Matapos ang araw na iyon ay akala ni Kier na iyon na ang una at panghuling beses na maliligaw roon ang babae upang hatiran siya ng pagkain pero nagkamali siya, dahil ilang araw pa lang ang lumipas when he was on his way to the site eh, malayo pa man siya ay pansin niya na ang isang babae na nakatayo roon sa labas ng construction site. Pamilyar na pamilyar sa kaniya ang tindig na iyon. May malaking ngiti sa mga labi ito at halatang may hinihintay. May hawak-hawak itong payong sa kabilang kamay habang sa kabila naman ay isang supot. He was hoping na nagkakamali lamang siya pero habang palapit na palapit siya ay mas nakikita niya ang mukha ng babae. Napalunok ng laway si Kier oras na marealize na si Hayley nga talaga iyon. Agad na inihinto niya ang sasakyan sa babae at nang mapansin ni Hayle

