I never been in this kind of situation before but I guess there's always a first time for everything. Namayani ang katahimikan sa loob ng silid. Ang tanging tunog lang na maririnig ay ang mga machine na kumokonekta sa katawan ni Aling Ivy. Si Kairo ay napako sa kaniyang kinatatayuan na para bang nanigas at hindi na makagalaw. I wanted to say anything to broke the silence ngunit nang buksan ko ang aking bunganga ay walang salitang lumalabas. Pareho kaming nakatitig kay kuya, tinitingnan kung ano ang kaniyang reaksiyon. "Sino siya Jasper?" walang emosyong tanong niya sa akin. Ang kaniyang mga titig ay nakapako kay Kairo. "Uhmm.. kaibigan ko po," nag-aalangang sagot ko. Kahit kailan ay hindi pa ako nagsinungaling kay kuya, ngayon pa lang. "Bago na pala ang tawagan ng magkaibigan ngayo

