Nakangiting ibinigay ni Hayley ang inuming alak kay Kier nang makalapit siya rito. Sobrang saya niya nang makita niya ang lalaki. Narito ba siya para sunduin ako? Sa bahay niya na ba ako tutuloy? Magsasama na ba kami? ani niya sa kaniyang isipan habang kinukunan ng alak ang lalaki. Mas napalaki pa ang kaniyang ngiti sa mga mukha ng maalala ang pagtanggol sa kaniya ng lalaki. Ilang beses niya nang gustong makita ang lalaki dahil maliban sa busy siya sa trabaho ay marami ding gawain sa paaralan na kailangan niyang tapusin. Tsaka these past few days ay hindi maganda ang pakiramdam niya. “Salamat naman at napapunta ka dito, Kier.” tawag niya sa lalaki na agad namang pinagkunutan ng noo ni Kier. Naninibago lang dahil hindi na Engineer ang tawag nito sa kaniya at kung bakit ganoon na lang ka

