"What have you done?!" hiyaw niya kay Samantha na nakatayo sa harapan niya. Nang-uuyam ang ngiting nakabakas sa mga labi nito.
"Naniningil lang ako, Dria," nagmamalaking sagot nito sa kanya. "At Hindi lang Ang Mommy mo ang siningil ko sa kasalanan mo. Pati ang Daddy mo, siningil ko."
May tinignan itong direksiyon kaya napalingon din doon si Dria. At naroon ang kanyang ama, nakabulagta at bumubula rin ang bibig.
"Demonyo ka, Samantha! Wala kang kasing sama!" pagpapalahaw ni Dria at napahagulgol nang malakas habang yakap ang walang buhay na katawan ng ina.
"Madali lang, alam mo ba? Madali kong lang na nagawa iyan sa kanila dahil katulad mo rin silang uto-uto, Dria. Ang gusto ko sana ay pahirapan pa sila. Iyong maramdaman nila yung sakit at kahihiyang naranasan ko dahil sa'yo."
"Wala silang kasalanan sa'yo! Bakit idinamay mo sila?!"
"Wala?" Tumawa nang malakas si Samantha. "Meron, Dria! Malaki ang kasalanan nila! At alam mo kung ano iyon? Iyon ay dahil ikaw ang naging anak nila at hindi ako! Ako dapat ang anak nila! Ako dapat ang nagtatamasa ng lahat ng meron ka! Ako!" Parang nababaliw nang sigaw ni Samantha sa kanya.
"Baliw ka, Samantha! Demonyo ka!" Agad na binitawan ni Dria ang katawan ng ina at sinugod ni Samantha. Nagpambuno sila. Lakas ng nawalan ng mga magulang labas sa lakas ng taong tuluyan nang nabaliw. Sampal, sabunot, sipa. Lahat at ginawa ni Dria para lang mailabas ang galit niya. Gumanti man si Samantha ngunit hindi pinansin ni Dria ang mga sampal na tumama sa mukha niya hanggang...
Napaatras si Dria nang maramdaman ang paghapdi ng dibdib niya. May mainit at tila lasang dugo na bumulwak sa bibig niya. May isang bagay na tila nakapasok sa katawan niya. Nang yumuko siya, nakita niya ang hawakan ng apat na pulgadang kutsilyo na naroon. Ang buong talim nito ay nakapasok na sa dibdib niya.
Muli siyang napahakbang paatras sabay sa panghihina ng katawan niya. Hindi na niya nagawang makalayo pa dahil tuluyan nang bumagsak sa lupa ang katawan niya.
God, why? Why?! Akala ba niya ay mas masaya na ang magiging ikalawang buhay niya? Akala ba niya ay binigyan siya ng Diyos ng ikalawang pagkakataon para mabuhay siya ng mas mapayapa kapiling ang mga magulang niya? Bakit ganito? Bakit namatay na naman ang mga magulang niya? Bakit mamamatay na naman siya nang dahil kay Samantha?
Mabigat na mabigat na ang paghinga ni Dria. Hirap na hirap na siya sa paghugot sa paisa-isang hininga niya. Nanlalabo na rin ang mga mata niya dahil sa mga luhang dumadaloy sa mga ito. Papikit na sana siya nang tumambad sa harapan niya ang mukha ni Samantha. Walang ngiti sa mga labi nito ngunit nasa mga mata nito ang kawalan ng pagsisisi.
"Sa huli, talo pa rin kita, Dria. Ako pa rin ang panalo sa ating dalawa. Magiging akin pa rin ang lahat ng meron ka."
Hindi na nagawang sumagot ni Dria dahil naibuga na niya ang huli niyang hininga.
...
Malalakas na boses ang gumising sa diwa ni Dria nang bumalik ang malay niya. Buhay siya? Hindi siya namatay sa ginawang pananaksak ni Samantha sa dibdib niya?
"She's breathing! God, she's breathing again!"
"Damn, we almost lost her!"
"Lance, stop sobbing, damn it! Hook her on something!"
Nagdikit ang mga kilay ni Dria. Naiintindihan niya ang mga sinasabi ng mga boses na iyon but they sounded so foreign to her. Sa boses pa lang, tiyak niyang Hindi mga Filipino ang nagsasalitang iyon. And Lance? Binanggit nila ang pangalan ni Lance? Naririto ba siya? Ito ba ang nagligtas sa kanya mula sa kanya ni Samantha? Paano?
Gustuhin mang magmulat ng mga mata ni Dria ngunit napakabigat ng mga iyon na tila ilang taon siyang nakapikit. Sinubukan niyang galawin ang mga kamay niya ngunit hindi niya maigalaw ang mga iyon. Napakabigat ng lahat sa kanya at wala siyang nagawa kundi ang hayaan ang mga tao sa paligid niya na gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin sa katawan niya.
She can feel herself breathing again. God, she's still alive after all. How about her parents? Nailigtas din ba sila ni Lance. Patay na ang Mommy niya. Hindi na ito humihinga habang yakap niya. Sigurado siyang ganon din ang kalagayan ng Daddy niya. She died too pero heto at buhay siya ngayon kaya posible rin na buhay pa ang mga magulang niya. Gusto niyang magmulat ng mga mata. Itanong sa mga tao sa paligid niya kung nasaan ang mga magulang niya at kung buhay din ba ang mga ito ngunit wala siyang magawa kundi ang patuloy lang na huminga.
Matagal siyang inasikaso ng mga tao sa paligid niya. Nag-uusap ang mga ito at May mga sinasabing hindi naman niya halos naiintindihan. May mga inilagay ang mga ito sa magkabilang braso niya pati na sa ulo niya. Ramdam din niya ang hapdi ng pagpasok ng karayom sa kamay niya ngunit wala siyang boses para maiparating sa mga tao roon ang nararamdaman niya. Hanggang naramdaman niyang muli siyang hinihila ang antok. Pilit man niyang nilalabanan ito ngunit mas malakas ito sa kanya. Hindi na niya kayang labanan ito kaya sumuko na siya. Ngunit bago siya tuluyang mawalan ng malay, isang boses ang bumulong sa isang tenga niya.
"Welcome back, love."
...
Nang sumunod na magising si Dria, nagawa na niyang imulat ang mabibigat na takulap ng kanyang mga mata. Ang una niyang nasilayan ay ang puting-puti na kisame. May mga ilaw na naroon na para bang nasa loob siya ng operating room. Malamig ang buong silid ngunit hindi naman nakakanginig ang lamig na nararamdaman niya. Inilipat niya ang tingin sa ibang bahagi ng silid. Hindi. Wala siya sa isang operating room kundi nasa isang laboratory room siya. Nakapalibot din sa kanya ang samu’t saring kagamitan. Mga makinang may kumikislap-kislap na ilaw, mga tubong may likidong hindi niya alam kung gamot o pang-eksperimento, at mga wires na parang galamay ng teknolohiya. At kahit hindi pa niya nakikita, alam niyang nakakabit ang dulo ng mga ito sa katawan niya.
Nasaan ba siya? Nasaksak siya sa dibdib at kung naoperahan na siya kaya siya buhay ngayon, Hindi ba at dapat nasa ICU siya o sa isang hospital room. Oo nga at mukhang ICU ang paligid niya pero bakit sobrang dami naman ng mga makina sa buong silid na para bang hindi siya inoperahan kundi ginawang subject ng isang eksperimento.
Bumukas ang pintuan ng silid. Nakita niyang dalawang lalaki ang pumasok roon na nakasuot ng coat na pang-doktor. Nakinig siya sa pinag-uusapan ng mga ito habang naglalakad sila papalapit sa isang mesa at naupo roon para patuloy na mag-usap.
"Her vital signs are normal and she's breathing on her own for a week now so you don't need to worry anymore. All we need to do is to wait for her to finally gain her consciousness."
Gustong isigaw ni Dria sa dalawang lalaki na bumalik na ang malay niya ngunit mahapdi ang lalamunan niya.
"I'm still worried, Jack. We still don't know exactly what remained in her memory or if she lost it all."
Gusto ulit sumingit ni Dria sa usapan ng dalawa at sabihing naaalala pa rin niya ang lahat bago siya mamatay pero hindi pa rin siya makapagsalita.
"Why worry about that, man? If she totally lost her memory, then you can have her life restarted. You can tell her how you saved her life and make up stories about her past. It will be a blessing in disguise if that happens, you know?"
Huh? Bakit kailangang gumawa ng kuwento ang mga ito tungkol sa buhay niya bago siya nailigtas ng mga ito?
"And if she remembers?" tanong ng tinawag nitong Lance. Si Lance din ba ito ng ikalawang buhay niya? Pamilyar ang boses nito kaya Malaki ang chance na ito nga ang Lance na schoolmate niya at tumulong sa kanya noon.
"The answer to that question is quite obvious but it seems you needed to hear it out loud. Tell her how you've been stalking her for the past years and how you saved her from her husband and friend who shot her to death. Tell her how they stole her fortune and wealth. And tell her about..."
Ano raw? Hindi siya iniligtas ng Lance na iyon mula sa pananaksak ni Samantha sa kanya kundi sa pagbaril ni Anton sa kanya? Ibig bang sabihin, hindi talaga siya nagkaroon ng ikalawang buhay kundi nanatili siya sa una niyang buhay kung saan namatay sa take sa puso ang Mommy niya, pinakasalan ng Daddy niya si Samantha at namatay ito kinalaunan, naging asawa siya ni Anton, at pinatay siya nito kasama ang anak niya? Paanong... Bakit...?!
Nag-ingay ang mga machines sa paligid niya.
"What's happening?!" nagpa-panic ang boses na sigaw ng isang boses na nakilala niyang si Lance bago patakbong lumapit sa kinahihigaan niya ang dalawa.
Mulat na mulat ang mga mata ni Dria habang nararamdaman niyang nanginginig ang buong katawan niya.
"She's having a heart attack, Lance!" sigaw ni Jack.
"No! No! Do something! She cannot die! Dria! Dria! Please, don't die! Don't die! I've just got you back!" punung-puno ng takot ang boses ng taong kumakausap sa kanya na ramdama ni Dria ang kagustuhang pakalmahin ito ngunit nagsimula nang manigas ang buong katawan niya.
Naramdaman ni Dria ang isang mahabang karayom na tumusok sa dibdib niya at isang sandali pa ay tuluyan nang nagdilim ang paligid niya.