"Nako, sakto. Naghahanap si Papa na tutulong sa kaniya sa shop," sabi ni Janice. Nasa loob kami ngayon ng isang fastfood chain ng isang mall, kumakain. Dahil sa pagod namin ay biglang nag-aya si Janice na kumain. Kanina pa kasi kami naglilibot dito sa loob. Naghahanap ng mga gamit ni Kuya na maaari niyang gamitin sa loob ng kaniyang kwarto. Sumasakit narin ang aking binti sa kakalakad. Habang kumakain ay napag-usapan namin kung saan maaaring makapagtrabaho si Kuya. Naghahanap kasi siya ng trabaho ngayon upang makatulong kay mama sa mga gastusin sa bahay at para makapag-ipon na rin. Gusto sana siyang ibalik ni Mama sa pag-aaral ngunit hindi siya pumayag. Magtatrabaho na lamang daw siya upang makatulong kay mama. Gusto niya rin sanang ipatigil si Mama sa pagtatrabaho dahil matanda na raw

