Chapter 15

2253 Words
Huminga nang malalim si Dria habang pinagmamasdan ang katawan niya sa harap ng salamin. Sa loob ng halos isang taon na pananatili sa isla, ngayon lang niya talaga pinagmasdan ang katawan niya. Malaki ang ipinayat niya. Kahit na sabihing binubusog at inaalagaan naman siyang mabuti ng magkakaibigan, hindi pa rin bumabalik sa dating nito ang katawan niya. Pero advantage niya iyon. Kahit siguro magkaharap-harap sila nina Anton at Samantha, hinding-hindi siya makikilala ng mga ito. Huwag lang sana siyang ibuko ng mga mannerisms niya na kilalang-kilala ng mga ito. Her new face is way prettier than her original face. Mas palaban na ang mukha niya ngayon at higit sa lahat, mas kaakit-akit. Pati ang mga matang meron siya ngayon, parang palagi iyong nang-aakit o nang-eengganyo. Malayong-malayo ito sa dating itsura niyang simple lang. At gamit ang mukhang dala niya ngayon, sigurado siyang madali lang niyang maaakit si Anton. Hinubad niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan niya at pinagmasdan sa salamin ang kahubaran niya. CM suggested na palakihin nila ang boobs niya pero tumanggi si Dria. Tama nang nagbago siya ng mukha. Ayaw na niyang ipagalaw pa ang katawan niya. Besides, hindi naman siguro siya darating sa punto na ibibigay niya ang katawan niya kay Anton para lang mahulog ito sa bihag na gagawin niya para rito. Hindi na siya ang Dria noon na madali lang mahulog sa mga maaaamong mata ni Anton o sa nakilala niyang maayos na personalidad nito. Baka nga hindi pa niya magawang humawak dito. Naiisip pa lang niyang muli niyang makakadaupang-palad ang mukhang pera niyang ex-husband, o mas tamang sabihin na legal pa rin niyang asawa dahil buhay pa naman niya bilang si Dria, at nangingilabot na siya. Kailangang niyang patatagin ang loob niya at patapangin ang sikmura kapag kaharap na niya ang lalaking bumaril sa kanya at pumatay sa walang kalaban-laban niyang anak. Sa ngayon, puno man ng galit ang puso niya para sa lalaking iyon, hindi pa rin siya nakatitiyak kung ano ba ang magiging reaksiyon niya kapag nakaharap na niya ito. Kailangan na masiguro niya na magiging bato na ang puso niya kapag nakaharap na niya ito. Kailangang itatak niya sa isipan niya na hindi na siya ang Dria na uto-uto at mabait. Siya na si Adi, ang babaeng palaban at matapang. Si Adi ang maniningil sa mga pagkakautang ni Anton kay Dria, sa baby nila, at sa mga magulang niya. At kailangan niyang matiyak na mahuhulog ito sa kanya, na mauuto niya ito, at na masasaktan niya ito ng doble o triple pa sa mga ipinaranas nito sa kanya. Maganda at seksi si Adi. Maputi, makinang, at walang bahid dungis sa katawan. Ang pilat mula sa tama mg bala ng baril ay burado na rin. Ano ba ang inaasahan niya mula sa grupo ni Lance? Nasa kanila ang pinakabagong teknolohiya. Nasa kanila ang lahat ng kagamitan at pamamaraan upang gawing bago ang luma, patagin ang dati ay bakong-bako, at linisan ang dating marumi. Alam ni Dria na sadyang inilagay siya ng Diyos sa mga kamay ng magkakaibigang iyon. God really sees the truth but waits. Inabot ni Dria ang two piece white swimwear niya. Naririto sila ngayon sa Hawaii ni Lance. Ngayon niya masusubukan kung kaya niyangang-akit gamit lamang ang mga ngiti at katawan niya. Alam niya na maaaring maging personal iyon para sa lalaki dahil sa nararamdaman nito para sa kanya, at hindi na siya nagulat nang tumanggi ito sa alok niya, kaya naman nagdesisyon silang gawin iyon sa isang inosenteng lalaki na nagbabakasyon lang tulad nila sa lugar na ito. Once na nagawa na niya ang assignment niya, na maaakit niya ang lalaking makakasalamuha niya, bahala na si Lance sa susunod na mangyayari. Ang tanging gagawin niya ay susubukan niyang akitin ang pinakamabait ang mukha ba lalaking matatagpuan ng mga mata niya. Eksaktong naisuot na niya ang oversized top na bahagyang tumatakip sa halos hubad na katawan niya, narinig niya ang pagkatok ni Lance sa pintuan ng suite niya. Mabilis munang pinasadahan ni Dria ang sarili sa harap ng full body mirror bago siya naglakad papunta sa pinto na kumakabog ang puso niya sa kaba. Inihanda na niya ang isang ngiti nang buksan niya ang pinto. At nang bumungad kay Lance ang katawan niya, halos mag-init ang mga pisngi niya dahil sa panlalaki ng mga mata nito. Parang hindi na niya kinakailangang mang-akit pa ng ibang lalaki dahil sa nakikita niyang pagkaakit sa mga mata nito para sa kanya. But Lance has feelings for her. Iba ang epekto niya rito sa maaaring maging epekto niya sa ibang lalaki. Napalunok pa ito nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Dria..." Bahagyang napangiti si Dria. Para kasing ipinaparating ng tono nito na ayaw na siya nitong payagan sa misyon niya. "Lance," mahinahon niyang sambit sa pangalan nito. "Alam mong kailangan kong subukan, hindi ba? Ayaw mo namang mag-practice ako sa'yo o sa mga kaibigan mo." Nagpapaunawang tumingin siya rito. Ipinapaintindi ang gusto niyang gawin. "I can guarantee that you can seduce any man, Adi. All you need to do is walk right there." Natawa siya sa sinabi nito. "Lance, mas skimpy pa ang suot ng iba kesa sa akin. Topless pa nga ang iba kaya paano ako makatitiyak sa sinasabi mo?" "Pero paano kung... kung may gagawing masama sa'yo yung magiging target mo? Paano kung hindi mo maipagtatanggol ang sarili mo? Adi, baka makapatay ako." Nakangiting napapailing siya sa pinagdaraanan nito sa mga sandaling iyon. "Kaya nga ang sabi ko sa'yo bago tayo umalis ay si Doc CM na lang ang pasamahin mo sa akin, ayaw mo naman." Lumabas na siya sa pinto at isinara iyon. Naglakad sila papunta sa elevator. "Hindi ako matatahimik kung hindi ko nakikita ang lahat. I want to make sure that you're safe." "Lance, I can defend myself. Anong silbi ng itinuro ni Tyler kung hindi ko magagawang ipagtanggol ang sarili ko? Sayang lang ang isinahod mo sa kanya kung hindi ko maa-apply ang self-defense na itinuro niya sa akin. Please, let me do this. Makatutulong din ito para lalo pang lumakas ang loob ko. Nandito na rin lang tayo, ituloy na natin, okay?" patuloy kong pang-eengganyo sa kanya. "Besides, nandyan ka maman. I'm 101% sure na hindi mo ako hahayaang mapahamak o masaktan man lang." "Fine. Let's do this but this will be the first and last time," sa wakas ay pagpayag niya. "Thank you," mahina kong sagot sa kanya dahil bumukas na ang elevator. Napatiuna na akong maglakad sa kanya. Naririto kami sa isang pool party ng resort. Maraming bisita lalo na ang kalalakihan na sadyang um-attend para makakita ng prospect na pwede nilang imbitahin sa kama nila ngayong gabi. Dahil halos alas otso pa lang ng gabi, marami pa ring bakanteng mesa. Umupo ako sa isa sa mga ito samantalang si Lance ay naupo tatlong mesa ang layo sa akin. Itinaas ko ang isang kamay ko at kaagad na may lumapit na waiter sa akin. Nang tignan ko ito, nakita kong palipat-lipat ang tingin nito sa katawan at mukha ko. Nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa, namula pa ito ng ngitian ko. Iba talaga ang gandang Filipina. "Can I have a glass of champagne, please?" malambing kong hiling. "Ah, y--yes, Ma'am! Absolutely!" tila natatarantang saad nito bago ako nito iniwan. Nakita kong sinundan ito ng tingin ni Lance na parang tinitiyak na Wala itong ilalagay na gamot o droga sa inuming ni-request ko. Kaagad namang bumalik ang waiter na dala na ang isang flute ng champagne. Matamis itong ngumiti sa akin at umiling nang ibigay ko rito ang card na ibinigay sa akin ni Lance. "That guy over there paid for your drink, Ma'am." May nilingon ito na nakaupo sa stool sa harap ng bar. At nang makita ng lalaki na nakatingin ako sa kanya, itinaas nito ang hawak nitong baso ng alak. Kinuha ko ang flite at itinaas din iyon sabay tingin sa lalaki bilang pasasalamat. Nakita kong tumayo ang lalaki at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Matangkad ang lalaki. Malaki ang muscles na bahagya lang natatakpan ng suot nitong Hawaiian polo na bukas at nagpapakita sa ganda ng katawan nito. Kung hindi ako nagkakamali, Mexican ang lalaki. "Hi," matamis ang ngiting bati nito sa akin. Nagmamadaling umalis ang waiter dahil alam nitong hindi na niya ito kailangan. "Thank you for this," saad ni Dria bago siya sumimsim sa flute ng champagne. Umupo sa harap niya ang lalaki kahit hindi pa man niya ito iniimbita. "You can have more when you finish that," nakangiti pa ring saad nito. Mukha namang disente ang lalaki kung tutuusin kaya hinayaan na lang ito ni Dria. At least, hindi ba niya kailangang maghanap pa. Kusa nang lumapit sa kanya ang lalaking pwedeng niyang pagpraktisan. "I'm Rico. What's your name?" "Helen," nakangiting sagot ni Dria. Kung anong pangalan ang unang pumasok sa isipan niya, iyon ang sinabi niyang pangalan niya sa lalaki. "You're as beautiful as Helen of Troy." Nagsimula nang manghalina ang lalaki. Napangiti si Dria. Mukhang magkukumpetensya sila ng lalaki sa gagawin nilang pang-aakit sa isa't isa. "Have you seen her that you're comparing me to her?" pagbibiro niya na ikinatawa ng lalaki. "The book says that no one can surpass her beauty. She's the cause of a 10 year war, wasn't it?" "According to Greek mythology," maagap na sagot ni Dria. "See? You, yourself, know about her. You're the prettiest girl I've laid my eyes on so I have the right to compare you to her." Bahagyang natawa si Dria. "Of course, if you say so." "Are you alone? Are you like me who's looking for some company tonight?" Muling napangiti si Dria. The man is easy. Hindi na niya kailangang kumilos pa para akitin ito. This won't be a challenge for her. "Actually, I'm waiting for my boyfriend." Nakita niya ang pagkawala ng ngiti ng lalaki. "You already have a boyfriend? Then why are you alone here?" tila hindi ito naniniwala sa sinabi niyang iyon. "I went in first because he made some calls. And just like what you've said, I'm way too pretty not to have a love with me. If you're worried about the champagne, I can pay for it," Ngumiti si Dria sa lalaki. "Oh, no, no. It's okay. I'm still happy that I've got to meet you even if you've broken my heart right away. And I think I have to go now. I don't want to cause trouble. I'm quite sure your boyfriend will be so mad seeing you talking with another guy." "Oh, thank you, Rico. It was nice meeting you, too." Nagkamay pa silang dalawa bago ito tumayo at tuluyang umalis. Nang mapatingin siya kay Lance, bahagya siyang umiling rito. Nakakaintindi namang tumango ito sa kanya. Muling sumimsim ng champagne si Dria habang iginagala ang tingin sa paligid. Kailangan niyang makakita ng isang lalaki na hindi unang manlalandi sa kanya. Siya dapat ang mangse-seduce and not the other way around. Tumayo na siya. Wala siyang makikita sa lugar na ito at nasa paligid pa si Rico. Habang naglalakad, may nakita siyang isang lalaki na abala sa phone nito. Napansin niyang may suot itong wedding ring. Ilang sandali siyang nag-abang kung may lalapit rito at nang Wala ay dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa mesa nito. Lumingon-lingon muna siya para matiyak na hindi nakasunod sa kanya si Rico at nasa malapit lang si Lance. Nang makitang walang Rico ang nakasunod sa kanya at nakaupo na ulit si Lance sa isa pang bakanteng mesa, lalo siyang lumapit sa kinaroroonan ng lalaking mukhang Asian. "Bye, honey. See you next week." Napangiti si Dria. Wala itong kasamang asawa. Sana wala itong kasamang lover nito. Tumingin siya sa mesa. Nasa harapan nito ang isang laptop. Businessman na businessman ang dating. Isang seryosong Adan. "Hi," bati niya kaya napalingon ang lalaki sa kanya. Kunot ang noo nito. "Yes?" seryosong tanong nito sa kanya. "Would you mind if I ask for your help?" walang ngiting tanong ni Dria sa lalaki tapos kunwari ay may nililingon siya sa pinanggalingan niya. "I was alone a while ago when someone came to me and asking me for a date. I lied that I have a boyfriend but he was insisting that I don't have someone with me. He was really persistent that I got scared, pretended that I needed to go to the restroom and ended up here," kunwari ay nagpa-panic niyang paglalahad. "Please, help me. Can you pretend to be my boyfriend?" "Miss, I'm married." Itinaas pa nito ang kamay nitong may suot na singsing. Lihim na napangiti si Dria. Now this is what she's looking for. A real challenge. Kapag magagawa niyang ma-seduce ang loyal na lalaking ito, makukuha na niya ang experience na gusto niya. "Please?" pinalamlam ni Dria ang mga mata at kinagat pa ang ibabang labi niya at pagkatapos ay lilingon sa isang direksiyon para kunwari ay inaabangan niya at kinatatakutan ang lalaki sa gawa-gawa niyang kuwento. Nang bumalik ang tingin niya sa lalaki, nakita niya ang pagtitig nito sa kanya at sandaling pagsulyap sa katawan niya. Nakita pa niya ang paglunok nito na tila pinatatatag nito ang sarili para hindi maakit sa ganda niya. "Fine. Just until he's gone, okay?" may pagkamasungit pa ring saad nito sabay buntong-hininga. "Thank you!" nagmamadaling umupo sa bakanteng upuan sa harapan nito si Dria at saka ngumiti sa lalaki na hindi naman nito sinagot. Ngunit lalo lang iyong nagpasaya sa dalaga. The more serious the man, the more she needs to exert her efforts, the more practice she will gain. And the game starts now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD