Kinaumagahan, halatang mabigat pa rin ang damdamin ng Daddy ni Dria. Pilit ang mga ngiti nito habang kumakain sila ng breakfast na nahalata na rin ng Mommy niya.
"Hon, what's wrong? What's going on?" pagtatanong nito habang nag-oobserba lang si Dria sa mga magulang. Alam niya syempre kung bakit ganon ang daddy niya ngunit hindi niya iyon magagawang sabihin sa harapan ng Mommy niya at ang tanging magagawa niya ay maghintay sa isasagot ng Daddy niya.
"I'm sorry, hon. May naging problema lang sa business natin. Besides, nagi-guilty ako dahil nitong mga nakaraang buwan, pakiramdam ko ay napapabayaan ko na ang pamilya natin. Napakaabala ko sa negosyo natin na halos breakfast na lang tayo nagkakasabay kumain. I'm sorry," paghingi nito ng paumanhin sabay sa paghawak at pagpisil nito sa kamay ng Mommy ni Dria.
Alam ni Dria na bukod doon, ang ihinihingi rin nito ng kapatawatan sa Mommy niya ay ang pakikipagrelasyon nito kay Samantha. Hindi lang nito masabi iyon ng harapan sa kanila dahil sa takot. Her mom will definitely do something kahit na sabihing nakipaghiwalay na ang daddy niya sa dating best friend niya.
Speaking of which, hindi niya mapigilang mapangiti. Hanggang ngayon, may sugat pa rin sa puso niya na humahapdi sa tuwing naaalala niya ang dating kaibigan. Mataas talaga ang lipad ni Samantha noon pa man. She's ambitious, competitive, and she hates losing. Ayaw nitong naaapi ito, natatalo sa anumang bagay. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay gagamit ito ng mga tao para makuha nito ang gusto nito. Kahit na sabihing Hindi naman nagkulang ang pamilya nila sa pagsuporta rito financially, may mga bagay siguro silang hindi maibigay rito na nahanap nito sa iba. Ang pagkakamali lang nito ay ang pagpatol nito sa daddy niya.
Of course, hindi siya naniniwalang totoong mahal nito ang Daddy niya kahit na sabihing sa edad nito ay matikas pa rin ang ama niya. Samantha just wanted his money. And what about their professor? Pera pa rin ang dahilan ng pagpatol nito sa lalaking iyon kahit karelasyon na nito ang kanyang ama.
It's a good thing alam na ng Daddy niya ang lahat. Titigil na ito sa ginagawa nitong kasalanan sa pamilya niya. Pero si Dria? Hindi pa siya tapos. Kailangang dagdagan pa niya ang leksyon na ituturo niya kay Samantha para tuluyan na itong tumigil sa ginagawa nito. Kailangan makaganti pa siya sa ginawa nitong pagpatay sa Mommy niya sa unang buhay niya para hindi na nito subukang gawin iyon ngayon. Kailangang alisin na niya si Samantha sa mundo niya ngayon. That's the only thing that will keep her mom safe from Samantha's claws. Dria will drive her away from them forever.
"Hon, naiintindihan naman namin ni Dria iyon."
Nang banggitin ng Mommy niya ang pangalan niya, bumalik ang pansin niya sa mga magulang niya. She looked at mom smiling fondly at her dad. Nasa mga mata nito at ngiti ang pang-unawa para sa mga pagkukulang ng kanyang ama. Napakabait ng Mommy niya ngunit parehong alam nina Dria ang ng kanyang ama na Hindi ito madaling magpatawad ng mabigat na kasalanan kaya Hindi magagawang aminin ng Daddy niya ang ginawa nitong pambababae lalo na at ang babae nito ay ang isang tao na itinuring na nitong anak nito sa loob ng mahabang panahon. She surely won't forgive her father and worse, baka makipaghiwalay pa ito. At alam ni Dria na sa kabila ng pambabae ng Daddy niya, ang Mommy pa rin niya ang pipiliin nito sa huli lalo na at may ibang lalaki siyang kahati kay Samantha.
"Alam namin na ginagawa mo ang lahat para mapalago pa ang negosyo natin at ihinanda para kay Dria balang-araw. Pero sana, huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo. Mas kailangan ka namin kesa sa negosyo natin."
"Dad, why don't you spend the day with mom para makabawi ka naman sa kanya?" biglang suhestiyon ni Dria. "Huwag ka munang magpunta sa opisina. Mag-bonding kayo ni Mommy. Mamasyal. Magkuwentuhan maghapon. Do anything nang magkasama. Tapos mamayang gabi, we can go out to have dinner at our favorite resto."
Nangislap ang mga mata ng Mommy niya sa suhestiyon niyang iyon. Dria knows na sa kabila ng lahat ng sinabi ng Mommy niya, her mom misses her dad dearly.
Bumuntonghininga ang daddy niya at ngumiti sa kanya.
"Sure, we will do that. Dito na lang tayo sa bahay. I'll cook dinner for us para makabawi sa inyong mag-ina."
"Talaga, dad?" nae-excite na tanong ni Dria na tinugin nito ng matamis na ngiti. Masarap magluto ang Daddy niya na bihira lang nitong ginagawa dahil sa pagiging abala nito sa mga negosyo nila. Sa mga oras na iyon, tuluyan nang nabura sa puso ni Dria ang galit sa ama. She can see the promises in her father's eyes that he will really stop seeing Samantha and that he will be loyal to her mom from that day forward.
"I'll see you tonight then." Tumayo na si Dria para bumalik sa kuwarto niya, magsepilyo, at kunin ang bag niya.
"Dria..." Muling lumingon si Dria sa mga magulang nang marinig niyang tinawag siya ng ama.
"Yes, dad?" Muli niyang nasilyan ang kislap sa mga mata ng ama.
"I'm sorry and thank you..."
Napasinghap si Dria. Sa hindi malamang dahilan ay may pumisil sa puso niya nang marinig niya ang dalawang salitang iyon mula sa ama. She understands what those words are for. Humihingi itong muli ng tawad sa mga nagawa nito at nagpapasalamat sa kanya dahil prinotektahan niya ang pamilya nila sa abot ng makakaya niya. Nanhapdi ang mga mata niya ngunit pinilit niyang ngumiti upang mapigilan ang mga luhang namumuo na sa mga ito.
"I love you, dad. Kayo ni Mommy," sagot niya sa ama at pagkatapos ay tumingin siya sa Mommy niya na nakangiti rin ng matamis sa kanya.
Tumalikod na siya at mabilis na nagtungo sa kuwarto niya para magsepilyo at kunin ang mga gamit niya. Pagkatapos ay bumaba din siya agad at sumakay sa naghihintay na sasakyan na maghahatid sa kanya sa eskwelahan. Habang bumibiyahe, kinuha niya ang phone niya para tignan kung may natanggap siyang mensahe. Nagulat siya nang makitang halos sampung mensahe ang natanggap niya mula kay Rebbie. Binuksan niya iyon at in-scan ang mga mensahe nito.
Dria, nasaan ka na?
Dria, maaga kang pumasok. I have a surprise waiting for you.
Iyan ang paulit-ulit niyang nabasa hanggang mabasa niya ang huling mensaheng ipinadala nito.
Dria, kakalat na ang kakatihan ni Samantha! Posted na ang mga larawang sa Bulletin Board namin.
Napangiti si Dria sa huling nabasa niyang mensahe ni Rebbie. Mabilis din talaga ang bagong kaibigan niya. Kapapadala lang niya ng mga larawang iyon dito kagabi and now, nakagawa na agad ito ng blind item na mababasa na sa bulleting board ng school paper nila.
Her plan of driving Samantha away is finally happening.
Kaya naman nang dumating siya sa eskwelahan ay agad siyang nagtungo kung saan nakalagay ang bulletin board. Maraming estudyante ang nag-uusyoso roon. Halos lahat ay kinukunan ng pictures ang mga larawang nakalagay roon.
"Grabe! Pumatol talaga siya sa matandang iyon!"
"Kati talaga ni Ate mo!"
"Mukhang pera ang hitad!"
"Sayang ang talino ng babaeng iyon."
"Maganda pa naman pero malandi pala."
"What the use of beauty if your panty is makati?"
Halo-halong boses. Lahat ay inuuyam si Samantha habang tinitignan ni Dria isa-isa ang mga larawang naka-post sa Bulletin Board.
Hindi maintindihan ni Dria kung bakit sa kabila ng lahat, nakaramdam siya ng awa kay Samantha sa mga sandaling iyon. She planned for this to happen. To humiliate Samantha. To slap her with the truth of what she's doing. Pero ngayong nakuha na niya ang gusto niya, naaawa naman siya sa dating kaibigan niya.
Huminga siya nang malalim. Pilit niyang iniisip ang Mommy niya. Binalikan niya ang eksena sa unang buhay niya kung saan buhat-buhat niya ang walang buhay na ina habang nakatingin lang sa kanila si Samantha na siyang dahilan ng kamatayan ng mahal niyang ina.
C'mon, Dria. Hindi ka dapat maawa sa Samantha na iyon. You did this to protect your mom. Sa nangyayari ngayon, siguradong lalayo na si Samantha. Hindi na iyon magpapakita pa sa'yo at sa mga magulang mo. You are choosing your family over her. She deserves this humiliation. She deserves everything bad that's happening right now.
"Dria!" Napalingon siya sa taong tumawag sa pangalan niya. It's Rebbie.
"Nagustuhan mo ba? Nakaganti ka na sa babaeng iyon," bulong nito sa kanya. Tumango siya rito.
"Siguro Naman ay sapat na iyan para magpakalayo-layo na siya," bulong din niya kay Rebbie.
Sabay silang napalingon na dalawa nang lumakas ang bulung-bulungan sa paligid. Nagbigay-daan din ang mga estudyanteng naroroon para sa isang tao na naglalakad papunta sa bulletin board.
Napatayo nang diretso si Dria nang makitang si Samantha iyon. Diretso itong naglakad sa harapan ng bulletin board at pinaghahablot nito ang mga larawang naroroon at pinagpupunit. Tila chorus na napasinghap ang lahat habang pinapanuod ang ginagawa nito.
"Sino?! Sino ang may kagagawan nito?!" pagsisigaw nito habang pinupunit ang mga pictures. Namumutla ito ngunit namumula ang luhaang mga mata. Tumingin ito sa paligid hanggang mapunta ang mga mata nito sa nakatayong si Dria. Napaatras si Rebbie ngunit hindi gumagalaw si Dria sa kinatatayuan niya kahit na halos tumalon na palabas sa dibdib niya ang puso niya.
"Ikaw ba?! Ikaw ba ang naglagay ng mga pictures na ito para ipahiya ako sa buong eskwelahan, Dria?! Gumaganti ka ba sa akin kaya mo ginawa ito?!"
Hindi sumagot si Dria. Nanatili lang siyang nakatingin kay Samantha.
Napaiyak na nang tuluyan si Samantha sa harapan ni Dria.
"Bakit? Nakipaghiwalay na siya sa akin, di ba? Hindi pa ba sapat iyon, Dria? Bakit kailangan mo pa akong ipahiya nang ganito?!" panunumbat nito sa kanya. Umismid si Dria at walang takot na lumapit kay Samantha saka bumulong rito.
"Nang unang makiusap ako sa'yo na hiwalayan mo siya, ginawa mo ba?" malumanay na balik-tanong ni Dria kay Samantha. Natigilan ito sa pag-iyak at napatingin sa kanya. Ngunit bago pa ito makasagot, naunahan na ito ni Dria.
"Hindi, di ba? Ipinagpatuloy pa rin ninyo. Ngayon, magtataka ka pa kung gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang pamilya ko? Ang buhay ng Mommy ko? Ng Daddy ko? Ng buhay ko? Magpakalayo-layo ka na, Samantha. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin. Huwag mo nang hintayin na pati buhay mo ay sisirain ko."
Pagkatapos sabihin iyon, ay naglakad na palayo si Dria. Nagsigawan ang lahat sa likuran niya kaya napalingon siya. Ilang kalalakihan ang pumigil kay Samantha na akmang hahabulin at susugurin siya.
"Bumalik ka rito, Dria! Hindi pa tayo tapos!"
Muli siyang umismid rito at naglakad na palayo.