“Good morning po,” bati niya kay nanang dala ang isang red ribbon na cake na hindi ko alam kung saan niya nakuha o nabili, eh malayo naman ang mall dito. “Gusto ko lang po ipagpaalam si Nadine.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang galang, ah. Pinilig ko ang ulo para tingnan siya. “Hello! Ako? Hindi mo babatiin?” kinaway ko pa ang kamay sa harap niya para mapansin niya at mabati pero nakatutok pa rin ang tingin nito kay nanang. He’s ignoring me, bwesit. Nagsisimula na namang uminit ang ulo sa kanya. Nilawakan ni nanang ang pagkakabukas sa pintuan habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin na tila naguguluhan. “Kaibigan mo anak?” takang tanong niya. “Si Janno lang kasi ang alam kong kaibigan mong lalaki.” Marahas akong umiling at ngumuso. “No, nanang. Hindi ko siya kilala.” Pagtan

