Chapter 1

1690 Words
The Calm Before The Storm What is that one thing you are most afraid of? The thing you feared the most out of all the scariest things in this world? I clearly remember the thing I wished for when I was still young. "Joji, malapit na ang birthday mo! Anong wish mo? Gusto mo ba ng barbie katulad nung kay Lailanie? Yung nadadamitan tapos nakukulot yung buhok!" Gabriela asked the eight year old me. Marahil kung isang normal na bata ang tatanungin ng ganito, isang matamis na oo ang isasagot sayo. But the eight year old me want a different thing. My eyes gracefully sweep the view of the rice field in front of us. The rays of the setting sun glittered making everything golden in my eyes. Tiningnan ko si Gabriela na hawak ang kaniyang teddy bear at masuyo itong sinusuklayan na tila ba mayroon itong mga buhok. Si Julyana naman ay nasa itaas ng puno ng bayabas at abala sa pagkain ng bunga nito. Gabriela is the softest among us three. She's the goody-giddy, the i-won't-break-the-rule type, ang pinaka-masunurin. Maybe because she don't want to be scolded by the sisters. I know how afraid she is when it comes to that. But our little marshmallow here is the brainiest among us. She excell very well in every aspect. Meanwhile, Julyana is the opposite of Gab. She's the bravest girl I know. Wise and fearless. Two months ago she went home with blood in her forehead. We asked her what happened but she never answered us. After days Gab and I heard the sisters talking about her saving a boy. And that's where she got her scar in her forehead. The dauntless, Julyana. I smiled at the view of my two friends, "I wish..." my mom and dad was still here. Hindi ko man maisatinig, alam kong alam ng Diyos ang hiling kong iyon. Ngunit hindi man ako maswerte sa mga magulang, masasabi kong maswerte naman ako sa mga kaibigan ko. At syempre, sa mga umaaruga sa akin ngayon. "I wish we will never be separated from each other until we grow old." Isang matamis na ngiti ang iginawad nilang dalawa sa akin. Ibinalik ko ang titig ko sa walang katapusang palayan. Isang mahinang tunog ang narinig ko mula sa pagtalon ni Julyana pababa sa sangang pinapatungan niya. Minsan napapaisip na rin ako kung may lahi ba itong ungoy oh ano pa man. Pumwesto siya sa pagitan namin ni Gabriela at iniangkla ang kanyang mga braso sa aming magkabilang balikat para sa isang yakap. "Alam mo George, ang hiling ko sana tumigil kana sa kaka-ingles mo dahil malapit ng mag dugo ang ilong ko," pabirong wika nito na siyang ikinahalakhak namin. Ang patawa-tawang si Gabriela ay napatigil ng napansin ang tuluyang paglubog ng araw. "Hala hapon na pala! Dalian nyo at bumalik na tayo sa Casa! Baka maabutan tayo ni Mother Superior niyan!" Dali daling iniligpit ni Gab ang karton na madalas naming inuupuan sa tuwing tumatambay kami rito sa itaas ng burol. As I grew older, my wish remained the same. Time passed by and I realized that it was not just a simple wish but a fear growing deep inside of me. The fear of being left alone is the biggest fear that I've developed. It's as if the accident of my parents planted a bean inside of me and now it grew bigger, with their roots holding up what I fear the most. While the fear grew inside me, I teach myself how to somehow fight it. Inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling darating ang panahong ito, ang bagay na naging pinaka-kinatatakutan ko higit pa sa kamatayan. But no matter how ready I am for this fear I've been pressuming, I never expected that the pain would be this much. It was my thirteenth birthday that day. Nagising ako sa ingay ng isang bagay. I opened my eyes and saw Julyana holding a pot and a stick while laughing. Gabriela is on the side of my bed, holding a small cake with a lighted candle on it while singing me a happy birthday. Napatawa ako sa out of tune na pagkanta ni Gab. Kailan pa naging ganito kahaba ang pagkanta ng happy birthday? "Oh wish na, Joji!" Masayang sabi ni Gab ng ilapit nya sa akin ang cake. I close my eyes, mumbled a little prayer instead of a wish and blew the fire out of the small candle. "Kaya pala hindi kayo nagrerecess na dalawa sa tuwing breaktime natin. Salamat sa pag aabala, July, Gab. I love you!" I hurriedly jump out of the bed and ran towards them for a hug. We where like that for a moment ng biglang padarag na bumukas ang pinto. Ang kaninang ingay namin ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Walking with her head as high as the ceiling is Lailanie with her friends. If she actually treat them as friends because as what I've been witnessing these past few years, they are more like her servants rather than friends. Lailanie is one year older than me. She's really pretty, kung titignan mo ito ay masasabi mong dalagang dalaga na talaga kung ikukumpara sa akin. She is known in our school because of her looks and well, her bullying skills. But what is physical appearance if you have this stinky attitude? "Kaya naman pala nasa hallway pa lamang ako ay nakakarindi na ang ingay," masungit na wika nito kasunod ng hagikgikan ng mga tagasunod nya. Naramdaman ko ang pagkilos ni Julyana at alam ko na ang mangyayari kaya hinawakan ko ang kanyang braso. "Wag na Julya," pagpipigil ko sa kanya. Julya being herself, alam kong hindi ito magpapatalo kay Lailanie. Para silang dalawang batong nag uumpugan sa tuwing nagtatagpo sila. Lailanie is one of those kikay girls na mahilig mang api sa mga kasama namin dito sa ampunan at kahit sa school. At yun naman ang pinaka-ayaw ni Julyana kaya malabo pa sa putik na magkakasundo ang dalawang ito. Napatingin siya sa cake na hawak ni Gabriela, inilayo naman nito agad ang kamay dahil sa takot na may masama itong gagawin. "Chill," natatawang wika nya habang nakataas ang mga kamay na tila ba sumusuko. "Birthday mo pala, George? Bakit hindi mo naman kami sinabihan? Sana nabilhan kita ng regalo, tutal ay huli mo naman na iyan." Kunot-noo ko siyang tiningnan dala ng pagtataka sa sinabi. Nagkibit lamang ito ng balikat at tumalikod akmang aalis na. "Pinapatawag ka ni Mother Agatha, bilisan mo daw." Pagkasabi niyon ay lumabas na sila sa kwarto. Ibinaba ni Gab ang hawak na cake at walang sali-salitang lumabas kami ng kwarto para tumalima. Inihatid nila ako sa tapat ng opisina at tinapik ang balikat bipang pagpapaalam. "Hihintayin ka namin sa garden," mahinang sabi ni Julyana. Nginitian nila ako at tinahak ang pasilyo patungong hardin. Kumatok ako sa may kalumaang pinto bago ito binuksan at kasabay ng kalabog ng pagsara nito ay ang walang humpay na pagkabog ng aking puso. Katulad ng may kalumaang pinto, mahihinuha mo kaagad na may katagalan na rin talaga ang ampunan na ito sa unang pasada pa lang ng nga mata ko sa may kalakihang silid. Ang may kalakihang mga bintana na gawa sa salamin at may barandilyang bakal ay nakabukas ng maluwang tama lamang upang pumasok ang liwanag mula sa nagsisimulang umaga. Tamang liwanag upang hindi na kailanganin pa ng liwanag mula sa isang may kaliitan ngunit eleganteng chandelier na gawa sa maliliit na kristal mula sa kisame. Ang ihip ng malamig na hangin ay tinatangay ang kulay gintong kurtina mula sa bintana, kung saan tanaw ang hardin na may malalabong na puti at pulang rosas. Ang mismong opisina ay mistulang isang silid aklatan dahil sa may kalakihang tatlong shelf iba't-ibang uri ng libro. Sa kabilang panig ay may mga cabinet na palagay ko'y mga papeles ang laman. Ang pader naman ay may mga picture frame na may mukha ng mga nagdaang superior at ang iba'y normal na larawan ng mga taong may kaugnayan dito sa ampunan simula sa mga nagdaang panahon hanggang ngayon. Sa gitna ng mga larawan ay may krus na palagay ko'y mas matanda pa ang edad sa akin. Ang silid ay may dalawang pinto, isa sa kanan at sa kaliwa na sa palagy ko ay patungo sa banyo at kwarto ni Mother Agatha. Sa gilid ng pinto patungong kwarto ay isang maliit na altar na puno ng mga sariwang rosas. "Magandang umaga, Georgina. Maligayang kaarawan sa iyo." Ang malamyos na tinig ni Mother Agatha ay nakapagpahinto sa aking mga mata mula sa pag ligid nito sa silid. Ang mga mata kong nagtatanong ay napadako sa kanyang ginagawang pagpalit ng mga sariwang rosas mula sa babasaging vase sa kanyang mesa. "Magandang umaga po," bati ko sa kanya gamit ang aking maliit na tinig. "Maupo ka, iha. May magandang balita ako sayo na tiyak na ikasasaya mo." Iginiya nya ako sa upuan katapat ng kanyang mesa. Ang galak ay bakas sa mukha niya, nakikita kong sinsero ito ngunit iba ang pakiramdam na ibinibigay nito sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan. Mahinahon na ang t***k ng puso ko dahil sa pagpipilit ko na kumalma. Ibinalik niya ang kaniyang focus sa pag aayos ng mga bulaklak sa vase. I didn't do anything wrong. Wala akong rason para kabahan ng ganito. Isang normal na araw lang ito, naniniwala akong walang problema dahil wala naman akong maalalang dahilan o nagawang kasalanan para ipatawag ako ng ganito ka aga sa opisina ng nakatataas. I can't hold this anymore. My mind is killing me out of curiosity and nervousness. I feel like a bomb that's ready to burst anytime. "Uhm Mother, may nagawa po ba akong mali?" There you go. Me and my curious self. Bahagya siyang napangiti sa tanong ko. "Wala iha, may mga paparating kasi akong bisita at nais ka nilang makilala." I stare at her because of her words. Her eyes seems so genuine and happy yet I can't get the feeling of happiness she wants me to feel too. "Actually, they want to adopt you Georgina." And from that moment, the thing I am most afraid of happened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD