Maingat na pinaliliguan ni Barbie ang baby nila at hindi n'ya mapigilan na mapa-isip pa rin sa kabila na lumabas na ang DNA result na nag papatunay na anak nila ni Luzi ang batang tahimik lang na naka higa sa baby bathtub. Hinawakan n'ya ang maliliit nitong paa sa alala n'ya ang alam n'ya may balat sa paa ang batang inilabas n'ya noon pero ang batang nasa kanila ay walang balat. Pinipilit n'yang isipin na baka hindi balat ang nakita n'ya. Anak nila ang batang kasama nila ngayon kaya kailangan n'yang tangapin at bawasan ang pagiging paranoid na normal daw sa mga babaeng dumadanas ng postpartum depression. Dinala n'ya sa labi n'ya ang maliliit na paa ng anak at hinalikan. Baka dala na lang talaga ng depression n'ya ang mga na iisip n'ya imposble naman siguro na mapalitan ang anak n'ya nila

