Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng hindi sinisipot. Noon kapag nakikita ko ang mga gaya nito na mangyari sa palabas ay hindi ko ito nagugustuhan. Hindi lang sinipot ay masasaktan agad? Ngunit ngayong naranasan ko na ay ang pangit pala sa pakiramdam. Mayroon ang mag-oover think ka. Hindi mo alam kung ayaw na ba sa iyo ng tao o sadyang may ginawa lang kaya hindi ito nakapunta. Sa loob ng ilang oras na natira sa paaralan ay hindi nawala sa aking isipan ang nangyari. Kahit ngayong pauwi na kami ni Janice ay iyon parin ang aking iniisip. Napansin siguro ni Janice na sobrang tahimik ko dahil sinita niya ako ukol dito. "Ang lalim ata ng iniisip mo," aniya. Wala sa sarili akong lumingon sa kaniya ngunit naka-focus lamang siya sa pagmamaneho. "Hindi naman ganoon kalalim. May inii

