Chapter 11

2098 Words
Nang sumunod na magkamalay si Dria ay mas madali na niyang naimulat ang mga mata niya. Sa una ay nanlalabo pa rin ang paningin niya ngunit kinalaunan ay mas maliwanag na ang nakikita niya. Naroroon pa rin siya sa tila laboratory room. Sinubukan niyang pagalawin ang katawan niya at nakahinga siya nang maluwag nang maramdamang hindi na ganon kabigat ang katawan niya ngayon. Nagdikit ang mga kilay niya ang maramdaman na may nakahawak sa isang kamay niya kaya agad siyang napalingon sa gilid niya. May taong natutulog roon! Sinubukan niyang hilain ang kamay niya na siyang dahilan kung bakit nagising ang lalaki. Napatitig ito sa kamay niya na nabitawan nito dahil sa ginawang paggalaw ni Dria bago ito mabilis na lumingon sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nila. Napatitig sila sa isa't isa. At kitang-kita ni Dria kung paano nangislap ang mga mata nito. Isang matamis na ngiti rin ang sumilay sa mga labi nito habang kinikilala pa rin ito ng tingin ni Dria. Hindi ito si Lance. Oo nga at may pagkakahawig ang dalawa ngunit hindi ito ang Lance na nakilala niya sa ikalawang buhay niya na hindi naman pala totoong nangyari. Shes back in her previous life. Her second life didn't exactly happen. Iyon ang mapait na katotohanan na napagtanto niya mula sa usapan ng mga ito. "Sino ka?" minamalat ang boses na tanong niya sa lalaki. "I'm Lancelot Segovia. I'm..." "...my savior," si Dria na ang tumapos sa sinasabi nito at kitang-kita niya ang gulat sa mga mata ng lalaki. Bumuntonghininga si Dria. "Narinig ko ang usapan ninyo ng kasama mo tungkol sa... tungkol sa pagliligtas mo sa akin. Pero gusto kong maliwanagan. Totoo bang sa pamamaril mo ako iniligtas? Hindi... hindi sa...?" Natigilan si Dria nang tumango si Lance. "What do you exactly remember? Do you remember your name?" tanong nito sa kanya. "Alam kong Dria ang pangalan ko. At naaalala ko ang buhay ko. Walang memoryang nawala sa akin. Wala akong nakalimutan kung iyon ang gusto mong tanungin." Natigilan si Lance. "Then you remember that your husband shot you. I'm sorry. Hindi ko siya napigilan nang barilin ka niya. I was there when he shot you." Tila ito pa ang nahihiya dahil hindi nito nagawang pigilan si Anton nang barilin siya nito. Of course, kung ginawa nito iyon, baka nauna pa itong binaril ni Anton. Walang magliligtas sa kanya. Pareho sana silang nakalibing na ngayon. "Oo. Natatandaan ko iyon. Binaril niya ako habang nagmamakaawa ako sa kanya." Nanhapdi nang sabay ang puso at nga mata ni Dria. "Naaalala mo rin bang...buntis ka?" Napapikit nang mariin si Dria at dahan-dahan na tumango. "Sinabi ko sa kanya," mahinang saad niya. "Sinabi ko sa kanyang buntis ako pero binaril pa rin niya ako." Nagpapasalamat si Dria na kahit Hindi totoong nagkaroon siya ng ikalawang pagkakataon na mabuhay, at least natuto siyang maging matapang doon. At iyon ang pinaghuhugutan niya ng lakas ngayon para mailahad ang mga dapat niyang sabihin. "You lost your baby, Dria." Isang patak ng luha ang dumaloy sa mata ni Dria. "It's expected," pabulong na sagot niya kay Lance. Isang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa bago kumalma at muling nagmulat ng mga mata si Dria at tumingin sa kaharap. "Narinig ko... stalker kita kaya nalaman mo ang nangyari," mahina ang boses niya ngunit alam niyang narinig iyon ni Lance dahil namula ito. Sa kabila ng kalagayan niya ngayon at sa masakit na katotohanang napagtanto niya, Hindi mapigilang mapangiti ni Dria sa nakikita niyang itsura ngayon ng lalaking kaharap. Nag-iiwas ito ng tingin na tila ba hiyang-hiya sa kanya. "I'm... I'm your admirer. Noong college pa." Nanlaki ang mga mata ni Dria sa pag-amin na ginawa nito. "Ibig mong sabihin, schoolmate tayo?" Tumango si Lance bago muling tumingin sa kanya. "Lagi kitang nakikita noon pero hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala. I mean, yung magkausap talaga. Nakikita mo ako but you do not exactly know who I am. Hindi rin ako grumaduate sa school na iyon. Nag-migrate kami sa States at doon ko na ipinagpatuloy ang pag-aaral ko." "You're a doctor..." "Yes but not exactly in the medical field," bahagya itong natawa pagkatapos ng sinabi nito. "Not exactly in the medical field?" pag-uulit ni Dria sa sinabi nito na bahagyang naguguluhan. "I'm a neuro-programmer which exactly helped in your case." "In my case?" tila puppet na pag-uulit ni Dria sa mga sinasabi ni Lancelot Segovia. "Nang iligtas kita noon gabing iyon, you're almost dead, Dria. Bukod sa marami nang nawalang dugo sa'yo, your body is dead. Ang tanging buhay sa'yo ay ang utak mo. You were technically declared dead, Dria. Pero tila milagro na nanatiling buhay ang utak mo. I held on to that miracle and some minutes later, your heart, by another miracle, started beating again." Napanganga si Dria. Hindi makapaniwala sa mga naririnig niya. "My family owns the hospital kung saan kita dinala. And although your brain and heart kept functioning, you were under coma condition. I used my influence to keep your existence a secret. Obviously, I cannot tell your husband, who was the cause of your almost death, to know that you miraculously survived. "Nasa ospital pa ba ako? Parang mas dapat tawaging laboratoryo itong kinaroroonan ko ngayon kesa ospital," pagtatanong ni Dria na ikinangiti ni Lance. "No. Wala ka na sa ospital. After 5 months of staying there, when you're already safe to transport, dinala na kita dito sa laboratory namin ng mga kaibigan ko." "Ng mga kaibigan mo?" Bago pa mapigilan ni Dria ang sarili ay naulit na naman niya ang sinabi ni Lance. "We're on an island where we built our laboratory for our lectures. Nasa isang maliit na isla ito outside the US territory owned by my family. Dinadala namin dito ang mga estudyanteng tinuturuan namin mula sa US para sa training nila." Island owned by his family? Laboratory for their students' training? Kung gayon, hindi lang basta-basta mayaman ang Lancelot Segovia na ito. He must be filthy rich. "Gaano kalaki ang island na ito?" Hindi mapigilang itanong ni Dria. Nagdikit naman ang mga kilay ni Lance. Nagtataka marahil kung bakit sa dami ng dapat unahin niyang itanong, iyon pa talaga ang itinatanong niya rito ngayon. "Almost half of Guam. Don't worry, Hindi ito daanan ng bagyo. Safe din ito sa tsunamis at earthquakes. You're safe here, Dria." Napatango si Dria sa sinabi nito. "Gaano... gaano na pala ako katagal rito?" "Three years," maikling sagot ni Lance sa kanya. Napakuyom ng kamay si Dria. Sa tagal nga na inalagaan siya ni Lance at itinago, wala na talagang nag-aalalang buhay pa siya. Nagsimulang manikip ulit ng dibdib niya. She dreaded to hear the answers but she has to ask. "A--anong nangyari sa kanila? Kay Anton... Kay Samantha? Ang alam ba ng lahat ay patay na ako?" Matagal na napatitig sa kanya si Lance. Tila tinatantiya nito kung kaya ba niyang marinig ang mga sasabihin nito tungkol sa mga taong tinatanong niya rito. "Nasunog ang bakery mo. At pinalabas nilang kasama kang nasunog roon. Pinalabas nilang ikaw ang natagpuang sunog na bangkay. Isang taon pagkatapos ng libing mo, si Miss Cortez na ang namamahala sa jewelry business ng Mommy mo. Ayon sa nabalitaan ko, kinuha siya ng asawa mo nilang manager." Napapikit si Dria ng mariin. "We're they at least taking care of my family's business?" nanghihina na tanong niya. "Nalulong sa sugal ang asawa mo, Dria. Unti-unti na niyang naibebenta ang ilang stocks ng kumpanya na pag-aari ninyo." "Oh, God," dismayadong-dismayadong sambit niya. "My friend's companies bought them." Dali-dali siyang nagmulat ng mga mata nang marinig niya iyon mula kay Lance. "Ibabalik ko sila sa'yo kapag malakas ka na." "Bakit ikaw ang...?" Napangiti si Lance nang makitang napagtanto na ni Dria ang gusto niyang iparating sa sinabi niyang iyon. Oo, mga kumpanya ng mga kaibigan niya ang bumili sa mga stocks ng kumpanya pero pera niya ang ginamit. And his friends weren't greedy enough to claim those stocks which he rightfully own. "Wala akong... pambawi sa kanila." "Don't you want to claim back what are rightfully yours, Dria? Ayaw mo bang bawiin ang mga kinuha nila sa'yo?" "Of course, gusto ko. Gusto kong bawiin ang lahat ng kinuha nila sa akin. At gusto kong gantihan sila sa ginawa nila sa akin! Gusto kong gantihan sila!" may igting niyang sagot. "Pero paano ko gagawin iyon? Dalawa sila. Parehong matalino, parehong tuso... Mag-isa lang ako. Wala kahit ano..." Natigilan si Dria nang muling maramdaman ang kamay ni Lance sa kamay niya. Napatingin siya sa magkahawak na mga kamay nila bago siya napatingin sa mukha nito. "I'll help you. My friends and I will help you," determinadong saad nito. "Why? Bakit n'yo ako tutulungan? Bakit n'yo gugustuhing tulungan ako?" Matagal na naghintay si Dria ng isasagot ni Lance ngunit ang tanging kasagutan na nakuha niya mula sa binata ay ang magaan nitong pagpisil sa kamay niya. ... Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ni Lance ay lumabas ito para tawagin ang kaibigan nitong doktor na siyang tumitingin at nag-aalaga rin sa kanya. Dr. Chona Marie ang pangalan nito at habang chini-check nito ang kalagayan ng katawan niya, magkukuwento ito tungkol sa pagkakaibigan ng grupo nila nina Lance. Ayon dito, nagkakilala dahil sa isang organization. Anim silang magkakaibigan at sina Dr. CM at Dr. Jack lang daw ang doktor sa kanila na nasa medical field. Ang kaibigan nila na nagngangalang Pia ay isang computer engineer, samantalang chemist naman ang isang nagngangalang Asher. Sina Lance at ang isang nagngangalang Carrie ay parehong neurologist. At sng panghuli, si Rowan ay isang businessman. Siguradong ito ang gumagawa ng paraan para mabili ni Lance ang mga stocks ng kumpanya nila Dria mula kay Anton. Sa ngayon daw, tanging sina Lance, CM, at Jack ang nasa Isla kasama ni Dria. Nasa US ang dalawa, at nasa kung saang lupalop daw ng mundo si Rowan. Ngunit kahit nasaan man ito, agad itong darating kapag pinatawag ito ng isa sa mga kaibigan nito. All of them are half-Filipinos at iyon daw ang isa sa mga dahilan kung bakit mas naging malapit na magkakaibigan ang anim. "Dahil sa tagal mong na-coma, it will take a long time bago ka muling bumalik sa normal na kalagayan. Meaning, para kang baby ulit. Kailangan mong matutong umupo, tumayo, maglakad, tumalon, at tumakbo. Natulog ng tatlong taon ang mga muscles mo kaya kinakailangang gisingin silang muli," lahad ni Dr. CM sa kanya pagkatapos ng check up nito sa kanya. "Huwag kang mag-aalala. I am a physical therapist too and Lance and Carrie can structure a program for you para sa physical therapy session mo. Ilang months lang siguro, makakatayo ka na on your own." Nalukungkot man sa kalagayan niya ngayon, nagpapasalamat pa rin si Dria dahil buhay siya. May pagkakataon ulit na ibinigay sa kanya na kunin ang lahat ng kinuha nila Anton at Samantha sa kanya. Hindi man niya kayang buhatin ulit ang mga magulang niya, darating naman ang araw na mababawi niya ang lahat ng mga pinahirapan ng mga ito. "Thank you very much. I hope someday, mabayaran ko ang mga hirap na ginagawa ninyo para sa akin. Ilista muna ninyo ang mga utang ko," pagbibiro niya na ikinahalakhak nito. "Si Lance ang sisingilin namin. Siya na lang ang bahalang maningil sa'yo." Nanunukso itong kumindat sa kanya. Nag-iinit ang mukhang napayuko si Dria. "Kapag nabawi ko ang kumpanya..." "Actually, kahit hindi mo mababawi, makakabayad ka kay Lance." Muli siyang napatingin dito. Nang makita ng doktor ang pagtatanong sa kanyang mga mata, ngumiti ito nang matamis. "Do you know that the guy is so in love with you for nine years now, Dria?" Mas nag-init pa ang mukha ni Dria sa impormasyong iyon. "Noong nasa Pilipinas ka pa, he makes sure to visit the Philippines every year para lang masilayan ka. To get to know what's happening in your life. Sa huling pag-uwi niya, kasama niya kami ni Jack. Imagine our shock nang papuntahin niya kami sa ospital ng pamilya niya and he arrives minutes later carrying your lifeless body. Kaming dalawa ni Jack ang naging doktor mo nang madaling-araw na iyon, Dria. I was the one who declared you dead and alive the following minute." Buong kaseryosohang saad nito. "It was truly a miracle that you were alive, Dria. Siguro naaawa ang Diyos kay Lance na humahagulgol ng iyak nang sabihin kong patay ka na." Natigilan si Dria. Nanuyo ang lalamunan sa deklarasyon ni Dr. CM sa pagmamahal sa kanya ni Lance. "It's just sad na hindi siya ang lalaking minahal mo. Kung siya sana, hindi mangyayari ang lahat ng nangyari sa'yo." Dria swallowed the lump in her throat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD