Chapter 3

996 Words
* Napahawak ako sa aking ulo nang magising ako... At dahan dahan kung binuksan ang aking mga mata..  "Sum, buti at nagkamalay kana.. nag alala kami sayo baby.." si Georgia sabay haplos sa ulo ko.. "Ano ang nangyari?"  " Ako dapat magtanong sayo nyan, ano ang nangyari sayo? Nakita ka nalang ni Vera at Drew sa loob ng yati .. Basang basa at walang malay at may sugat sa ulo mo.. "  " Ang huling natandaan ko lang nawalan ako ng malay ,nahulog sa dagat ..malakas ang hangin at ulan.. at di ko na alam kung ano ang sunod na nangyari.." tugon ko kay Georgia .. at biglang pumasok si Mama sa kwarto ko.. "Summer, buti at nagising kana anak.."  "Ilang araw ba akong nawalan ng malay?"  "Dalawang araw Summer.. Kaya sobrang nag alala kami sayo.." singit ni Georgia..  "Ahm hija , Georgia, pwede ko bang makausap ang anak ko, na kaming dalawa lang?"  "Su-sure Tita.." at agad lumabas ng kwarto si Georgia...  "Summer , ano ang nangyari anak?" sabay hawak ni Mama sa kamay ko.   " Bumalik ako dun Ma.. nagbakasaling makita ko na ang gusto kung makita kasi nga full moon pero wala.. Wala akong nakita.. Kaya nagpasya akong bumalik nalang sa resort at nung pabalik na ako sana. Bigla nalang lumakas ang hangin na may dalang malakas na ulan.. Natumba ako at nabagok ang ulo ko sa sahig .. Nahulog sa tubig at nawalan ng malay.. Yun ang natandaan ko Ma at hindi ko alam kung ano na ang nangyari pagkatapos.."  "Nag alala ako sayo anak pero paano ka napunta sa yati at binalik sa resort .. Sino ang tumulong sayo, may iba bang tao na andun, mga mangigisda. May nakita ka bang tao na posibleng tumulong sayo?" patuloy ni Mama.. na may halong pagtataka .. "Oh Ma, dont tell me ?"  "Yes.. Yes Summer.. What if isa sa kanila ang tumulong sayo.. Walang ibang tao na andun sabi mo so kung wala, sino?"  " No Ma.. Imposible! Baka may dumaan o may nakakita sa akin habang nagpalutang lutang ako sa tubig.. Di natin alam.."  " Kaya nga Sum, di natin alam.. baka totoo sila anak.. "  " Ma ?!?" pigil ko kay mama... "Anyways, im so sorry .. Siguro itigil na natin to .. Ayukong pati ikaw mapahamak.. Di ko na kayanin kung may mangyari pang masama sayo Summer.. Di ko na kayanin pa..kaya kalimutan mo na ang sinabi ni Mang Berting.. Ipapa sa Diyos nalang natin ang lahat.." at tumayo si Mama... sabay hikbi ... at lumabas ng kwarto..  Napahawak ako sa aking noo.. Napaisip ako.. Ano ang nangyari? Paano ako nakauwi? Sino ang tumulong sa akin?  "Baby, are you okay?" si Georgia..  "Yeah Georg.. Inalala ko lang ang mga nangyari.."  "Ayuko ng bumalik ka dun .. ayukong mapahamak ka dahil lang sa sinabi ni Mang Berting. Walang katotohanan ang lahat ng yun.. Puro haka haka lang.. Kwento ni Lola Basyang..kaya please huwag ng matigas ang ulo mo.."  Hindi ako kumibo.. tumango nalang ako sa kanya...  "Ikukuha muna kita ng pagkain, im sure gutom kana.."  at lumabas ulit si Georgia ng kwarto ..  Mababaliw ako kakaisip nito.. Hindi pwedeng mamalagi ako dito na walang ginagawa.. Kailangan kung malaman kung ano ang nangyari sa akin at sino ang tumulong na makauwi ako dito na buhay.. Kailangan kung malaman... ------ Dahan dahan akong  bumangon para di magising si Georgia.. Andito kasi siya sa bahay natulog at binantayan ako pero hindi ako mapakali kailangan kung bumalik dun..  Pinaandar ko agad ang yati at pinatakbo papunta na naman sa kalagitnaan ng dagat..  Dumating na ako.. Maaliwalas ang paligid.. at tanging naririnig ko lang ang mga alon at simoy ng hangin..  Tumayo ako sa harapan ng yati .. Tiningnan ang bawat sulok ng tubig na nakapalibot sa akin..  Kung lulundag kaya ako dito ... may sasagip kaya sa akin .. Bakit di ko susubukan? Baka sagipin niya ako.. hayss! Nababaliw na ba ako.. Ano ba tong iniisip ko? Bahala na nga!  "YOHOOOO ALAM KUNG ANDITO KA .. MAGPAKITA KA SA AKIN.. KUNG HINDI KA MAGPAPAKITA , LULUNDAG AKO SA TUBIG, HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY! SIGE KA! ALAM KUNG IKAW ANG SUMAGIP SA AKIN! SIGE NA PLEASE MAGPAKITA KA NA OH.. PLEASE!" pasigaw kung sambit .. para akong tanga na nakikipag usap sa dagat.. aysss! Ano bang ginagawa mo Summer..  "SIGE KA ! LULUNDAG NA TALAGA AKO.. ITO NA! ISA .. DALAWA.. TATLO.."  nang biglang may humampas sa gilid ng yati na nagpagiwang nito ,  na out balance ako .. at nahulog sa tubig... Yes , totoo ... hindi ako marunong lumangoy..  Nahirapan na ako sa paghinga.. Pinipilit kung umahon sa ibabaw ng tubig ,pero .. Hindi ko na kaya... Hinihila na ang katawan ko sa ilalim ng dagat..  Nang biglang may yumakap sa likuran ko at dinala agad ako sa ibabaw ng dagat...  Habol ang paghinga ko ng nakalabas na ang mukha ko sa tubig..  "Ayan ang napala mo! Gusto mo palang magpakamatay ha ? Kaya pinagbigyan na kita. .. Kung alam ko lang sana hindi na kita sinagip nung una.."  Isang magandang boses ang narinig ko na galing sa aking likuran.. Agad akong napalingon sa kanya...  "I-IKAW?" napaatras ako nang muntikan ng magdikit ang mga mukha namin.. napakaganda niya...  "Who- WHO ARE YOU?" "Bakit ka ba nagpupunta dito? Delikado sa katulad mo.. Sige na umalis kana at huwag ka ng babalik pa.. Sige na.."  Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot nang bumalik ako sa wisyo.. Saan galing ang babaeng ito..  "Hindi kaba natatakot sa akin? Tingnan mo ang paligid. Walang katao tao.. Hindi mo ba naisip kung saan ako galing.. Saan ako nakatira, Hindi ka ba natatakot sa multo?"  Nang marinig ko ang salitang "multo".. Para akong kidlat na agad umakyat sa hagdanan ng yati..  "Ha ha ha ang tapang mong pumupunta dito mag isa sa kalagitnaan ng gabi , takot ka naman pala sa multo.. "  Nanginginig ang buong katawan ko.. Tumayo balahibo ko.. Para nalunok ko ang aking dila.. Hindi ako makapagsalita habang nakatitig sa kanya... Ang gandang multo... "Umalis kana bago magsilabasan ang ibang multong kasamahan ko baka matuluyan kana.. Ha ha ha "  At bigla siyang nawala sa paningin ko...  Multo nga!!!  Agad kung pinaandar ang yati at pinaharurut ng takbo pabalik ng resort... Ayuko na talaga .. Ayuko na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD