“Kier?” ulit na sambit ni Fajrah na puno ng pagtataka nang makitang naroon ang asawa niya. Akala niya ay hindi ito tutuloy? Na may problema sa site? Nilapitan nila ito ni Lance. Kahit iyong mga ngiti sa mga labi ni Lance ay nawala lalo na nang makatanggap siya ng mainit na mga tingin mula sa engineer. “Good evening Engineer.” bati nito sa kaniya pagkatapos ay nilingon si Fajrah. “Mauna na ako, Faj. Salamat.” he said. Muli nitong nilingon si Kier kung saan nakatanggap lamang siya ng isang tango mula sa lalaki. Muli ay nginitian niya ang babae bago tuluyan ng umalis. “I thought hindi ka tutuloy?” tanong agad ni Fajrah na agad ding pinulupot ang kaniyang mga kamay sa bewang nang lalaki habang ang chin niya’y naka sandal sa dibdib ng lalaki at nakatingin sa taas, sa mukha nito. Hindi agad

