"Earth to Thea!"
I can't stop thinking about what happened last night and the deal sealed by our family and Rikko's. Hindi pa rin umaalis sa utak ko kung paano ako ikalakal ng pamilya ko para ingatan ang kaari-arian namin.
"Thea Jasmine Lee!"
"Stop annoying me, Frenchie! Pasalamat ka't hindi ikaw ang ipapakasal sa taong ayaw mo," iritado kong ani kay Frenchie na nakapangalumbaba sa harapan ko, habang nakaupo kami sa upuan ng school canteen na hinihintay ang order namin. Nasa gilid naman niya sina Desteen, Kuya Kal, at Reva.
"Okay, easy. That's no reason to act all irritated with me, T," sagot ni Frenchie na may mapang-asar na tono.
"Yeah, don't get all worked up, Thea. I'm pretty sure they'd change their decision if you ask them hard enough," Desteen reassured me.
Right, because they don't know who I'll be married to yet, and my father and mother are the perfect parental figures to all my friends. Sa publiko, kilala silang mapagmahal at mapag-arugang mga magulang na gagawin ang lahat para sa anak.
But behind closed doors... I'm just a nobody to the family.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat? Wala akong puwedeng sabihin hinggil sa mga nararamdaman ko sa kanila sa ibang tao, dahil malalaman nila.
Worse, I wouldn't like it once it would reach the press. Ako ang mapagbubuntunan ng pagkadismaya nila sa anumang pangyayari na ipapanganib ng kanilang pinangangalagaang reputasyon, kahit hindi ako ang may kasalanan.
I know it, because it happened once. And I wasn't even the one who snitched on them.
That's why I'll be drawing the line in their making me marry the one person whom I hate the most.
Hindi ko igugugol ang natitirang mga araw ng buhay ko kasama ang nag-iisang dahilan kung bakit kailangan kong magdusa tulad ng dati.
"Besides, we aren't sure yet about Frenchie's future," ani Reva, sabay kindat kay Frenchie. Hinampas siya nito sa ulo. Sa dami ng mga iniisip ko, hindi ko na namalayan ang usapan nina Reva, Frenchie, at Kuya Kal.
"Are you crazy? Take that back, you—"
"Alright, that's enough," saway ni Kuya Kal sa aming lahat. Tumahimik din naman sina Frenchie at Reva. Binuklat niya ang librong kanina pa niya dala-dala at nagsimulang magbasa.
"OMG! Ang gwapo talaga ni Brix!" ani Reva, na hinahampas si Desteen. Sinaway naman siya nito nang kumunot ang noo ni Kuya Kal sa pagsigaw niya.
Tiningnan ko ang taong itinutukoy nina Reva at Desteen, pero nagtama ang mga mata namin ng iilang sandali. I broke the stare first.
Nang naputol na ang tinginan namin, bumalik si Brix sa mga kausap niya kanina na malalakas ang boses. Jocks, I suppose.
"Reva, matagal nang manliligaw iyan kay Thea," dinig kong bulong ni Frenchie kay Reva.
"No, I don't mind. We're not pursuing a serious relationship. Friends lang talaga kami," inosenteng singit ko sa usapan nilang dalawa.
"Totoo? Hindi ako naniniwala!" ani Reva.
"Yeah, he's just a persistent suitor. But I've always made it clear to him that I have other priorities," I emphasized, now unzipping my bag to do our assignment.
Pinanliitan ako ng mata nina Reva, Frenchie, at Desteen, pero nang napagtanto nilang walang bahid ng kasinungalingan ang mukha ko, iniba nila ang usapan.
Brix is actually a great guy. He's my ideal man, to be honest. But there's just...something I can't explain.
Sa bawat panunuyo niya sa akin, hindi ko pa rin nararamdaman na lumalambot ang sarili ko sa kaniya. Wala naman akong ibang gusto, pero totoo siguro ang sinasabi nilang hindi mo madidiktahan kung sino ang mamahalin mo.
Nang napansin kong tumigil sa pag-uusap sina Reva, inangat ko ang ulo ko para malaman ang dahilan. Pero sinalubong lamang ako sa taimtim na titig ni Brix.
"Kal.... Thea.... Here are your orders," ani Brix, na inalok kay Kuya Kal ang pagkaing binili namin nang pinutol ko ang pagtitig sa kaniya. Pinagtitinginan ako ng tatlo kong mga kaibigan na parang naiihi sa kilig. Sinipat ko sila nang masama.
"Thank you, Brix," si Kuya Kal.
"No worries. Narinig ko kasi na sa inyong table ibibigay ang mga pagkain, kaya ako na ang kumuha," sagot niya.
Nang nagtama na naman ang paningin namin ni Brix, binaling ko ang atensiyon ko sa ginagawa kong assignment para hindi niya mapansing naiilang ako sa presensiya niya. Hindi ako komportable sa kaniya, dahil ilang beses ko na rin siyang tinanggihan. I think there's a word for what I'm feeling now: guilt.
"Ay, hindi ba may bibilhin tayo sa mall, Des?" biglang tanong ni Reva kay Desteen, na ipinagtaas ng kilay ko.
"Ah, o-oo! May nakalimutan pala kaming bilhin na lipgloss," pagsuporta ni Frenchie sa dalawa, nang nakuha niya ang makahulugang tingin ni Reva.
"Wait, I'll go with-"
"Oh, you can't, T. You already own this one. Unfair naman sa amin kung bibilhin mo ang lahat ng stock," pagtanggi ni Frenchie na tumatawa, bago kumindat sa akin. I deadpanned.
"We're very sorry, guys, but we need to go now. Sayang din kasi ang sale, eh!" ani Desteen. Tumango naman sina Reva at Frenchie sa sinabi niya, bago kumaway sa amin at tuluyan nang umalis. These three... I swear!
"Right, I think I also need to go to the library to take care of our thesis. Una na lang muna ako ha, Brix... Thea.." tawag ni Kuya Kal, habang isinosoli ang aklat na binabasa niya kanina sa bag niya.
Please. Pati ikaw din, Kuya Kal?!
Nang kami nalang ni Brix ang naiwan, tumikhim muna siya bago humingi ng permiso na tumabi sa akin sa pag-upo. Ilang saglit ko lang siyang sinulyapan, pero nararamdaman ko nang umiinit ang pisngi ko sa lumiliit na pagitan namin.
"How's vacation?" panimula niya.
"It was great, actually. After having fun at Bora and Vegan City, Singapore and HongKong were also sights to behold," magiliw kong sagot sa kaniya, na hindi pa rin siya tinitingnan. Panay sagot lang ako sa assignment na nakalapag sa harapan ko.
Sigurado akong wala akong nararamdaman kay Brix, pero nahihiya pa rin ako tuwing nakikipag-usap siya sa akin... sa kadahilanang nabanggit ko na kanina.
"Thea," tawag ni Brix sa akin. Bahagya kong kinagat ang ibabang labi ko bago tingnan si Brix nang diretso.
"Brix, I'm...."
"It's okay, Thea. I'm not in a hurry," tugon niya.
Ngayon ko lang ulit nasilayan si Brix nang malapitan. Mas tumingkad ang kulay kayumanggi niyang balat na dulot 'ata sa pag-suswimming nila ngayong summer. Malinaw pa rin ang singkit niyang mga mata na sinaliwan ng mga mapupungay niyang mga pilikmata at matangos na ilong na bagay na bagay sa hulma ng kaniyang labi.
Brix Danielle is perfect, but I just can't reciprocate his feelings for me.
"Look. I know you mean well, Brix, but I don't want to lead you on," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Besides, I already have a fiancé.
Oh, my God.
Thea, no! Bakit naisip ko 'yang ideyang 'yan para tumigil si Brix sa panliligaw sa akin? What a nightmare. Over my dead body!
"I'm fine with whatever you want now, Thea. But will you just grant me an opportunity to be friends with you? Hindi ko lang maiwasang isipin na iniiwasan mo ako," ani Brix. Napasinghap ako sa nagsusumamo niyang mga mata.
"Alright," I replied with a smile, kahit labag sa kaloob-looban ko.
"Ikaw lang ang gusto ko, Thea. I don't mind having my heart broken by you," dagdag niya, habang nakatitig pa rin nang diretso sa mga mata ko.
I looked down at my hands, when I can no longer handle his intense gaze. Gumalaw ang kamay niya para hawakan ang akin. Matapos ang iilang sandali, muli kong tiningnan ang nanghihigop niyang mga mata.
"Friends, okay?" tanong ni Brix na hindi pa rin binitawan ang mga kamay ko. Dumapo ang taimtim niyang titig sa aking mga labi, habang bumibilis ang t***k ng puso ko. He moved closer to me, to the point that I could already smell his manly scent.
I want to like Brix. I can really see us as a perfect couple.
Pero...
"Friends," ani ko. Brix broke the stare first, before lightly laughing at the ground and letting go of my hand.
...Pagkakaibigan lang muna ang maibibigay ko sa ngayon.
"Right, friends," aniya. I genuinely smiled at him this time, when my eyes caught something else.
Sa hindi kalayuan, may nakatingin sa aming dalawa ni Brix. Nang nagtama ang paningin namin, agad siyang umiwas sa titig ko at naglakad nang mabilis.
Si Rikko.
Unti-unting bumalik ang mga damdamin at agam-agam na nabaon ko kanina magmula nang makausap si Brix. I can also feel my chest tightening.
I need to follow him!