Chapter 16

1403 Words
-Summer- * Nilapitan ko si Aliyah nang makita ko siya sa may sala habang nag cocoffee.. at may ginagawa sa kanyang lappy.. "Hey..?" sambit ko .. sabay upo sa kabilang sofa.. "Yes?" sagot niya na di man lang tumingin sa akin.. "Sorry pala sa inasta ko.. Nagulat lang ako sa mga nangyari...at naintindihan mo naman yun db?" sambit ko at di pa rin siya tumingin sa akin.  "Hayy Summer, pwede bah? Wala akong oras makipagplastikan sayo. Kung ayaw mo sa akin. Fine! Ayaw ko din sayo. Period!"  "What? Hindi ako nakipagplastikan sayo."  "Really?" sagot ni Aliyah.. sabay tingin sa akin.. napailing siya.. at natatawa.. "Pwede bha? Hindi kita gusto okay? So no bigdeal sis kung ayaw mo sa akin.. "  "Ikaw pa talaga ang magsabi sa akin na ganyan, eh kagabi ang bait bait mo sa harapan ni Pearl."  "Kasi nasa harapan ako ni Pearl at kung di ka sinabihan ni Pearl di ka makikipag usap sa akin? My God Sum, leave me alone!"  "Oh buti naman at nag uusap na kayong dalawa." biglang sulpot ni Mama.. "Yes Mommy. Tapos na kaming mag usap ni Sum.. Db sis?" sabay kindat ni Aliyah sa akin.. Hindi ako umimik. Agad akong tumayo at iniwan ang dalawa..  Akala ko si Georgia lang problema ko.. Mas masahol pa pala tong isa. At hindi ako papayag na magkalapit sila ni Pearl. Wala akong tiwala sa babaeng ito.. Masama ang kutob ko sa kanya.. Hindi maganda ang awra niya sa akin.. Kaya hindi ako papayag na makalapit sila ni Pearl. No way!  --- "Ate ,nakita mo ba si Pearl?" agad kung tanong kay Ate nang di ko makita si Pearl sa clinic ..  "Kinuha siya ni Aliyah. Mag dedinner daw sila sa labas.."  "What?" nagulat ako sa aking narinig .. "Saan sila nagpunta?"  "I dunnu, wala silang sinabi.. You know what Sum, wala akong tiwala kay Aliyah, masama kutob ko sa fake na kapatid natin." "Sinabi mo pa.. Ang maldita.. Kala mo kung sino.. Eh pinulot lang naman sa tabi tabi."  "Galit ka na niyan? O nagseselos? Uyyyy!" pang asar ni Ate Elis.. "Ewan ko sayo. Makauwi na nga lang! Kakainis!"  Lumabas ako sa opisina ni Ate at umuwi na ng bahay.. Nadatnan ko si Georgia sa may sala.. Andito pa talaga ang babae na to.. "Kumain kana?" tanong ko sa kanya.. "Yup!" tipid niyang sagot .. "Wala ka bang balak umuwi sa inyu?" tanong ko ulit sabay tabi sa kanya..  "Bakit naman ako uuwi." pasupladang sagot niya.. "Kumusta na pala si Miggy bakit wala na akong narinig sa kanya..?" "Nasa bahay.. Ewan, parang nabaliw ata kasi nakawala ang mga sirenang alaga niya.. May isang sirena daw na dumating at niligtas ang mga alaga niya at kinuha ang memorya ni Miggy. Ang nakapagsabi sa amin yung mga tauhan lang  niya.."  "Really?" nagulat ako sa sinabi ni Georgia.. Di kaya si Vanora yun.. Nahinto ang pag uusap namin nang may pumasok sa bahay.. Agad kaming napalingon ni Georgia.. "Wow! Hows sweet.. You know what guys, bagay kayo.. Db Pearl?" agad bigkas ni Aliyah.. Hindi naman sumagot si Pearl. "Pearl? Saan kayo galing?"  "Nagdinner lang sa labas, ahm , balik na ako sa work."  "Hatid na kita." tugon ni Aliyah.. "Ako na.. " agad kung sambit..  "Si Summer na. Salamat Aliyah."  Hindi kumibo si Aliyah.. Agad kung hinawakan ang kamay ni Pearl at lumabas na ng bahay.. Di na rin naka react si Georgia..  "Sabi ni Aliyah, sinupladahan mo daw siya kanina nung sinubukan ka niyang kausapin.. Sum, kala ko ba tratuhin mp siyang mabuti."  "Ano? Yan ang sabi niya?"  Napahinto kaming dalawa.. At hinarap ko si Pearl. "Ako ang kumausap sa kanya sa may sala. Pero ano? Sinupladahan ako. Tinawag na plastik. Tapos sisiraan niya ako sayo? At naniwala ka ?"  "Summer mabait si Aliyah. Bigyan mo siya ng chance.. Okay?"  Hindi ako kumibo.. Napailing nalang ako.. Buset yung babae na yun ah .. Siniraan ba talaga ako..  "Tayo na ,hatid mo na ako." ngiti ni Pearl.. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa resort.. "Namiss kita." sambit niya.. "Sus. Nakipagdinner ka nga sa iba eh."  "Ayee nagseselos.. Nakikipagkaibigan lang siya Sum, at ikaw? Ikaw ang mahal ko." sabay dampi ng halik sa mga labi ko.. at agad na akong napangiti..  "Nagseselos ba ang mahal ko?"  "Uu nagseselos ako.. Nakipagdinner ka dun sa fake na sister ko.. " "Tama na ha. Ikaw lang mahal ko.. At si Aliyah, kaibigan ko siya "  "Pearl, nasabi sa akin ni Georgia na nakawala ang mga sirena ni Miggy dahil may tumulong na isang Sirena. Pearl di kaya siya yung kilala kong sirena?"  Napatingin sa akin si Pearl..  "Kailangan kong malaman ang totoo .. Baka nagbalik na si Vanora.. "  "Huwag mong sabihin sa akin na pupunta ka ulit sa laot? Di naman tayo sigurado kung si Vanora yun?" tugon sa akin ni Pearl.. Napatingin nalang ako sa kanya at di nalang kumibo.. Ayuko ring mag alala si Pearl. Dahil mahal ko siya.. Siya lang wala ng iba..  --- "Paano kung malaman mo na ang mahal mo ngayon ay ang tao pala na bahagi ng iyong nakaraan.?" biglang sulpot ni Aliyah sa likuran ko habang nag cocoffee ako sa may garden ni Mama... "Tigilan mo ako."  "Tapos tinago niya sayo dahil hindi ka pala talaga niya mahal. Pinatulan ka lang dahil may hinahanap lang siyang sagot db ang sakit nun." patuloy pa rin ni Aliyah...  "Hoy babaeng walang alam kundi ang mambuset sa mga tao dito sa bahay. Pwede bah tigilan mo si Sum!" biglang sulpot ni Georgia.. "Tigilan mo si Sum."  "Hoy martir na babae! Kapal ng mukha mong magstay dito .. Kapal mo girl. Hindi ka na mahal nito .. Harap harapan ka na ngang niloloko oh.. Mahal niya si Pearl.. Kaya ano pa ang ginagawa mo dito? Pakapalan ng mukha?" sagutan ng dalawang buset sa buhay ko... "Tama na .. Tama na .. Ang aga aga bangayan agad.. Tama na ha?" bigkas ko.. "Ito kasing fake na to eh kala ko kung sinong prinsesita.. Fake lang naman.. Fake! Made in China ang pagiging Williams. Cge girl patuloy mo yan .. Ikakaganda yan ng ugali mong bulok!"  At agad tumalikod si Georgia pabalik sa loob ng bahay.. Napahawak nalang ako sa aking ulo... at sumunod kay Georgia.. Iniwan ko si Aliyah sa may garden.. Nakahanap din siya ng katapat!!  "Georg, thank you." sambit ko nang mahabol ko siya.. "Wala yun.. Napuno na rin ako sa kanya.. Kakainis eh.. Iniinis din ako ng bruhang yan.. " "Im sorry." "Sum, tumawag si Daddy sa akin. Pinabalik na ako sa labas ng bansa at kailangan ko siyang sundin.. Hindi na maganda ang buhay namin dito at kailangan kung dalhin si Miggy para dun na gamutin at makalimutan na ang lahat ng mga masasamang nangyari dito.." Tumango ako at nagpasalamat kay Georgia.. Masaya ako dahil sa wakas mahanap na din niya ang kalayaan sa kanyang sarili and maybe dun na niya mahanap ang happiness na matagal na niyang inaasam..  --- Lumipas ang mga araw naging mas malapit kami ni Pearl at ganun din sila ni Aliyah. Pero magkaibigan lang silang dalawa ... At ganun pa rin ang relasyon namin ni Aliyah.. Hindi kami close.. At si Georgia lumipad na kasama si Miggy palabas ng bansa ... Hindi ako mapakali ngayong gabi kaya dinala ko sa laot si Pearl kahit ayaw niya dahil may kutob ako na makikita ko na si Vanora, ang sirenang matagal ko ng hinahanap..  "Akala ko ba kakalimutan mo na ang sirena na yun?"  "Hindi ako mapakali Pearl, malakas ang loob ko na makikita ko na siya at malaman ang totoong nangyari nuon sa akin, sa amin.. At ano ang kinalaman niya sa sirenang nagligtas sa dalawang sirena na nahuli ni Miggy.."  "Wala tayong makikita dito Sum ,nagpakalayo na siguro sila dahil takot na sila sa mga tao.. " sagot ni Pearl.  Hindi ako kumibo.. Dumating na kami sa laot..  Agad akong naghubad.. "Anong ginagawa mo?" tanong agad ni Pearl.. "Diyan ka lang.. Pag walang magliligtas sa akin.. Ikaw ang magliligtas sa akin." sambit ko kay Pearl at agad akong lumusong sa tubig.. Pipigilan sana ako ni Pearl pero hindi niya ako nahawakan ..  Hirap na ang paghinga ko.. hirap na ako.. Mawawalan na ako ng malay...  Nang biglang may humila sa akin paahon sa tubig ...  Isang sirena!!!  "Vanora???" agad kung sambit sa kanya ng maiahon ako sa tubig... "Vanora ba ang pangalan mo?"  "Sum? Summer ? Okay ka lang? Sum?" sigaw ni Pearl sa ibabaw ng yati..  "Masaya akong nakita ka ulit Sum. Mag ingat ka mahal ko" Napatitig ako sa kanya...Nang makahawak na ako sa hagdanan ng yati agad siyang nawala!  "Vanora????" tawag ko...  Pero wala na.. Nawala na siya .. Hinawakan ako ni Pearl at inalalayan pabalik sa ibabaw ng yati.. Hindi ako makapaniwala nakita ko siya.. Nakita ko na ang hinahanap ko.. Natagpuan ko na si Vanora.. Natagpuan ko na siya.... ------- Halah sino yun?? Kung si Pearl si Vanora eh sino yun??   Abangan....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD