-Pearl- * Nakita kung umalis na si Aliyah pagkatapos nilang mag usap ni Sum sa pintuan ng kanyang opisina. Anong ibig sabihin nito? Okay na sila? Kasi kung magngitian ang dalawa parang hindi mortal na magkaaway nuon . Ano ang nangyayari? May dapat ba akong malaman? Bahala na . Pupuntahan ko si Sum sa kanyang opisina. "Ano ang ibig sabihin nun?" "Pearl?" "Ganun ganun lang okay na kayo ni Aliyah?" sumbat ko sa kanya. "Para kang si Ate Elis. Ano bang problema kung okay kami ni Aliyah. Kung tutuusin siya lang ang nagpakatotoo dito . Dahil sa kanya nalaman ko kung ano ang totoo. My God Pearl at wala kang pakialam kung magiging okay kami ni Aliyah. Wala ka dun kasi wala na tayo. Matagal ng wala." "Si Aliyah napapatawad mo pero ako? Ako na mahal mo pinapahirapan mo? Ako ang mahal mo pa

