Chapter 14

2020 Words
Nasa gym si Dria nang umagang iyon limang buwan pagkatapos ng reconstructive surgery niya. Ngayon ang umpisa ng training niya sa martial arts courtesy of Asher na mananatili muna sa isla para turuan siyang idepensa ang sarili niya. Bukod kasi sa mga plano niya laban kina Samantha at Anton, nagpaplano rin ang magkakaibigan para matulungan siya at isa sa mga plano ng mga ito ay ang turuan siyang lumaban nang pisikal. At dahil si Asher daw ang pinakabasagulero sa grupo kaya ito ang natokang trainor niya. "Good morning, Adi! Ready for your first self-defense lesson?" masiglanf bati nito sa kanya nang pumasok na ito sa gym. Tulad niya ay naka-gym outfit din ito. "Yes. Handa na akong matuto kung paano mandurog ng mukha ng isang tao," excited niyang sagot dito nang makalapit na ito sa kanya. "I hope, hindi iyon ang mukha ko," pabiro itong umatras palayo sa kanya. "Kung hindi mo ako lalandiin, ligtas ka sa akin." Napahalakhak ito na umalingawngaw sa buong gym. "So you've heard of my charms, pretty girl," natatawa pa ring sabi nito sa kanya. Inikutan niya ito ng mga mata. Of course, nagkuwento na si CM sa kanya tungkol sa lalaking ito na pinakababaero raw sa magkakaibigan. Mas marami pa raw yata ang naging babae nito kesa sa dami ng buhok sa kili-kili nito mula nang matuto itong makipag-s*x. "I won't fall for your charms, Mister." "I know. I know," patango-tango na sagot nito. "Besides, hindi ko naman balak magpa-charming sa'yo. And even if you fall for me, hinding-hindi kita papatulan kahit gaano ka pa kaganda ngayon. Lance has already claimed you. Another isa pa, nakakatakot magalit ang future husband mo. Noong minsan na uminit ang ulo niya sa akin, alam mo bang halos isang buwan akong hindi makatayo sa kama ko sa ginawa niyang pambubugbog sa akin?" Hindi naniniwala na tumingin siya rito. Si Lance? Kayang manakit ng tao? "Don't be fooled by his good boy charms, Adi. Among all of us, siya ang pinakagrabeng manuntok. Yes, he may look at the good boy among us three, pero he can transform into the devil if he wants too. At ayokong mabugbog ulit ni Lancelot Segovia. So, shall we start?" Hindi pa rin naniniwala sa sinabi nito ngunit tumango na lang si Dria. Sa loob ng halos dalawang linggo, puro exercise ang pinagawa sa kanya ni Asher. Iyon daw ay upang masanay ang katawan niya sa biglaang paggalaw kapag mahaharap siya sa kapahamakan. Sa ikatlong linggo, mga simpleng self-defense na ang itinuturo nito sa kanya kasama ang dalawa sa mga bodyguards nito. Hell, yes. May bodyguards ang mokong. Nalaman kasi niya na politician pala ang ama nito sa isang bansa kaya talagang may kadikit si Asher na bodyguards saan man ito magpunta. Mabuti na lang at babae ang isa sa kanila kaya hindi nagingimi si Dria na hawakan ito o magpahawak dito sa tuwing nagtuturo si Asher ng mga defensive moves. Ang bodyguard din nitong si Mikki ang naging sparring partner niya. Isang araw habang katatapos lang nilang mag-drill para sa Krav Maga self-defense, lumapit si Asher sa kanya at may ibinulong. "Your future husband is gonna watch today, pretty girl. Parang hindi siya naniniwalang marami ka ang natutunan sa akin sa loob ng anim na buwan kaya iche-check niya kung kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo." "Will you stop calling him as my future husband? Nakakahiyang maririnig niyang iyon ang tawag mo sa kanya sa harapan ko," magkahalong inis at pakiusap niyang hiling dito. "Anong mali sa tawag ko sa kanya eh talaga namang magiging future husband mo siya? Bakit? Ayaw mo bang maging future wife niya? Gusto mo, ako na lang ang maging future husband mo?" tila batang pangangantiyaw nito sa kanya. "Tigilan mo ako sa kalandian mo, Asher. Baka gusto mong isumbong kita kay Lance?" pananakot ko sa kanya. "Fine, fine! Lance then. Sisilip siya Mamaya to check. Dapat magpakitang gilas ka or else, hindi niya ibibigay ang suweldo namin sa buwang ito." Natigilan si Dria sa ginagawang pag-uunat ng likod niya at napadiretso niya ng tayo paharap kay Asher. "Wait, what? Sinuswelduhan kayo ni Lance para turuan ako?" Natawa si Asher sa panggigilalas na nasa mukha niya. "Of course! Pretty girl, hindi libre ang pagtuturo ko sa'yo. I was trained professionally so dapat lang na sahuran niya hindi lang ako kundi ang dalawang bodyguards ko lalo na si Mikki na sumasalo sa pambubugbog mo. Nothing is free in this world, Adi." "Akala ko..." Hindi na niya magawang ituloy ang sasabihina niya dahil nabura ang ngiti sa mukha ni Asher nang makita ang pagkadismaya niya. "Adi, I'm sorry kung hindi ko nasabi sa'yo na pinapasuweldo kami ni Lance para turuan ka. Ang totoo, I could have given you my service for free because we're best friends pero siya ang nagpumilit na bigyan kami ng sahod. Para wala ng maraming usapan, tinatanggap ko na lang ang pera niya. Jack and CM do it too. Do you think they're doing things to you for free? As I've said earlier, kahit tanggihan namin ang pera niya, he will force us to accept them. Don't worry, kahit naman gaano kalaki ang sahod namin sa kanya buwan-buwan, hindi mauubos ang pera niya," seryosong sabi nito sa kanya. "That's not the point, Asher." "And what is the reason for your disappointment, Adi?" "It's because lalong lumalaki ang utang ko sa kanya. Mas lumalalim ang pagkakalubog ko sa kanya," pagpapaliwanag niya. "Bakit? Ni minsan ba, siningil ka na niya sa lahat ng inilabas niyang pera para sa'yo?" Natigilan si Dria bago umiling. "Kung natatakot ka na sisingilin ka niya balang-araw, forget your fear. He won't do that to you kahit na hindi ikaw ang magiging future wife niya. Lance just loves you so much that's why he's all out in helping you. You should fear us instead of him, you know." Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Asher. Nagkibit-balikat naman ito. "We are all witnesses when you broke his heart when you married that scumbag. Saksi rin kami kung paano muling nabasag ang puso niya sa mga pinagdaanan niya sa loob ng tatlong taon na nasa coma ka. We have never seen him so determined for revenge before pero para sa'yo, handa niyang isakripisyo ang lahat ng meron siya. Kaya naman umaasa kami na hindi mo na babasagin ang puso niya sa ikatlong pagkakataon, Adi. We have more ways that you could ever imagine in breaking not just your heart but your face in return. You wouldn't want us to be your enemy, Adi just like we wouldn't want to be yours. We are not forcing you to love him now, but we are hoping that you'll give him a chance after regaining everything that you've lost." Of course, Dria knows a warning when she hears one. "Hindi mo na ako kinakailangang pagbantaan, Asher. I just needed some closure bago ako magsimula ulit kasama si Lance." "So, you love him too?" Si Dria naman ang nagkibit-balikat sa kanya na nagpangiti nang matamis kay Asher. ... Hinigpitan ni Dria ang pagkakasakal niya sa leeg ni Mikki. "Yield, Mikki!" paimpit niyang sigaw sa katunggali. Pagod na siya at nananakit na ang mga muscles niya dahil halos 15 minutes na silang nags-sparring ni Mikki. Humihingal na lumingon siya sa gilid ng gym. Naroon sina Asher, si Ricky na bodyguard nito, at si Lance. Bukod sa tatlo ay naroroon din sina Jack at CM at pinanunuod sila. Nang sa wakas ay malakas na ipalo ni Mikki nang tatlong beses ang kamay nito sa sahig ng gym, Saka lang ito pinakawalan ni Dria. Hingal na hingal siyang napahiga sa sahig ng gym. Basang-basa siya sa pawis, nananakit ang mga muscles sa katawan na tila magkaka-cramp ang mga ito anumang oras, gustong-gusto na niyang tumayo at pumailalim sa malamig na shower dahil sa init na bumabalot sa buo niyang katawan ngunit alam niyang hindi pwede. Baka ikamatay niya iyon. Habang pinapakalma niya ang pagod niya, nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kinahihigaan niya. Una niyang nakita ang isang kamay sa harapan niya. Inabot niya iyon at hinayaan niyang hilain iyon ng taong tutulungan siyang bumangon. Nang makaupo na siya, ang nakangiting mukha ni Lance ang nasilayan niya. Nakikita niyang masaya at nakontento ito sa pakikipaglaban na ipinakita niya. "Congratulations. You won," ngiting-ngiti na bati nito sa kanya. Sinagot niya ang ngiti nito kahit humihingal pa rin siya. "I told you, I'm a good trainor," nagmamalaking boses ang pumukaw sa pansin nila kaya napalingon sila kay Asher na nakatayo sa likuran ni Lance. Nang makarinig siya ng pagpalakpak, napabaling siya sa direksiyon nina CM at Jack. Bakas sa mukha nila ang saya at pagmamalaki. "I can't believe you've beaten up Mikki. Magaling siyang bodyguard ni Asher pero natalo mo pa rin siya. Galing," bati ni Jack sa kanya. "Thank you," nasisiyahang pasasalamat niya rito. Tuluyan na siyang tumayo at saka tinulungan makatayo si Mikki na tulad niya ay hinihingal din ngunit nakangiti sa kanya. "You've done great, Adi," bati nito at inilahad ang kamay. Kaagad naman niyang inabot ang kamay nito. "Thank you for being patient with me, Mikki. I owe this all to you," pasasalamat niya rito. "Hey," nagrereklamong tawag ni Asher sa pansin nila. "You should be thanking me, too." Natatawang bumaling si Dria kay Asher at saka lumapit dito. "Thank you, Asher." Pagkatapos sabihin iyon at yumakap siya sa lalaki hanggang naramdaman niya ang bahagyang pagtulak nito sa balikat niya upang makabitaw siya rito. "Your thank you is enough. There's no need for you to hug me, you know." Lumilingon-lingon ito sa likuran niya habang may kaba sa mga mata nito. Lumuwang ang pagkakangiti ni Dria. Syempre, alam niya kung kanino ito kinakabahan. Nang bumaling nga siya sa likuran niya ay agad niyang nakita ang nakasimangot na mukha ni Lance. Nakatingin ito sa ibang direksiyon na tila ayaw nitong makita ang ginawa niyang pagyakap sa kaibigan nito. Nakangisi naman sina Jack at CM habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Lance. "Can you leave us?" walang boses na pakiusap niya sa mga ito. Lumingon din siya kay Asher at itinaboy ito sa pamamagitan ng kamay niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang ginawa niya ngunit nang makitang paalis na ang mga kaibigan ay umikot ang mga mata nito. Kinambatan nito si Mikki at tahimik silang sumunod kina CM at Jack na naglalakad na palabas ng gym. Nang mapansin naman ni Lance na paalis na ang mga kaibigan ay nagtataka itong lumingon sa kanya. "Dria..." sambit nito sa pangalan niya nang makitang naglalakad na siya papalapit dito. "Adi," pagtatama niya sa pangalang ginamit nito sa kanya. Napangiti ito bago sumagot. "Tayong dalawa na lang ang nandito. It's safe to call you Dria," nakangiting depensa nito. Tumango siya at muling ngumiti. "Lance, do you think I'm already ready to start the plan?" nakangiti niyang tanong. Nawala naman ang ngiti ni Lance ngunit buong kaseryosohang sumagot sa kanya. "I think you are, Adi." Sa wakas ay tinawag na siya nito sa pangalang gamit na niya ngayon. "Thank you, Lance. But I think I need one more month to learn something before we start," mahina niyang sambit. Diretsong nakatingin ang mga mata niya sa mga mata ni Lance. Gusto niyang makita kung paano magbabago ang reaksiyon nito sa susunod na sasabihin niya. "Ano iyon, Adi? Ano pa ang dapat mong matutunan para lubusan kang maging handa?" curious na tanong nito. Muli siyang humakbang papalapit kay Lance hanggang sa halos ukopahin na niya pati ang personal space nito. "That's how to seduce a guy," halos pabulong niyang sambit. Napangiti siya nang matamis nang magbago ang ekspresyon sa mukha ni Lance tulad ng inaasahan niya. Napalunok pa ito. "Uh, I can... I can hire some... someone to... teach you," pautal-utal nitong saad at napaatras pa nang ilapit niya ang katawan niya rito. Gusto nang humalakhak ni Dria sa nakikita niyang itsura nito na halos ninenerbiyos at pinagpapawisan na kahit hindi mainit ang temperatura sa loob ng gym. She smirked. "Actually, there's no need for you to hire someone, Lance. I just need someone to practice it with. And that will be... you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD