Chapter 1

1125 Words
Nang marating ang bayan ng Martirez ay isang talipapa naman ang dinaanan ng mag-asawang Agustin at Satana. Habang magiliw na namimili ng ilang prutas at gulay ay nagulat nalang si Agustin ng biglang napakapit sa kanyang braso si Satana. Muli ay napakunot noo ang lalaki at napatitig sa namumulang mukha ng kanyang asawa. “Mahal, may problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Agustin. Napa-iling nalang si Satana habang nakatingin sa kawalan, bakas parin sa mukha nito ang labis na pag-aalinlangan. “Satana, alam kong may gumugulo sa isipan mo, kilala kita, kung may gusto kang sabihin ay mas mainam na sabihin mo na ngayon” Seryosong sambit ni Agustin. Bigla ay napatingin naman sa kanya si Satana habang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. “Agustin, bumalik na tayo, hindi pa ako handa na harapin ang aking mga magulang, hindi pa ako handang bumalik sa Baryo” Nanginginig na sambit ni Satana. Napatitig naman si Agustin sa asawa, hindi niya man naunawaan ang babae ngunit hindi parin nito maiwasan ang mag-alala tungkol sa hinaing ni Satana. “Mahal andito na tayo, siyempre gusto ko ring makilala ng mga magulang mo si Lino, huwag kang mangamba Satana, pamilya mo sila at sigurado akong mapapatawad ka nila, matatanggap nila tayo” Kalmadong tugon ni Agustin at napangiti pa habang hinahaplos ang kamay ng asawa. Napayuko nalang si Satana, ibinaling nalang nito ang kanyang paningin sa kanyang dalang sanggol, habang pilit na inaalis ang pag-aalinlangan sa kanyang isip. ........................ Sakay nang isang tricycle ay halos kalahating oras naman ang itinagal ng biyahe ng mag-asawa papasok sa liblib na Baryo na kung saan naninirahan ang pamilya ni Satana. Napansin naman ni Agustin ang tila masyadong mabilis na takbo ng tricyle at mas lalo pa itong nagulat ng bigla itong tumigil sa kalagitnaan ng malubak na daanan. Napalinga ito sa paligid at napansin na wala ni isang tao o bahay ang nasa paligid noon. Dahil noon ay nabaling ang kanyang paningin sa namumutlang mukha ng tricycle driver na mistula ding hindi mapakali. “Manong bakit po?” naka-kunot noong tanong nito ni Agustin. “Hanggang dito nalang po ako sir, pasensya na, mag-didilim na po kase at delikado na pong bumiyahe sa ganitong oras” Nanginginig na salaysay ng driver. Napailing naman si Agustin at nagtaka. “Teka manong malayo pa ata ah, kung gusto niyo dadagdagan ko nalang po ang bayad sa pamasahe.” Sambit uli ni Agustin habang sinusuyod ang paningin sa malawak at mahabang daanan. “Pasensya na po talaga, hindi ko po kaya, at delikado po sa lugar na iyan at baka po.” Bago paman maipagpatuloy ng driver ang kanyang sasabihin ay napatigil nalang ito ng biglang sumingit sa usapan si Satana. “Kailangan na nating maglakad papasok Agustin, bawal ang taga ibang lugar sa loob” Seryoso at derektang sambit ng babae. Naguguluhan man ay napilitan na ring bumaba ng tricyle si Agustin, inabot nito ang bayad sa driver at dali-dali namang humarurot ito palayo. Pagkatapos noon ay unti-unti nang hinakbang nang mag-asawa ang kanilang mga paa sa malawak na daanan. Unti-unti na ring dumidilim ngunit sapat parin ang liwanag upang matanaw niya ang kabuhuan ng nasabing baryo. Habang abala sa pagsusuri sa lugar ay nagulat naman ito ng biglang napahawak si Satana sa kanyang mga braso. Sa muli ay napansin nalang ni Agustin ang pangamba sa mukha ng asawa. ......... Ilang minuto na silang naglalakad at wala parin silang naaninag ni isang bahay, tahimik lang ang buong paligid at puro puno at damuhan lang ang nadadaanan nila. Hanggang sa makasalubong nila ang isang payat na payat na matanda, kulubot na ang balat at halos kuba na. Napatigil naman si Satana at sinilayan ang matanda. “Mang Tasyo?” Mahinang tugon ni Satana dito. Napatigin naman ang matanda at pilit na inaaninag ang mukha ni Satana. Maya-maya pa ay napansin naman ni Agustin ang biglang pagtitig ng matanda sa kanya na mistulang sinusuri nito ang kanyang mukha. “Magandang araw po.” Bati ni Satana sa matanda Ngumiti lang ang matanda at inilipat ang masuring tingin kay Satana. Napayuko naman bigla ang babae na mistulang iniiwasan ang misteryosong titig nito. “Dayo. Dayo” Dahan-dahang bigkas ng matanda. Pilit naman binalewala ni Satana ang narinig at mabilis na niyakag ang asawa na umalis. “Tara na Agustin.” Pagyaya ni Satana na halos hilahin na ang asawa. “Teka, kilala mo ba yung matanda?” Pagtataka ni Agustin. Napatango naman si Satana ngunit nanatiling tensyonado ang mukha. “Taga Baryo.” Tipid na sagot nito. ................ Hindi nagtagal ay nakarating na din sila sa komunidad nila Satana, Tahimik lang ang paligid at halos lahat ng bahay doon ay gawa lang sa kawayan ay kugon. Payak ngunit kapansin-pansin ang kapayapaan sa lugar. Halos palubog na ang araw, ngunit kataka-takang marami parin ang tao sa paligid. Habang iginagala ang paningin ay nagulat nalang dalawa ng mapansin na ang ilan sa mga residente doon ay marahang humakbang palapit sa kinatatayuan nila. Hindi maiwasan ng mag-asawa ang mangilabot dahil sa makabuluhang tingin ng mga taga doon, ang bawat makasalubong nila ay tila sinusundan sila ng tingin, tila binabantayan ang kanilang bawat galaw, at sinusuri sila mula ulo hanggang paa. Pilit na ngumiti si Agustin bilang pagbigay galang sa mga taga doon, hindi naman kumibo ang mga residente, bagaman ay mas lalo pang tumalim ang kanilang mga misteryosong tingin, lalong-lalo na kay Agustin. Bigla namang hinawakan ni Satana ang kamay ng asawa ng pamansin ang pangamba sa mukha nito. Maya-maya ay napatigil nalang ang lahat ng biglang dumating ang isang may edad na babae. “Maligayang pagbabalik Satana” Bati ng babae sa malalim na boses. “Salamat Tiya Marites” Tipid na tugon ni Satana sa babae. Nabaling naman ang tingin ni Marites kay Agustin at sa sanggol na bitbit ni Satana. lumapit ito sa kinatatayuan ni Satana at pinagmasdan ang sanggol na hawak nito. Ilang saglit pa ay inamoy-amoy nito ang ulo ng sanggol pagkatapos ay bigla nalang itong napatingin kay Satana. “Dayo?” Misteryosong tanong ng may edad na babae. “Ah. tiyang anak ko po to, si Lino, at siya ang aking asawa si Agustin” Tugon ni Satana sa nanginginig na boses. Muling nabaling ang tingin ni Marites sa bata, at isang makabuluhang ngiti ang puminta sa mukha nito. “Pwede ko ba siyang kargahin?” Malumanay na tugon ni Marites na ang mga mata ay nakatitig parin sa sanggol. Bago paman makasagot ay nagulat sila pareho ng marinig ang isang matining na boses. Mula sa likuran ni Marites. “Huwag mong pakialaman ang aking apo Marites!” At napalingon nalang silang lahat sa pinanggalingan ng boses. “Inay?” Gulat na tanong ni Satana ng makita ang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD