It's Wednesday today. Ngayon ang araw ng pinag-usapan nina Dria at Rebbie para sundan sina Samantha at Prof. Santos sa pupuntahan ng mga ito.
"Ready ka na?" tanong ni Rebbie kay Dria habang papalabas na sila ng classroom nila. Isang sulyap muna ang ginawa ni Dria kay Samantha na abala sa bagong phone nito. Napaismid si Dria. Siguradong ang professor nila ang nagbigay ng bagong phone rito. Siguro, ngayon ang araw na babayaran ni Samantha ang bagong phone nito sa pamamagitan ng katawan nito.
"It's now or never," sagot niya kay Rebbie ar nagpatiuna na siyang naglakad palabas sa room nila.
"At ano naman ang gagawin mo sa mga pictures na makukuha mo mamaya, Dria?" nang-iintrigang tanong nito habang sinasabayan siya nitong maglakad.
Lumingon si Dria sa kaklase.
"Di ba, staff ka ng school paper natin? Ayaw mo bang magkaroon ng mainit na balita sa frontpage ng school paper?"
Nanlaki ang mga mata ni Rebbie.
"Dria! Malaking scoop nga yan pero baka mapahamak naman ako!" nag-aalala nitong tanong.
Nag-isip nang malalim si Dria. Syempre, Hindi niya pwedeng sabihin kay Rebbie na kailangan niya ng mga ebidensiya laban kay Samantha para maipakita sa Daddy niya na hindi lang ito ang lalaki sa buhay ng ex-best friend niya. Na hindi lang ito ang pineperahan at pinaglalaruan nito. siguradong kapag nakita ng Daddy niya ang picture ni Samantha kasama ang ibang lalaki, ititigil na nito ang relasyon nila ni Samantha. Baka nga mandiri pa ito.
"Well, pwede mo itong ilabas as a blind item tapos i-blurred na lang natin silang dalawa sa pictures. Besides, tayong apat lang naman ang makakaalam na sila iyon, di ba? Kung magrereklamo sila, then inamin na rin nilang sila iyong nasa picture na ilalabas mo. Ang importante, malalaman nila na may ilan sa ating nakakaalam ng ginagawa nila at dapat na nilang itigil iyon."
Tumango-tango si Rebbie sa sinabi niya.
"You're really smart, Dria. Pero gusto ko lang malaman, gaano ba kalaki ang galit mo kay Samantha para gawin ito sa kanya? Ano ba ang ginawa niyang malaking kasalanan sa'yo?" curious nitong tanong.
"She betrayed me, Rebbie. At hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil doon," walang alinlangan niyang sagot sa mga tanong nito.
"Nakakatakot ka palang magalit, Dria."
Tipid lang na ngumiti si Dria kay Rebbie at pagkatapos ay itinuro niya ang isang sasakyan.
"Magtago muna tayo dito. Abangan natin kung kailan siya lalabas tapos saka natin siya susundan." Itinuro ni Dria ang isang parada ng mga sasakyan na silang magkukubli sa kanila ni Rebbie.
"Tara, bilis!" Hinatak ni Rebbie ang kamay niya at nang marating nila ang lugar at kaagad silang nagtago sa likuran ng isang malaking sasakyan. Kabado silang pasilip-silip hanggang sa makita na nila si Samantha. Nang aktong magtataas ito ng ulo mula sa pagkakayuko nito sa phone nito, kaagad silang nagtago.
"Nakaka-excite na nakakatakot pala ito, Dria," bulong sa kanya ni Rebbie.
"Shh!" pananaway ni Dria sa kaklase at pagkatapos ay dahan-dahan siyang sumilip. Nakalampas na si Samantha sa kotseng pinagtataguan nila. Umikot si Dria para pakubili sanang sundan ito ngunit laking gulat niya nang may makitang may isang lalaking pinapanuod ang pagsilip na ginagawa nila ni Rebbie. Naestatwa si Dria sa kinatatayuan niya.
"Dria, tara na!" impit na utos sa kanya ni Rebbie ngunit hindi makakilos si Dria sa kinatatayuan niya. Nakikipagtitigan pa rin siya sa lalaking nasa likuran ni Rebbie.
Nagtataka namang napasulyap sa kanya ang kaklase at nang makitang nakatulala siya ay sinundan nito ang tinitignan niya. Akmang sisigaw si Rebbie sa gulat ngunit eksakto namang bumalik ang wisyo ni Dria. Agad niyang tinakpan ang bibig nito at saka hinanap ng mga mata niya si Samantha. Nasulyapan niya itong may kausap sa phone niya at ang hila niya, ang professor nila ang katawagan nito.
"Anong ginagawa ninyong dalawa?" Nagtataka man sa mga kinikilos nila, may tipid na ngiti naman sa mga labi ng lalaki. Nagdikit ang mga kilay ni Dria. Ito yung lalaking nakita niya sa mall sa Pampanga. Iyong gwapong nerd.
"Schoolmate pala kita," sabi niya sa lalaki. Hindi na niya nakita ang reaksiyon nito dahil muli siyang tumingin kung nasaan si Samantha. Nakita niyang ikinaway nito ang kamay at tila pumapara ng sasakyan.
"Rebbie, let's go!" Utos ni Dria sa kaklase. Kailangang makakuha rin sila ng masasakyan nila para masundan ito.
"Sinusundan nyo ba ang babaeng iyon?" tanong ng lalaki sa kanila.
"Oo!"
"No!"
Magkasabay nilang sagot ni Rebbie at pagkatapos ay nagkatinginan sila habang nanlalaki ang mga mata. Nagkasabay nga sila, magkaiba naman ang sagot nila.
"Nakakuha na siya ng taxi," Sabi ng lalaki na nakatingin na rin sa direksiyon kung nasaan si Samantha kanina. Nagmamadaling sinundan nina Rebbie at Dria ang tingin nito. Nagsasabi nga ito ng totoo. Pasakay na si Samantha sa isang taxi.
"s**t! Dria, paano na?" nagpa-panic na tanong ni Rebbie kay Dria.
"Tara, pumara rin tayo ng taxi!" Hihilain na sana ni Dria ang kaklase paalis ngunit pinigilan sila ng lalaki.
"Wait! I have a car." Sabay sina Dria at Rebbie na lumingon sa lalaki.
"We can use it," dagdag pa nito.
"You'll help us?" nagtatakang tanong ni Dria sa lalaki.
"Sure, why not? Mukhang exciting iyang ginagawa ninyo, eh," nakangiti nang maluwang na sabi nito dahilan para lumabas ang magkabilang dimples sa mga pisngi nito.
"Dria, pumayag ka na! Di ba sabi mo kanina, it's now or never?" Napasulyap si Dria kay Rebbie at inikutan niya ito ng mga mata nang makitang kinikilig ito habang nakatingin sa lalaking nasa harapan nila.
"Okay, fine! Please, we need your help. Nasaan ang kotse mo?" Mabilis na tanong ni Dria sabay sulyap sa papaalis na taxi na sinasakyan ni Samantha.
"Ito." Napalingon si Dria ang nakitang ang BMW na nasa tabi ng pinagtataguan nila ang itinuturong sasakyan ng lalaki. Kinuha rin nito ang susi sa bulsa nito at tumunog nang malakas ang sensor ng kotse nang i-unlock nito iyon.
"Sakay na," pag-iimbita nito sa kanila. Walang alinlangang sumakay sa passenger seat si Rebbie kaya naman dumiretso si Dria sa backseat ng sasakyan. Ilang sandali pa ay sinusundan na nila ang taxi na sinasakyan ni Samantha.
"Do you mind if I ask what you two are planning?" Biglang tanong ng lalaki na pumutol sa pagtitig dito ni Rebbie at pagiging abala ni Dria sa patingin-tingin sa taxi na sinusundan nila.
"Oh, well. Sinusundan namin iyong kaklase naming malandi. Makikipagkita kasi siya sa isa sa mga professor natin sa school na karelasyon niya," walang pakundangang paglalahad ni Rebbie. Napangiwi si Dria dito. Dahil sa pagkakilig nito sa katabi, sinabi na nito ang lahat ng sikreto nila.
"It's her business, you know. Kahit na pumatol siya sa limang lalaki nang sabay-sabay, I don't think it's proper to..."
"May kasalanan siya sa akin," malamig na turan ni Dria kaya naputol ang iba pang sasabihin ng lalaki. "Malaking kasalanan."
Ipinagdiinan ni Dria ang dalawang salitang iyon upang maintindihan ng lalaki na ginagawa nila ito dahil slang sa gusto nilang pakialaman ang buhay ng malanding kaklase nila. Gusto niyang ipaalam dito na valid ang reason nila kaya nila ginagawa ang ginagawa nila ngayon. At hindi porke tinutulungan sila nito ngayon, may karapatan na itong manghusga o makialam sa ginagawa nila.
"Ex-bestfriend ni Dria si Samantha. Trinaidor niya si Dria kaya gaganti si Dria sa kanya."
"Rebbie, I don't think he'll understand. He's a guy after all."
"Wait! I actually understand and I am still willing to help. Sorry for asking," pagpapakumbaba ng lalaki at tila napahiya naman si Dria. Nasobrahan niya yata ang pagsusungit niya.
"Sorry. Stressed lang ako kaya nasungitsn kita. It's my first time doing this, you know. At gaya ng sinabi ko kanina, ginagawa ko ito dahil may rason ako." Malumanay nang nagsalita si Dria. Saglit na lumingon sa kanya ang lalaki at ngumiti.
"Naiintindihan ko. By the way, I am Lance," pagpapakilala ng lalaki.
"I'm Rebbie. Rebecca Babadji. Single and ready to mingle," ngiti ng kaklase ni Dria kaya napangiti na lang si Dria sa kinauupuan niya.
"Nice meeting you, Rebbie who's single and ready to mingle," nakangiting saad naman ni Lance kaya lalong kinilig si Rebbie sa tabi nito.
"We're here," sabi ni Dria sa dalawa. Nagmenor si Lance at itinabi ang sasakyan ilang metro ang layo sa taxi na tumigil sa harap ng isang sikat na motel.
Kaagad na itinaas ni Dria ang phone niya at kinuhanan ng larawan si Samantha na papasok na sa motel. Saka lang siya tumigil nang mawala na ito sa paningin niya.
"Dria, maghihintay ba tayo hanggang sa makalabas sila?" tanong ni Rebbie sa kanya.
"Kailangan ko silang hintayin na umalis nang sabay, Rebbie. Doon lang ako makakakuha ng pictures na magkasama silang dalawa."
"Pero paano kung hanggang madaling-araw pa sila sa loob, Dria? Handa ka bang maghintay ng ganon katagal?"
Seryosong tumingin si Dria sa kaklase.
"Oo. Dapat makuhanan ko sila ng mga larawan, Rebbie. Pwede nyo na akong iwan dito. Ako na ang bahala."
Akmang bababa na si Dria sa sasakyan ngunit pinigilan siya nina Rebbie at Lance.
"Sandali. Pwede naman maghintay tayo hanggang 7pm, Dria. Handa kitang samahan hanggang 7pm. Pero kung hindi pa sila lalabas pagdating ng oras na iyon, kailangan ko nang umuwi kasi magagalit si Papa."
Nginitian ni Dria ang kaklase.
"It's okay, Rebbie. Sobrang thank you nga kasi sinasamahan mo ako ngayon."
"I'll wait for you and I am even willing to bring you home after you're satisfied taking pictures."
Sabay silang napatingin kay Lance.
"Totoo? Sasamahan mo si Dria hanggang makuha niya ang mga gusto niyang kunan na mga pictures?" Tumango si Lance kay Rebbie tapos ay tumingin ito kay Dria.
"Thank you," sinserong sabi naman ng dalaga sa schoolmate niya. Sa mga oras na ito, si Lance ang life saver niya. Hindi nga niya alam kanina kung paano siya makaka-survive at kung paano siya makakauwi kung mag-isa lang siya dahil Hindi naman siya sanay na siya lang mag-isa. Nasanay siyang inaasahan kay Samantha o sa driver nila ang lahat.
"Welcome." Ngumiti si Lance sa kanya ngunit bago pa niya iyon magantihan, may itinuturo na si Rebbie sa labas ng binata ng kotse.
"Si Prof. Santos!" Impit nitong sigaw. Kaagad na itinaas ni Dria ang phone niya at muling kumuha ng mga larawan. Saka lang siya tumigil nang makapasok na ito sa loob ng motel.
"I have a DLSR, Dria. Pwede nating gamitin iyon sa pagkuha ng mga larawan. Mas magiging clear ang mga pictures."
"Thank you, Lance. Sige, gamitin mo iyon pero gagamitin ko pa rin itong phone ko."
Tumango si Lance sa kanya at ngumiti. And this time, nagawa na niyang gumanti ng ngiti rito.