akala niya'y nadala na sa acting niya ang lalaki ngunit ng aabutin na niya ang necktie sa kamay nito ay muli niyang nakita ang ngisi nito pagkatapos ay tuluyang tumalikod at dinala sa counter ang item. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan ang likod ng lalaki na bahagya pang kumaway bago tuluyang lumabas ng boutique.
Nanlulumo niyang tiningnan ang cufflinks na nabili niya. Sa kasamaang-palad ay limited edition yung necktie na napili niya kanina. Iisa na lang ang ganoong stock, nakuha pa ng iba. Napilitan tuloy siyang bumili ng cufflinks sa nadaanan niyang boutique, hindi ganoon kamahal pero sana magustuhan din ng Daddy niya.
Alas-sais na ng makarating siya ng bahay. Nakahinga siya ng maluwag dahil wala pa ang kotse ng parents niya sa garahe,ibig sabihin ay wala siyang sermon ngayon.
Akmang didiretso na siya sa kanyang kwarto ng makasalubong niya sa baba ng hagdan ang kapatid na nakasuot na ng pambahay.
"Goodevening Ate. Kanina ka pa po ba?" Nahihiyang tanong niya sa kapatid ng hindi tumitingin dito. Hindi kasi sila close. Ni hindi nga niya maalalang naglaro sila nito noong bata pa siya. Strikto kasi ang kapatid niya kaya medyo stiff talaga ito. Palaging nagkukulong lang sa kwarto nito habang nag-aaral.
"Oo. Magpalit ka na ng damit mo, padating na kila mommy." Sagot nito pagkatapos ay hindi tumitinging dumiretso na sa kanilang living room, marahil ay magbabasa na naman dahil may bitbit itong libro.
Mabilis na siyang tumakbo sa kanyang kwarto at itinago ang regalo na binili niya sa drawer. Nagpalit na din siya agad ng damit matapos mag quick shower at nag scroll sa kanyang cellphone. Natawa nalang siya ng makita ang message ng kaibigan na nasa kalsada pa din ito at inabot ng traffic. Siguradong bukas ay madami na naman ang kwento ng babae, hindi pa naman tumitigil ang bibig nito kapag naiinis sa isang bagay.
Pababa palang siya ng hagdan ay natanaw na niyang nandoon na ang parents niya at mukhang kinakausap ang kapatid niya. Hindi siya agad lumapit at nanatili lang doon. Kitang-kita niya ang frustration sa mukha ng Daddy nila habang inaalo naman ito ng mommy nila at pinapakalma.
"You could've told us, Kaila! Bakit hindi mo pinagsabihan ang kapatid mo?! I thought you're smart, nakakahiya ang pinaggagawa ng babaeng iyon!"
Agad dumapo ang kaba sa dibdib niya ng marinig ang sinabi ng Daddy niya. Ano na naman ba ang ginawa ko?
"H'wag kang magalit kay Kaila, Hon. You know Kaira, kahit pagbawalan mo ang batang yun mas lalo lang niyang gagawin. Alam mo namang matigas ang ulo niya mula noon pa!" Narinig niyang sagot ng mommy niya kaya mas nasaktan siya. Kahit kailan talaga ay hindi manlang siya nagawang ipagtanggol nito.
"Kailan pa ito? Bakit hindi mo sinabi sa amin ng mommy mo? You should’ve seen my face earlier. Imagine my horror when Sean told me that his stepdaughter and Kaira are scholars at Montessori! Your tuition wasn’t even that expensive. Bakit kailangan niyang gawin ito? Alam ninyo namang mainit ang mata sa atin lalo pa at iaanounce ko na ang pagtakbo ko bilang Senador!" Kitang-kita niya ang panggagalaiti ng Daddy niya kaya't unti-unti siyang umatras hanggang marating niyang muli ang ibabaw ng hagdan, pagkatapos ay mabilis na siyang pumasok muli sa kanyang kwarto.
Habol niya ang kanyang paghinga habang pinipigilan ang pagluha. Pakiramdam niya'y isa siyang bata habang unti-unting humihiga sa kanyang kama at nagkumot.
No one will comfort her, wala si Oceane na siyang madalas na kakampi niya. She only have herself as usual and that hurts most...