Masakit ang aking kamay at may naririnig akong boses na nagbubulungan sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Naramdaman ko ring sobrang lamig. Nasaan ako? Ang boses na naririnig ko ay biglang luminaw nang tuluyan akong magkaroon ng malay sa aking paligid. Nanginig ako nang maramdaman kong umihip nang malakas ang hangin. Dumampi ito sa aking pisngi na nagpagising sa akin ng tuluyan. The rigid air makes me fully aware of my surroundings. Malabo ang aking paningin nang imulat ko ang aking mata. Kukusutin ko na sana ngunit hindi ko magawa. "Ano nang gagawin natin." "Hintayin natin ang utos ni Nicole." Malapit lang sa aking ang mga boses na aking naririnig kaya lumingon ako kung saan ko narinig ito. Nung una ay nagtataka ako kung bakit may naririnig akong boses at bakit ma

