"Summer" * Hindi ko man matanggap ang totoong ako! At hinding hindi ko ito matatanggap kailanman .. Pero kailangan kung gamitin ang pagiging isang sirena .. para mapaling si Papa.. Ang dugo ko lang ang magpapagaling sa kanya ng tuluyan.. Humingi ng tawad si Papa sa akin.. Sinabi niya ang lahat .. Hindi niya kagustuhan ang mga nangyari pero dahil sa kaibigan niya at sa business partner niya na ama ni Georgia.. Napilitan siyang itago si Aliyah at ako ang ipinalit dahil ayaw nila na maghinala mga tao kung bakit naging tatlo ang anak niya na ang alam ng lahat dalawa lang ito .. At dahil din sa kasunduan ng mga magulang kong sirena na magpapatuloy ang pagbigay nila ng yaman sa pamilya ko at sa pamilya ni Georgia kailangan nila akong palakihing mabuti .. Pero dahil napamahal na si Papa sa a

