Chapter 12

2185 Words
"If Lance just had the courage to approach you back then, your fate has changed." Iyon ang iniwanang mga salita sa kanya ni Dr. CM kanina bago ito nagpaalam para makapagpahinga siya. Ngunit gustuhin mang magpahinga ni Dria, ayaw sumunod sa utos ng utak niya ang katawan niya. Her mind is very much awake. Iisang tao lang ang laman ng isipan niya ngayon at walang iba kundi si Lancelot Segovia. Oo. Naaalala niya ang sinabi nitong nagkikita sila sa school noon. Nakakasalubong niya ito sa mga hallways ng eskwelahan, nakikita sa school cafeteria, at paminsan-minsan sa parking lot. At dahil naaalala pa niya ang pangyayari sa inaakala niyang pangalawang buhay niya, binuksan din nito ang pintuan ng memorya niya tungkol kay Lance. Nerd na nerd talaga ang itsura nito noon sa paraan ng panananmit nito at sa malalaking eyeglasses nito. Ngunit kahit ganon pa man, hindi maipagkakaila na cute itong tignan. Kung hindi lang patay na patay sa kanya si Anton at kung nagkaroon lang ng pagkakataon noon na nakapag-usap sila, siguro nagustuhan niya ang binata. At hindi iyon dahil mayaman ito. Actually, sobrang yaman nito. And he's smart. Really, really smart. Pero isa lang ang sigurado si Dria. Hindi niya magugustuhan si Lance dahil sa yaman o talino nito. Magugustuhan niya ito dahil sa kabutihan nito. Sayang at ngayon lang niya nakikita iyon. Sinong lalaki ang babalik-balikan siya kahit na sobrang abala ito sa pagpapalago ng career nito bilang neuro-engineer? Sino ang babalik-balikan pa ang babaeng may asawa na? Ang ililigtas ito sa bingit ng kamatayan? Ang iiyakan ito nang madeklarang patay na? Ang maglaan ng pera para bilhin ang stocks ng kumpanya nila at handang ibalik iyon na walang hinihinging kapalit? Sigurado ring milyon na ang nailalabas nito para sa mga gastusin niya simula nang iligtas nito ang buhay niya at dalhin dito sa isla ang comatose na katawan niya? Tatlong taon. Tatlong taon siyang pinaglaanan ng panahon, sakripisyo, at pag-aalaga ni Lance. At ngayong nagising na siya, handa rin itong tulungan siya hanggang sa literal siyang makatayo ulit at mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Sinabi nitong tutulungan siya nito sa anumang balak niya. At naniniwala siyang gagawin nito iyon. Na tutuparin nito ang mga binitawan nitong pangako sa kanya. Ngunit hindi lang pagbawi ang gustong gawin ni Dria. Gusto rin niyang makuha ang hustisya para sa mga buhay na kinuha ng mga ito sa kanya. Gusto niyang singilin ang mga ito sa nawalang buhay ng Mommy niya, ng Daddy niya, at ng baby niya. Gusto niyang magdusa ang mga ito sa kulungan. Gusto niyang marinig ang pagsisisi ng nga ito at ang paghingi ng kapatawatan. Ngunit alam niyang hindi iyon magiging madali. Kung nagawang mga itong patayin siya noon, magagawa nila ulit iyon ngayon kapag nalaman ng mga itong buhay siya. Hindi pwedeng basta na lang siyang sumulpot sa harapan ng dalawa at sabihing buhay pa siya para mabawi ang kayamanan ng pamilya niya at ipakulong ang mga ito. At kahit na sabihing nariyan si Lance para suportahan siya, kailangan pa rin niyang kumilos. Mas masarap gumanti kung sa mga kamay niya mismo magbabayad ang dalawang taong iyon. Ngunit paano? Paano niya gagawin ang lahat ng iyon? "Dria." Napalingon siya sa taong nasa harapan na pala niya. Napatingin siya sa dala nito. Ang pagkain niya. Ipinatong muna ni Lance ang tray sa isang mesa bago ito kumapit sa kinahihigaan niya. Yumuko ito sa gilid ng kama niya at saka ito may ini-adjust doon kaya umangat ang bahagi ng kama para makaupo siya. Nang maayos na ang pagkakasandal niya, muli nitong kinuha ang tray at saka naupo sa harapan niya. Napatitig siya rito habang abala ito sa pagpapalamig ng soup na ipapakain nito sa kanya. Simula nang magising siya at ideklara ni Dr. CM na pwede na siyang kumain, si Lance na ang natoka na magpapakain sa kanya. Pinanuod niya ang pag-ihip nito sa soup na nasa kutsara at saka nito iyon inilapit sa bibig ni Dria. Ngumanga si Dria at buong ingat na isinubo sa kanya ni Lance ang kutsara na may lamang soup. Tahimik silang dalawa hanggang maubos ni Dria ang pagkaing inihanda sa kanya ni Lance. Tahimik din sila nang punasan ni Lance ng napkin ang mga labi ni Dria pagkatapos siya nitong painumin ng tubig. "Lance," tawag niya sa binata nang akmang tatayo na ito. Nang tumingin ito sa kanya, nginitian siya ni Dria. "Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa'yo sa lahat ng ginawa mo at ginagawa pa para sa akin." Napayuko si Lance na waring mas ito pa ang dapat na mahiya sa kanya. "Dria, there's no need..." "There is," pagpupumilit niya. "Utang ko sa'yo ang ikalawang buhay ko. Kundi dahil sa'yo, wala ako ngayon dito. Kasama ko na sana sa langit ang mga magulang ko," nakangiting saad niya. "Dria, ayokong isipin iyon." Nakakaintinding tumingin si Dria sa mga mata ni Lance. "Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko noon para bigyan ako ng pagkakataon na makilala ka. Hindi ko alam kung anong suwerte ang meron ako kung bakit sa dinami-dami ng mga babae sa eskwelahan natin, ako yung...yung..." "Babaeng minahal ko," dugtong ni Lance sa sinasabi niya. Yumuko si Dria at tumango. "Bukod doon, napakarami mo ring ginagawa at ginagawa para sa akin. Kaya salamat. Salamat sa lahat." "I'll help you in everything, Dria. Hingiin mo man o hindi, ibibigay ko ang kailangan at gusto mo. And I won't ask anything in return after all of these. Iyan ang maipapangako ko sa'yo." Muling tumingin si Dria kay Lance. "Will you really help me get everything back, Lance? Maaaring malagay sa panganib ang buhay mo sa mga plinaplano kong gawin." Ngumiti si Lance sa kanya. "Kasasabi ko lang pero sasabihin ko ulit, Dria. Handa kitang tulungan sa lahat. Kapag magaling na magaling ka na, tutulungan kitang bawiin ang lahat ng nawala sa'yo." "Sa anumang paraan?" panunubok ni Dria sa binata. "Sa anumang paraan," tiyak na sagot ni Lance. "May mga plano na ako, Lance. May mga naiisip na akong paraan para makalapit sa kanila nang hindi nila nalalaman. Kung paano ko unti-unting mababawi ang lahat ng kinuha nila. Ngunit may kasamang pagsasakripisyo ang gagawin ko. At lubos akong magpapasalamat kung sasamahan mo ako sa mga pagkakataong iyon." "I will be there, Dria. Hindi ako papayag na ikaw lang mag-isa ang lalaban sa kanila. You have me. My friends will help us, too. I'm sorry kung hindi ko na nakuha ang permiso mo nang ikuwento ko sa kanila ang nangyari sa'yo. CM and Jack were witnesses when..." I cried for you when I thought you died. Alam ni Dria ang mga salitang hindi masabi ni Lance. "Hindi problema iyon. Okay lang na malaman nila kung sasamahan ninyo ako at susuportahan sa mga binabalak kong gawin na pagbawi sa lahat." "Kaya magpagaling ka. Maghanda ka. Hindi magiging madali ang papasukin mong laban, Dria." "Alam ko, Lance. Ilang taon kong kasa-kasama si Samantha at ilang taon ko ring naging asawa si Anton. Hindi ko inakalang pagplaplanuhan nila akong dalawa para lang makuha ang lahat ng meron ako. Alam mo bang handa Naman akong ibigay ang lahat nang kusa sa kanila kapalit ng buhay namin ng anak ko? Pero mas pinili pa rin ilang burahin ako sa mundo." Malungkot ang mga mata na tumitig sa kanya si Lance. "Narinig ko ang lahat, Dria. And I loathe them, too. Naging saksi din naman ako ng pagkakaibigan ninyo ni Samantha. And I was there at your wedding too." Napatingin si Dria sa mukha ni Lance. Nakangiti man ito, mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata ng binata. "Kung alam ko lang na hindi ka magiging masaya sa kanya, sana kinidnap na kita," pagbibiro nito para mawala ang tensiyon na biglang bumalot sa kanilang dalawa. "Sana nga, kinidnap mo na lang ako noon," pakikisabay ni Dria sa pagbibiro nito. "Sa una siguro, magagalit ako sa'yo. Pero kapag nakilala na kita, kapag nalaman ko kung gaano ka kabuting tao, kung gaano ka kaaalaga, siguro... siguro magagawa kong kalimutan ang pagmamahal ko kay Anton." Napangiti si Lance. "Well, para rin namang kinidnap kita, di ba? Itinago kita rito ng tatlong taon. Nakulong ka sa kamang ito ng mahabang panahon." "It wasn't your choice, Lance." "It was my choice to save your life, Dria. It was my choice to love... you," mahinang-mahina na sabi nito sa huling pangungusap ngunit matamis na napangiti si Dria. "Thank you, Lance. Gustuhin ko mang kalimutan na lang ang lahat at magbagong buhay, alam kong hindi rin ako matatahimik. Kailangang makuha ang hustisya para sa mga magulang ko at para sa amin ng anak ko. Pagkatapos niyon, saka pa lang ako mabubuhay nang masaya." "Will you let me be there, too, Dria?" Alam ni Dria na maraming pwedeng ipakahulugan ang sinabing iyon ni Lance sa kanya. Ngumiti siya rito bago sumagot. "If you want to be there, I'll be glad, Lance." ... Ang sumunod na mga araw, nag-umpisa na ang daily routine ni Dria sa tulong nina CM, Jack, at Lance. May mga exercises na pinapagawa sa kanya para makabangon at makaupo na siya nang mag-isa na ginagawa niya araw. May mga exercises din siyang ginagawa upang maiangat na niya ang mga braso at binti niya na walang tulong mula sa tatlong physical therapists niya. At pagkatapos ng isang buwan, madali na kay Dria ang pag-upo mula sa pagkakahiga niya at napapakain na rin niya nang mag-isa ang sarili niya. May kanya-kanyang ring tokang gawin ang tatlo. Si CM ang kasa-kasama niya sa pagpunta sa banyo sa tuwing maglilinis siya ng katawan niya. Si Lance ang nagmamasahe at nagpapaehersisyo sa mga binti at braso niya. At si Jack ang nakatoka sa mga exercises niya para makatayo na siya nang tuluyan. Halos isang buwan ulit ang lumipas at kusa nang nakakabangon nang mag-isa si Dria. Nakakapaglakad na rin at nakakabantong mag-isa at higit sa lahat, lumipat na siya sa isang kuwarto na matatawag talaga niyang bedroom. Maluwang ang silid. May munting living room, may sariling banyo, may TV at fridge. Regular na may iniinom siyang gamot para mapalakas pa ang mga kalamnan niya at ang kanyang kalusugan niya. Sa ikatlong buwan, nakilala niya ang ibang kaibigan ng tatlo. Dumating sina Asher, Carrie, at Rowan para sa kaarawan ni Jack. At habang nagsasalo-salo sila ay nakikinig si Dria sa kuwentuhan ng anim. Doon niya napagtanto na hindi basta-bastang propesyonal ang mga ito. They're one of the smartest humans in the world na sobrang ikinamangha niya. At Hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya at pagmamalaki na nakilala niya ang mga ito lalo na na isa sa mga ito ay in love pala sa kanya sa loob ng siyam na taon. Hindi rin maiwasang makadama si Dria ng saya. Ang anim sa mga pinakamatatalinong tao sa mundo ang makakasama niya sa paghuhuganting binabalak niya laban kina Anton at Samantha. Ngayon pa lang, tila abot-kamay na niya ang tagumpay ng mga plano niya. Habang lumalalim ang gabi, paseryoso nang paseryoso ang takbo ng usapan ng anim hanggang sa mapunta iyon sa kanya. "You're getting better everyday, Dria. Nalalapit na ang tuluyan mong paggaling. At alam namin na sa kabila ng pananahimik mo, may mga balak kang gawin," panimula ni Carrie na may mabait na ngiti. "We will help you, magsabi ka lang kung ano ang plano at kung saan tayo mag-uumpisa," saad naman ni Rowan. "Actually, pwede na nga tayong magsimula bukas kung gugustuhin ni Dria," sabat naman ni Jack. "Guys, give her a few more months. Mas excited pa kayo kesa sa kanya," tila panenermon naman ni Lance at hindi naitago ng magkakaibigan kay Dria ang lihim na pag-uusap ng mga mata nila. Huminga muna nang malalim si Dria bago nagsalita. "Thank you sa inyo dahil handa kayong tulungan ako. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran balang-araw pero tatanawin kong malaking utang na loob ang nga gagawin ninyong pagtulong sa akin." "Okay na sa akin na maging kaisa-isang ninong ng panganay ninyo ni Lance." Napalingon sila kay Asher na parang bumulong lang pero narinig naman nilang lahat kaya nagkatawanan sila lalo na nang parehong mamula sina Dria at Lance. "C'mon, Dria. Spill it. Ano ang unang gagawin natin para pagbayarin ang dalawang iyon?" tanong ni CM kaya napabaling muli ang lahat sa kanya. "Gusto kong makalapit sa kanila nang hindi nila ako nakikilala. Na hindi nila aakalain na ako na ang kaharap nila. Kailangan kong makakalap ng ebidensiya laban sa kanila na magpapatunay ng pagpatay nila sa akin at pagnanakaw sa pera ng pamilya ko." Natigilan ang lahat. "You want to change your face." Napangiti si Dria nang marinig niya ang sinabing iyon ni Lance. Hindi na niya kinakailangan pang magpaliwanag. Mabilis maka-pick up ang mga kaharap niya. Lumingon siya kay Lance at tumango rito. "And not just your face, you want to change your identity, too." Nilingon niya si Carrie at ngumiti rin dito. "And what name will you use from now on? We need to start calling you that name para masanay na tayo," sabi naman ni Jack. Ngumiti si Dria sa kanilang lahat. "Simula bukas, tawagin na ninyo ako sa bago kong pangalan. Tawagin na ninyo akong... Adi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD