“Sino ba kasi iyon Hayley? Kaibigan mo ba? Boyfriend?” Tanong muli ng madrasta niya sa kaniya sa naglalambing na tono na mas nagpapakulo lamang ng dugo ni Hayley. Inilagay niya sa hugasan ang basong ininuman niya bago bago siya humarap dito ng nakangiti na hinay-hinay na nagiging ngisi, tinaasan niya ito ng isang kilay. Araw-araw na lang talaga ay nakukunan iyong respeto niya para sa matanda. Kung hindi lang siya pinakiusapan ng tatay niya na umuwi, hindi n asana niya makikita ang pagmumukha ng madrasta niya. Kahit paano ay naaawa at nag-aalala pa naman siya sa kaniyang ama, kaya kahit alam niyang masasaktan at maiinis lang siya sa pamamahay na iyon ay bumalik pa rin siya for the sake of his father. Malaki din ang galit niya para sa ama but still, he is her father. Pinakita ni Hayley ang

