Chapter 13

2119 Words
Kasabay ng muling paglakas ng katawan ni Dria at ang paglakas ng loob niya. Dumagdag sa kumpiyansang nagising sa kanya ang walang pag-aatubiling pagsuporta sa kanya ng magkakaibigan lalo na ni Lance. Pagkatapos ng ilang buwang physical therapy, bumalik na sa dati ang lahat. Ngayon nga ay naghahanda na siya sa isa pang pagbabago sa kanya at iyon at ang pagbabago ng kanyang mukha. Narito siya sa kuwarto niya ngayon, pinag-aaralan ang mukha niya. Inilalagay niya sa memorya ang huling pagkakataon na makikita niya sa harap ng salamin si Alexandria Madrid Zaspa. Bukas, magiging si Adi Legaspi na siya. Ang pangalang dadalhin niya sa isip, sa salita, at sa gawa. Sa kabila ng nararamdamang kaba, Hindi niya maiwasang natawa sa huling sinabi niya. Ngunit alam niyang iyon na ang katotohanang haharapin niya pagkatapos ng pagbabagong buhay na yayakin niya. Tatlong katok sa pinto ang pumukaw sa pansin niya. Habang naglalakad papunta roon, iniisip niya kung sino ang nasa likod ng pinto at kung ano ang kailangan nito sa kanya. Si Lance ang napagbuksan niya. "Hi," bati nito sa kanya na ikinangiti niya. "Para namang matagal tayong Hindi nagkita kung makabati ka. Halos isang oras lang mula nang matapos ang dinner, ah," pagbibiro niya rito. Napakamot naman ito sa ulo nito. "Can I come in?" nahihiyang tanong nito sa kanya. "Of course," mabilis niyang sagot dito at nilakihan ang bukas ng pinto. Nagtungo siya sa mahabang couch na nasa kuwarto niya at hinintay itong makaupo sa tabi. Sa halos sampung na buwan na pananatili nila sa iisang lugar, nasanay na siyang kasa-kasama at katabi ito. "Dria," tawag nito sa pangalan niya. Napangiti at napailing siya rito. "Adi," pagtatama niya sa pangalan na itinawag nito sa kanya. Halos isang buwan na niyang sinasanay ang sarili niyang matawag sa pangalang iyon. Tinatawag na nga rin siyang Adi nina Jack at CM ngunit si Lance, Dria pa rin ang tawag sa kanya. "Gusto pa rin kitang tawaging Dria. Hayaan mo, kapag iba na ang dala mong mukha, sasanayin ko na ang sarili kong tawagin kang Adi." Tumango siya rito at ngumiti. Tumitig naman ito sa mukha niya. Alam niyang pinag-aaralan nito iyon at minememorya tulad ng ginagawa niya kanina. "Ito na ang huling gabi na makikita ko ang mukha ni Dria Zaspa," tila sa sarili nito sinasabi ang mga katagang iyon. "Ito ba ang ang nagustuhan mo sa akin? Ang mukha ko?" lakas-loob na tanong ni Dria. Sa ilang buwan na pagsasama nila, kahit anong pigil ni Lance, paminsan-minsan ay nasasambit nito ang pagkagusto, o mas tamang sabihin na pagmamahal nito sa kanya. Alam nilang pareho na hindi na iyon lihim kay Dria. Sa lahat ng ginawa ni Lance para sa kanya, ipinagsisigawan niyon kung gaano siya nito kamahal. Ngunit ni minsan, Hindi nito iyon sinasabi nang direkta sa kanya. Iniiwasan nilang dalawa na pag-usapan. "Ang una namang nakakaakit sa isang tao ay ang dala niyang mukha. Pangalawa na ang iba pa," saad ni Lance na titig na titig pa rin sa mukha niya. "Unang kita ko pa lang sa'yo, naakit na ako agad ng Ganda mo." Napasinghap si Dria dahil ito ang unang pagkakataon na direktang nanggaling Kay Lance ang paghanga nito sa kanya. "Nalaman ko ring matalino at mabait ka. Nakita kita sa library noon. Tinuturuan mo ang isang kaklase mo sa assignment ninyo na hindi niya maintindihan. Minsan, Nakita rin kitang bumili sa isang matandang babae. Kahit na mas marami pa sa pwede ang benta niyang bulaklak, binili mo pa rin iyon at hindi na kinuha ang sukli. Mga simpleng bagay para sa'yo, pero sa akin, malaking simbolo na ng kabutihan ng puso mo," nangingiting pagkukuwento ni Lance. "Kaya lalo akong nahulog. Nagising na lang ako isang araw na gusto kong makita ka sa bawat oras. Kunan ka ng mga larawan nang palihim tapos bago ako matulog ay kinakausap ko sila isa-isa." Napangiti si Dria nang mapansing namumula na naman ito. "Ilang taon mo akong kinukunan ng larawan?" tanong niya. "Dalawang taon," mabilis na pag-amin ni Lance. "Ilang albums din yun." Sabay silang natawa sa sinabi nito. "May albums ka naman pala na puro picture ko so Hindi mo ba masyadong mami-miss ang mukha ko." "Iba ang mga larawan, Dria. Iba kapag ganito ako kalapit sa'yo. Sa bawat sandali na malapit ka sa akin, hindi ko mapigilang memoryahin ang bawat sulok ng mukha mo. Gandang-ganda ako sa'yo. Noong ma-coma ka, para sa akin ay napakaganda mo pa rin," mahinang sabi nito at sa mga sandaling iyon, si Dria naman ang pinamukahan ng mukha. "Iyon lang ba ang ginagawa mo noong ma-coma ako?" pagtatanong niya. "Kinakausap kita araw-araw. Ibinubulong ko sa'yo na lumaban ka... na mabuhay ka. Araw-araw, natatakot ako na baka sumuko ka... na baka hindi mo na kayaning lumaban." Nanikip ang dibdib ni Dria. She cannot imagine the fear inside Lance's heart for the past three years. Parang nararamdaman na rin niya ang takot nito na baka magising ito isang araw na wala ng buhay ang taong binubulungan nitong mabuhay araw-araw. At siguro, habang bumubulong ito sa kanya, habang gumagawa ng panibagong mundo ang isipan niya, nadala niya roon si Lance. Kaya naroroon din ito sa inaakala niyang pangalawang buhay niya. "At lumaban ka. You showed all of us that you're a fighter, Dria. You woke up." "And I owe it all to you and your friends, Lance. Subconsciously, tumapang ako ng dahil sa'yo at dala-dala ko iyon ngayong nagising na ako. Thank you once again, Lance. Salamat dahil kasa-kasama kita sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ko." Si Dria na ang kusang humawak sa kamay ni Lance. "At magiging kasa-kasama mo pa ako sa lahat ng bahagi ng buhay mo, Dria. Pagkatapos ng lahat ng mga plano mo, kapag nakuha mo na ang hustisyang kailangan mo, at kapag nabawi mo na ang nawala sa'yo, pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataong makapasok sa buhay at puso mo? Isang pagkakataon lang para mapatunayan ko sa'yo ang damdamin ko. Pangako, hindi na ako maduduwag tulad noon," nakikiusap na saad ni Lance. Malalim na huminga si Dria. "Lance, napatunayan mo na at hindi mo na kailangang patunayan pa. I'm sorry, sa kagustuhan kong mabawi ang mga nawala sa akin, nababalewala ko ang nararamdaman mo para sa akin. Babawi ako sa'yo pagkatapos ng lahat. Iyan din ang pangako ko sa'yo." "Dria, natatakot ako," napasinghap si Dria sa narinig niyang iyon mula kay Lance. "Natatakot saan?" "Lalapit ka ulit sa kanya. Baka... baka muling bumalik ang damdamin mo sa kanya." Nanuyo ang lalamunan ni Dria. Isa iyon sa mga plano niya, ang lumapit kay Anton at paibigin ito kasabay ng pagkalap niya ng ebidensiya laban dito. Pinisil niya ang kamay ni Lance na hawak-hawak pa rin niya. "Lance, wala kang dapat ikatakot. Hinding-hindi na ako mabubulag sa kanya. Nang barilin niya ako na alam niyang ikamamatay naming dalawa ng anak namin, tuluyan nang nawala ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Hindi dapat mahalin ang tulad niyang pati sarili niyang anak ay handa niyang isakripisyo para sa pera. I will never fall in love with him again. Ang gusto ko lang ay maranasan niya rin ang takot at ang sakit ng damdaming ipinaranas niya sa akin. Gusto kong magdusa siya sa bilangguan nang habambuhay dahil sa ginawa niya sa akin. Besides, ako nga ang dapat matakot. Lalapit ka kay Samantha." Oo, isa rin sa balak nila ay ang paglapit na gagawin ni Lance sa ahas niyang kaibigan. Nakakatakot isipin na lilingkisin nito si Lance at tutuklawin ng kamandag nito. Natawa si Lance. Tila nasiyahan pa ito na marinig na may pagseselos sa boses niya. "I'll just deceive her, too. Gaya ng gagawin mo kay Anton, aakitin ko din siya, paiibigin habang unti-unting kumukuha ng ebidesiya laban sa kanya." "Kilala ko si Samantha. Makamandag siya, Lance." Muling natawa si Lance. "Sa dami ng magagandang babae na nakilala ko sa iba't ibang panig ng mundo, wala pang makakuha ng puso ko maliban sa'yo. There's nothing to fear, Dria. I will just do those things for you. Hinding-hindi niya makukuha ang puso ko dahil naibigay ko na iyon sa'yo. Iyon ang isang bagay na hinding-hindi niya mananakaw na pag-aari mo." Napalunok si Dria nang umangat ang isang kamay ni Lance at haplusin nito ang mukha niya. "Dria, I've loved you for nine years. And I will love you for more years even if you won't love me back. Masaya na ako roon. Sapat na sa akin na mahal kita ngunit kung papapasukin mo ako sa buhay mo, mas sasaya pa ako." "Lance, ayokong magbitaw ng mga salita ngayon. Ngunit kung may isang tao akong handang pagbigyan ulit ng puso ko, Ikaw lang iyon at wala ng iba pa. Hayaan mo akong makuha iyon kay Anton, kahit na sirang-sira na ito, alam kong handa mong buoin ulit iyon," matalinhagang saad ni Dria na alam niyang maiintindihan ni Lance. "Of course, Dria. I am willing to wait." Tumango si Dria kay Lance at ngumiti. Pumikit siya nang haplusin ng hinlalaki nito ang pisngi niya. "Dria, can I kiss you while you are still the Dria that I love?" Halos pabulong na ang sumunod na salitang lumabas mula sa bibig ni Lance. Nagmulat ng mga mata si Dria at tumingin nang diretso sa mga mata ni Lance. "Halikan mo ako, Lancelot Segovia," pabulong din niyang saad bago siya muling pumikit. At ilang sandali pa, dumikit na sa mga labi niya ang mainit na mga labi ng binata. ... Walong buwan ulit ang mabilis na nagdaan sa buhay ni Dria. Ngayon ang araw na aalisin na ni Jack ang benda sa mukha niya. Ito rin ang unang pagkakataon na makikita niya ang mukha na wala ng mga tahi at pagmamaga. Dumating ang iba pang mga kaibigan ni Lance upang masaksihan ang unang araw na ibang mukha na ang dadalhin niya. Ang sabi ng mga ito, kailangan daw na sila ang unang makakita sa mukha ni Adi Legaspi. Ngayon nga ay kasama nila ang mga ito sa sariling opisina ni Jack dahil doon nila napagdesisyunang alisin ang benda niya dahil ito ang gumawa rito. Si Jack ang gumawa ng reconstructive surgery niya. "Adi, handa ka na bang masilayan ang ganda mong makakaakit pati sa buwan?" pagbibiro ni Jack sa kanya. Sa sobrang excitement ay hindi makapagsalita si Dria kaya tumango na lang siya. Napahawak siya sa kamay ng katani niyang sina Lance at CM. Tulad niya ay nanlalamig din ang mga palad ng mga ito. Nang umpisahan na ni Jack ang pagtatangal sa benda ng mukha niya, ramdam niya ang limang pares ng mga matang nakatitig sa kanya. Tulad niya ay halos hindi na rin humihinga ang magkakaibigan. "I've told you repeatedly to check the AI model I used para Hindi ka mukhang manganganak na pusa diyan, Lance." Nagawa lang kantiyawan ni Jack ang kaibigan nitong humihigpit na ang pagkakahawak sa kamay niya dahil sa kaba. "No. Don't wanna. I want to see it at her in person," mahinang saad ni Lance. "Then so be it." Kasabay ng pagsabing iyon ni Jack ang pag-alis nito sa kahuli-hulihang benda na tumatakip sa bagong mukha niya. Nang tignan niya Sina Carrie, Asher, at Rowan sa harapan niya, nakanganga ang mga ito at nasa mga mata ang pagkamangha. Napangiti siya. Magandang indikasyon iyon na maganda ang ginawang operation ni Jack sa kanya. "Oh, my gods!" singhap naman ni CM na talagang tumayo pa sa harapan niya. "Hey, we're still looking at her!" Narinig niyang pagrereklamo ni Asher dahil natatakpan na siya GN katawan ni CM. "Lance, bakit nakapikit ka pa riyan?! Open your damn eyes and look at her, man!" utos ni Jack sa katabi niya. Agad naman siyang napalingon kay Lance at tama nga si Jack. Pikit na pikit si Lance na tila ayaw nitong makita ang bagong mukha niya. "Open your eyes! Open your eyes! Open your eyes!" Lance's friends chanted na ikinatawa ni Dria. Lalo namang dumiin ang pagkakapikit ni Lance na tila mas ayaw na nitong magmulat pa ng mga mata. Kinalabit si Dria ni CM at itinuro si Lance. Tila inuutusan siya ng doktor na siya ang mag-utos na buksan ni Lance ang mga mata para tuluyan na nitong makita ang bagong mukha niya. Tumango siya kay CM at saka muling bumaling kay Lance. "Lance," malambing niyang tawag dito. "Look at me... please?" Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niyang hawak nito at pagkatapos, nakita niya ang unti-unting pagmulat nito ng mga mata. Natawa pa siya nang makitang nanlaki ang mga iyon. At pagkatapos ay ang pamumuo ng luha sa mga ito. "Dria..." paos na tawag nito sa kanya. "Adi," pagtatama niya sa pangalan na itinawag nito sa kanya. "Adi... Dria... kahit anong mukha pa, mamahalin pa rin kita." Napasinghap silang lahat ng yakapin siya ni Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD