Hindi mapakali kinabukasan si Fajrah. Kakagising niya lang pero ang cellphone niya kaagad ang hinanap niya. Tiningnan niya kung nag text ba o tumawag na ba ang asawa niya sa kaniya pero ni isa ay wala man lang siyang natanggap mula rito kaya she tried to dial his phone pero unattended ito. Napakagat siya sa labi at napamura. Kinakabahan. “Fajrah ang aga-aga, nahihilo ako sayo! Tigilan mo nga ‘yan,” saway sa kaniya ni Gian. Pabalik-balik na naman kasi itong naglalakad sa harapan ng kaibigan. “Magrelax ka nga, paniguradong nalowbat lang ‘yon si Engineer.” “Hindi kasi… hindi kasi maganda ang kutob ko, parang may mali kasi,” umiling siya, “hindi ko alam pero hindi ako mapakali.” tsaka kagabi niya pa rin talaga nararamdaman iyon. Napabuga na lang si Gian nang nagpatuloy na naman ito sa pag

