Chapter 18

1756 Words
"I'm so happy na may isa na naman akong sister," sabi ni Lauren habang pareho silang nasa kama niya. Nasa may paanan naman ng kama si Lucy at nakaupo roon. Fifteen minutes pagkatapos siyang ihatid ni Lance doon ay nagulat siya nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Akala nga niya ay may nakalimutan lang na Sabihin ang binata ngunit nagulat siya nang mapagbuksan ang mga kapatid nito. Bilang bisita, pinapasok niya ang mga ito dahil kita naman na may balak aabihin ang mga ito. "Masaya rin ako na may maituturing naman akong kapatid o mas tamang sabihin na mga kapatid. Mag-isa lang kasi ako tapos ang taong tinuring kong kapatid, ayun, pinapatay ako," pagak siyang tumawa. "Well, I can assure you na hindi namin iyon gagawin sa'yo. Sasaktan ka lang namin kapag sinaktan mo si Lance," pagbibiro ni Lauren ngunit alam ni Dria na may katotohanan ang sinabi nito. "Bakit nga pala kayo naririto? Not that I mind pero tingin ko may gusto kayong sabihin na ayaw ninyong marinig ng mga magulang ninyo at ni Lance," curious niyang tanong sa dalawa. "Well, gaya ng sinabi namin kanina, halos kilala ka na talaga namin. Though at first, kontra talaga ako sa paghihiganti na plinaplano ninyo pero nang marinig ko ang lahat ng detalye, gusto kong ituloy yung balak ko noon pa," sabi naman ni Lucy. "Ano iyon Luce?" Napangiti si Lucy sa itinawag niya rito. "To contribute. To help." Nang lumingon siya sa kapatid nito ay nakangiti rin ito sa kanya at tumango. "Paano ninyo ako matutulungan?" tanong niya. "I heard na isa sa mga trainings mo ay kung paano mangse-seduce ng lalaki, Adi. We can help you with that." Bumangon at umupo si Lauren at ganon din ang ginawa niya. "Hindi lang sa literal na pang-aakit mo mase-seduve ang Isang lalaki, Adi. You can do that with the way you look, the way you carry yourself, the way you dress up, and the way you wear your makeup," saad naman ni Lucy. "Kaya bukas, magsa-shopping tayo. Magpapaturo Tayo kung paano mo aakitin ang Isang lalaki sa pananamit mo pa lang at sa pagmi-makeup. We're quite sure na Hindi iyon kayang ituro ni Lance sa'yo." "Ang also his friends. Kahit may mga babae siyang kaibigan, they're all geeks. Ang maitururo lang nila sa'yo ay kung paano tumalino." Nagkatawanan sila dahil totoo naman iyon. Ni hindi nga nagmi-makeup si CM. "Nonverbal cues are effective ways to attract guys, too you know. Become an attractive flower and you'll get more bees. And then sting them with your thorns. That will be a good revenge." "Gusto kong tanggapin ang tulong ninyo pero wala akong pera," nahihiya niyang sabi sa magkapatid. "Hmm, we have so don't worry about it. Welcome gift na namin sayo. I'm also quite sure na kapag sinabi ko Kay Lance na lalabas tayo para sa ating girls bonding, ipapahawak niya sa'yo ang card niya. So, wala ka nang dapat ipag-alala, Adi." "Napaka-generous ni Lance sa akin. Nakakahiyang dagdagan yung utang ko sa kanya." "Wala iyon. Kilala namin ang kapatid namin. Basta para sa'yo, kahit maubos pa ang pera niyon." Nag-high five pa ang dalawa. Nag-init naman ang mukha ni Dria. "Look, sis! Adi is blushing!" pangangantiyaw sa kanya ni Lauren. "How adorable, haha!" tawa naman ni Lucy. "Halika na, Lauren. Pagpahingain na natin si Adi dahil bukas, tiyak na mapapagod tayo maghapon sa gagawin natin." Umalis na sa kama ang dalawa at ihinatid sila ni Dria hanggang sa pinto. Nang makalabas na ang dalawa ay muli nahiga si Dria. Excited na siya sa pupuntahan nila bukas. Hindi niya rin nakalimutang magdasal at magpasalamat sa Panginoon na nakilala na niya ang pamilya ni Lance na kasingbait nito. Kinabukasan bago mag-lunch ay ihinatid sila mismo ni Lance sa mall. Balak pa sana nitong sumama sa kanila ngunit pinauwi ito ng mga kapatid at sinabing tatawagan na lang kapag pauwi na sila. Ang unang pinuntahan nila ay ang mga shop kung saan sila makabibili ng mga damit na babaunin ni Dria. Puro fitted ang binili ng mga ito para sa kanya. Mga damit na may cuts na talagang magpapakita ng hubog ng katawan niya kahit na may kaliitan ang dibdib niya. Tila nga siya modelo na nagsusukat ng mga napili ng mga ito na talagang nag-enjoy niya. Binilhan din siya bg mga sapatos at damit. Kapag sobrang mahal ng mga iyon ay tinatanggihan niya at naghahanap siya ng mas mura. Kahit libre ang lahat ng pinamimili nila courtesy of Lance, ayaw naman niyang ubusin ang laman ng card nito. Ang sumunod nilang pinuntahan ay ang bikihan ng makeup. May staff doon na tinuruan talaga sila kung paanong maglagay ng makeup na mukhang natural lang sa mukha pero hina-highlight nito ang best features nila. In just an hour, natuto na si Dria at napatunayan niyang totoo ngang makakatulong ang makeup para mas lalo pa siyang maging kaakit-akit sa mga kalalakihan at pati na rin sa mga kababaihan. Maging ang manager ng shop na iyon ay humanga sa lalo pang pagganda niya kaya humiling ito ng isang sandaling photo session na pinagbigyan niya dahil bibigyan siya nito ng isang full set ng makeup. Sinabi rin ng mga ito na idi-display raw nila ang picture niya. Pinasuot na nga sa kanya ng magkapatid ang dress at ang kapares nitong shoes sa kanya para sa nasabing photoshoot. Hapon na nang matapos sila roon. Nagpasya ang magkapatid na kumain na muna sila habang hinihintay nila si Lance. "Kumain ka ng marami, Adi. Walang ganitong serving sa Manila," bilin sa kanya ni Lucy. "Look, andaming lumilingon sa table natin dahil kay Adi," pabulong namang sabi ni Lauren kaya pasimpleng tumingin si Dria sa paligid at napatunayan niyang totoo nga ang sinasabi nito. "Siguro nagtataka sila kung bakit nasa mall si Adi tapos nakapang-party get up," natatawang bulong ni Lucy pabalik. "Andaya nga ninyo. Dapat sinuot nyo na rin yung mga binili ninyo." Natawa ang magkapatid sa pagsimangot niya. "Lucy, Lauren, who this? Where's Adi?" Napalingon sila nang marinig ang boses ni Lance. "Dri---Adi?" gulat at namamanghang tawag ni Lance sa pangalan niya. "The one and only," proud na sabi ni Lucy sa kapatid. "Upo na," nahihiyang utos ni Dria kay Lance na tulala pa ring nakatitig sa kanya. "What can you say, Kuya? Di ba lalo siyang gumanda? Maganda na siya kahit walang makeup but look at her now. She's a goddess, right? And you're falling for her all over again, right?" pangangantiyaw naman ni Lauren. Nakatingin pa rin sa kanya si Lance nang maupo ito. "You did a great job," sagot ni Lance sa kapatid. "Kinuha rin siyang model doon sa makeup store. Idi-display raw nila yung photos niya." Napatingin si Lance kay Lucy. "Ate, hindi ba dekikado iyon? What if..." Pinutol agad ni Lucy ang kaba ni Lance. "Nonsense. Hindi nila makikita yun, Lance kahit magpunta pa sila rito so stop with your what ifs. Kung makikita man nila, I'm quite sure mas lalo nilang Hindi mapaghihinalaan si Adi. She can even claim that she modeled for that makeup store. It's another boost to her resume, don't you think?" "Ate Lucy has a point. C'mon, Kuya. Look around. People are looking at her. They're amazed of her beauty. They admire her. I'm sure na kapag nakita siya ng ex niya, maglalaway siya at hindi matatahimik hanggang hindi niya nakukuha si Adi." "That's sounds scary," pagbibiro ni Dria. "No. Tama si Lauren, Adi. You can easily attract Anton with that beauty kahit wala ka pang gagawing pangse-seduce. That will make your assignment much easier." "And faster if I may say. Revenge is a dangerous world. You have to play your cards well. I'm sure, madali lang na magagawa ni Lance ang assignment nila kay Samantha-b***h. Pakitaan mo lang iyon ng pera, isama pa ang kagwapuhan ng mga Segovia, she will voluntarily spread her legs." "Ate! Please, hindi kami darating sa point na iyon. I'd rather sleep with a vermin than sleep with her." Nagkatawanan sila sa sinabi ni Lance. "Mas gusto mong makipahalikan sa ipis kesa sa Samantha na iyon?" tumatawa pa ring tanong ni Lucy sa kapatid. "Well, unless necessary siguro." Nakadama ng munting kirot sa dibdib si Dria and at the same time, humanga siya sa sakripisyo na handang gawin ni Lance para sa kanya. "Just make sure that you'll both make them fall in love with you at first sight. The more time you'll spend with them, the more dirt you'll get from dealing with them." Tumango silang dalawa sa sinabi ni Lucy. Habang kumakain sila, nakaisip ng ideya si Lauren. "If you have changed Adi's style, I think it's high time to change Lance's style too. Gawin nating medyo modernized yung pagbibihis niya and even his hair style," suggest nito. Napapitik sa hangin si Lucy. "That's a very good idea, Lauren. Masyadong naka-concentrate ang kapatid natin sa professional niya na nakalimutan na niyang magpa-pogi. Kaya ka hindi napapansin ni Adi noon, ehn Nerd na nerd ang style mo." "Okay, fine, fine. Samahan n'yo ako tutal nandito na tayong lahat." "Of course, brother. Pasasalamat na namin sa panlilibre mo," masiglang sabi ni Lauren na ikinailing ni Lance. At iyon nga ang ginawa nila. Namili sila ng mas modernong version ng mga isinusuot ni Lance. Pinagupitan at pinaiba rin nila ang style ng buhok nito. "Whoa!" sabay-sabay nilang saad nang makitang mas naging gwapo pa ito sa bagong style ng pananamit at buhok nito. "Kuya, papasa ka ng model!" humahangang sabi ni Lauren sa kapatid. "Gwapo ka rin pala talaga, eh." Tinapik-tapik naman ni Lucy ang balikat nito. Humarap si Lance sa kanya. "Do you agree with them, Adi?" tanong ni Lance sa kanya. Napakagat ng labi si Dria habang pinagmamasdan si Lance. There's no doubt na maaakit talaga nito si Samantha kahit hindi ito magpakita ng kayamanan nito. No woman can take his looks for granted. Muling naramdaman ni Adi ang munting kirot na iyon sa dibdib niya pero nagpilit siyang ngumiti kay Lance. "I can already smell our victory, Lance." Iyon ang isinagot niya sa tanong nito na nagpangiti rito. "Handa ka na ba sa assignment mo, Adi? Sa isang linggo ay uuwi na tayo sa Pilipinas." Natahimik ang mga kapatid nito sa narinig nilang sinabi ni Lance. Nagseryoso na rin si Dria at tumango rito. Puno ng determinasyon niyang saad, "Handang-handa na ako, Lance. Handa na akong bawiin ang lahat ng inagaw at ninakaw nila sa akin. Handa ko na silang singilin at kunin ang hustisya para sa mga nawalang mahahalagang tao sa buhay ko nang dahil sa kanila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD