“YOU should rest, Luisa. I can bring the food to the kids.” “I’ll rest… with the kids,” pamimilit ko. Nang makarating kami sa bahay, agad kong nilinis ang aking sarili at naghanda para sa pagpunta sa mga bata na sigurado akong naghihintay na sa dalampasigan, umaasa na darating ako. “Ang tigas talaga ng ulo…” bulong ni Alas pero nakarating pa rin sa pandinig ko. Nilingon ko siya at sinimangutan pero napailing lang siya at nagbuntong-hininga. Defeated, he nodded and gave his attention to Pancho who was busy eating his sundae ice cream on the table. “Are you going live tonight? I’ll be there. I need to clarify things with the public and set the record straight once and for all.” Alas talking to his younger brother made him appear cooler. Nag-angat ng isang kilay si Pancho at makahuluga

