Padabog na isinirado ni Hayley ang pintuan ng kaniyang silid. Wala siyang pake kung magising niya man ang mga tao sa bahay at sa mga katabing bahay dahil umaga na rin naman. Unti-unti nang sumisikat ang araw sa labas. Pinagpatuloy niya ang kaniyang pag-iyak doon habang ang mukha niya’y nakalublob sa kaniyang unan. Kung maaari ayaw niyang marinig siya ng kaniyang tatay, ayaw niyang pag-alalahanin ito kahit gustong-gusto niya nang sumigaw ng pagkalakas-lakas dahil pakiramdam niya it will help to ease the pain, pero pinigilan niya iyon hangga’t maaarin. Bakit ko ba kasi hindi alam ‘yon! Akala ko syota lang. Asawa na pala! Inis siyang napasabunot sa sariling buhok. Naiinis siya sa sarili dahil ang tanga-tanga niya, nag-aaral naman sana siya. She was taught well about decision making pero bat

