"Hey," hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Stephen. I was busy licking my ice cream dahil natutunaw na ito. Kumalat na nga 'yong iba sa kamay ko. "Tastes good para hindi mo'ko pansinin?" halatang irita na siya. Palihim akong ngumisi. "Oh, nandyan ka pala?" pang-aasar ko. "Masarap, eh." "Akala ko ba 'yong akin ang masarap?" naubo ako sa sinabi niya at sinamaan ito ng tingin. "Ayan, ganyan. Tumingin ka sa akin." This guy is a weirdo. Maya't-maya ang lamig kong makitungo tapos ngayon kumukulit. "Pati ba naman ice cream pinagseselosan mo?" binangga ko ang balikat niya. Umismid siya at lumayo sa akin ng konti. Ang arte. "Hindi ako nagseselos lalo na sa Gian na 'yon." Dito na ako naubo ng ilang ulit. Wala naman akong sinabi, ah! "Hindi ako gano'n. Hindi ako seloso." Pataas ng pataas an

