Nag-isip muna ako bago ito sagutin. "Date ba kamo? Ito ba 'yong dahilan kaya ka pumunta rito? Mukhang pini-pressure ka ng mga pinsan mo." Namulsa siya at tumango. "Narinig mo naman siguro 'di ba? Why asking?" Tang1na, nagsusungit na naman. What if hindi ko na lang samahan 'to? Kakapang-init ng ulo, eh. "Eh 'di sige, maghanap ka ng ka-date. Suplado mo. Akala mo pogi." Padabog akong naglakad ngunit mabilis niya akong nahatak pabalik. Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa'kin. "Bakit? Hindi ba ako pogi? Ang arte mo." Pikon, eh. Mukhang magtatalo pa ata kami rito. "Anong pakialam mo kung maarte ako?" singhal ko sa kanya. Kahit ako maarte, eh 'di sige, maarte na kung maarte. "Maarte ka rin naman, ah! Makapagsalita ka! Porket nakita mo lang ako na gano'n kumain tapos—" bwesit, tinakpan

