Simula

2145 Words
Nadine's POV "Nadine! Pupunta kaba o hindi?" singhal sa akin ng kaibigan ko. Nag-inat ako mula sa pagkakasubsob sa aking desk bago inangat ang tingin sa kanya. Kailan ba ako titigilan ni Ella kakasigaw? Bwesit! "Bakit ba? Natutulog iyong tao, eh. Alam mo bang napuyat ako kagabi kagagawa ng assignment mo? Tapos ito pa ang ibubungad mo sa akin?" inis kong sabi habang pumupungas. Inirapan lang ako ng gaga. "Ang galing." "Baka nakakalimutan mo iyong activity natin ngayon sa isang site? Hindi ka sasama? O eh 'di sige, maiwan ka na namin. Mag-isa kang ma-zero." Aalis na sana siya nang hatakin ko siya pabalik. Salubong ang kilay niya nang humarap sa akin. She even cross her arms while looking at me intently. Hindi ko alam na ngayon pala iyon. Mukha tuloy akong zombie na haharap sa mga engineer doon kung sakali. "Tutunganga ka na lang ba diyan? Kasi aalis na ako. Hinihintay na tayo sa labas, hello?" pagmamaldita pa niya. "Hindi ba gusto mong makakita ng engineer?" "Ano pang hinihintay natin? Tara na!" ako na mismo ang humila sa kanya palabas ng room. Tinakbo namin ang hallway hanggang sa makalabas na ng tuluyan sa field kung saan nakahilera ang mga bus na sasakyan. We stopped for a while dahil sa hiningal kami kakatakbo. Pareho kaming napaangat ng tingin ni Ella sa taong nasa harapan namin ngayon. Holy sh1t! Si Sir Dencio na hindi maipinta ang mukha. "Kayong dalawa, bakit late na naman kayo?" Mahinahon nitong tanong. Ooh, hindi ko gusto ang tono ng boses niya. "Nasaan si Bea?" "Ikaw kasi eh." Bulong na paninisi ng kaibigan ko. "Nakatulog po kasi ako, sir. I was not inform na ngayon pala iyong activity natin, akala ko po kasi sa isang araw pa iyon. Pasensiya na po." Paghingi ko ng paumanhin. "Hindi po makakapunta si Bea, may sakit po kasi." Paliwanag ko habang napapakamot ng buhok. Narinig kong bumuntong-hininga siya. Kinakabahan ako sa paraan ng paninitig niya sa akin. "Okay, sumakay na kayo ro'n bago pa masira mood ko sa inyong dalawa. Sa susunod na mali-late kayo, hindi ko na kayo pasasamahin. Naiintidihan niyo ba?" pagsusungit pa nito. "Opo sir!" sabay na sagot namin ni Ella at mabilis na tumungo sa kinaroroonan ng bus namin. I see that every strand has its own bus for this trip. Hindi naman kami STEM students pero ni-required kaming sumama na ABM students. Naunang umakyat si Ella ng bus saka naman ako sumunod. Sandali akong tumigil sa entrance. Mukhang nandito na lahat ng mga kaklase namin. Kami na lang talaga ang hinihintay. "Ella!" sigaw ko nang tumabi siya kay Neo. Nak ng tokwa. Akala ko kami ang magtatabi? Pinandilatan niya ako ng mata. "What? Maghanap ka ng tatabihan mo." Aba't traydor na kaibigan. Kung hindi ko lang alam na crush niya si Neo, kakaladkarin ko siya. Seninyasan niya ako na umalis na bago pa magising ang katabi nito. Nilibot ko ang tingin sa loob ng bus. Parang gusto ko na lang maupo sa sahig imbes na doon. Of all seats bakit iyon lang ang bakante? Bakit doon pa sa tabi niya? "Nakaupo na ba ang lahat—" nabitin ang sasabihin ng driver nang makita ako nitong nakatayo. "Hija, wala ka na bang maupuan?" kumibot ang labi niya na hindi ko nagustuhan. Hindi sa pagiging judgmental pero mukha talagang m4nyak ang ilan sa mga driver dito sa school. "Meron po." Dali-dali akong pumunta sa likod at tahimik na umupo sa tabi ni Janno. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi siya kumibo. That means okay lang sa kanya. "Who told you that you could sit here?" masungit niyang tanong na hindi ko na lang pinansin. Bakit sa'yo ba 'tong bus? Gusto ko na sanang isagot iyon sa kanya pero mas pinili kong manahimik na lang. Baka mag-away na naman kami. Palagi na lang kasi, nakakasawa na. He is my childhood neighbor and classmate, from elementary school until now. "Wala ng bakante kaya wala akong choice." Kaswal kong sagot at nag-iwas ng tingin. "Really?" nahihimigan kong gusto na naman niyang mang-asar. Kapal talaga ng mukha. "O gusto mo lang talaga ako makatabi?" sabi ko na nga ba. "O eh 'di sige isaksak mo sa baga mo iyang upuan!" nahigit ko ang hininga nang bigla nitong ilapit ang bibig sa leeg ko. Sinisinghot ba niya? "Anong problema mo?" naiinis kong tanong. Sinubukan kong umusog palayo sa kanya ngunit nanigas ako nang hapitin niya ang baywang ko. Ano kaya nilaklak nito? "Don't move." He commanded. "Bitawan mo ako." Matigas kong sabi. "Ayoko. Matulog ka na lang. Malayo pa ang biyahe natin." Anito. Nag-iwas ako ng tingin nang magtama ang mata namin. "Nadine, what's wrong with you? Bakit ba lagi kang umiiwas?" ito na naman siya, bwesit. Hindi ba siya makaramdam? "Come on, look at me. Huwag mong iiwas ang mga mata mo." Napapalunok akong tumingin sa kanya. "Now, what, Janno?" "Your eyes are still beautiful," he complimented. Bumaba ang tingin niya sa naka-awang kong bibig. "Close your mouth before I kiss it." Napapikit ako nang hipan nito ang mukha ko. Just what the h3ll Janno? "Saka ko na aangkinin iyan kapag wala ng tao." Binitawan niya ang baywang ko at humilig sa aking balikat. "Ayaw mo namang matulog 'di ba? Pahiram mo na 'tong balikat mo." Dagdag pa niya. Naningkit ang mata ko nang pagsiklupin niya ang mga dalaliri namin. "Janno may ubo ba ngayon ang utak mo?" "Oo, at ikaw iyong plema na bumara, hindi matanggal." Tumawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam kung maiinis ba ako matatawa na lang. But then, I ended up smiling secretly. Pinilit kong tanggalin ang pagkakasiklop ng mga daliri namin pero malakas siya para higpitan iyon lalo. "Just don't, Nadine. Hindi mo rin kayang tanggalin. Try to take it off while I'm asleep, you won't like what I'll do to you next." He threatened, making me swallow hard nervously. Napabuntong hininga na lamang ako na tumingin sa labas ng bintana. While I was looking outside, I couldn't help but rest my chin on his head, allowing me to inhale the scent of his hair. Hindi ko lang siya kapitbahay, kaklase kundi pinsan din kaya alam kong bawal. It's better to keep my feelings towards him. I fell asleep, not to mention our position. — "Hoy!" lumukot ang noo ko nang may tumapik sa pisngi ko. Asar. Gusto ko pang matulog, eh. Ganda ng panaginip ko, bwesit. Sira na tuloy. Wala na iyong hahalik na sana dapat sa'kin. I tried to sleep again para balikan iyong panaginip na naudlot kaso mukhang malabo na. Tinapik na naman ako, eh. I shrugged my shoulder. Tinabig ko ang kamay ng kung sinong gumagawa no'n. "Bakit ba? Inaantok pa ako, eh." Reklamo ko. Nagsumiksik pa ako sa kung saan. Gisingin niyo na lahat, huwag lang 'yong tulog, bwakenang—makakap4tay ako ng tao kapag masarap tulog ko. "Nandito na tayo, gaga. Iyong katabi mo iniwan kana." Si Ella lang pala. Akala ko pa naman— wait what? Mas lalong lumukot ang noo ko. Iyong katabi ko? Ah, malamang umalis na 'yon. Alangan naman sa hintayin niya ako. Malabong mangyari 'yon. Nagmulat ako at napangiwi nang mauntog ako sa bintana. Nice, ang ganda ng bungad. Sinamaan ko ng tingin si Ella nang marinig kong ang mahina nitong tawa. Iyan, dyan siya—sila magaling ni Bea, ang pagtawanan ako. I don't know if we will be able to enjoy this trip without her although one day lang naman 'to. Isinama lang ata kami rito para magmukhang marami ang STEM. Literal na display. "Sakit ng leeg ko." Hinilot ko 'yon pero mas sumakit. "May dala ka bang haplas, El?" "Waley. Iyon nga naiwan ko." Sagot nito. I think I have a stiff neck. I can't turn my head properly. Parang hinayaan lang ako ng gag0ng 'yon. Walang puso. Ay, may puso pa ba? "Tara na? Baka pagalitan na naman tayo ni sir, eh." Aniya saka naunang bumaba. Kinuha ko ang mga gamit nang mapansin ko ang note sa ibabaw ng zipper ng bag ko. Paniguradong galing 'to kay Janno. Siya lang naman iyong katabi ko. Saka ko pa lang binasa iyong note no'ng tuluyan na akong makababa. As I unfold it, sandaling umawang ang bibig ko habang palaki ng palaki ang mata sa binabasa. Like what the fudge? Bwesit na 'yon! He took advantage of me while I was asleep?! "I told you not to open your mouth but you did. So, I kiss your lower lip. It's tempting you know." At nag-iwan pa talaga siya ng smile emoticon. Nang-aasar ba 'to? Salubong ang kilay kong nilukot 'yon at ibinulsa. Hindi ako naniniwalang hinalikan niya ako. Nang-aasar lang siya. Cousins don't kiss, bwesit siya. "Oh, bakit parang sasabog ka na dyan? Namumutla ka, girl. Ikalma mo at baka umusok. I saw you, what's with the note? Inasar ka na naman ba ng magaling mong pinsan?" lumapit siya sa akin. "Siguro kung hindi kayo magpinsan, pagkakamalan ko talaga kayong may something—some sort of chemistry." Dagdag pa niya habang sinusuri ang bagong design na kuko. "Heh! Chemistry mo mukha mo!" singhal ko sa kanya. "Saan na kaya ang gag0ng 'yon?" inilibot ko ang mata sa paligid at namataan siya na nag-iikot-ikot sa mga nagtaasang gusali. "Babawian mo? Ano ba kasing nakasulat doon sa note? Curious ako, ha! Nilawayan mo ba?" humagikgik siya na inirapan ko. "Nilawayan daw! Hoy! Hindi ako gano'n 'no! Huwag mo'kong itulad sa'yo na palaging gumagawa ng mapa!" tiim-bagang na sambit ko. Siya naman ngayon ang umirap. Oh, real talk ka sa akin. Natahimik ang gaga. "Sabi sa sulat, hinalikan niya ako." Halos lumawa ang mata niyang inilapit ang mukha sa akin. "Wait, what? Gawain ba ng magpinsan 'yon? That's ano ha, bawal, Nadz. Remember, magpinsan kayo." Paalala pa niya. As if namang nakakalimutan ko. "Alam ko, Ella. Saka baka inaasar lang niya ako." Saad ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalake sa 'di kalayuan. "Ayon oh, naglilibot-libot na sa lugar." Nginuso ni Ella ang isang gusali na puno ng mga materyalis. "Akala mo STEM, eh." Naka-ismid pa niyang sabi. "Bida-bida talaga." I can't take my eyes off him. He stood proudly in front of the building na malapit ng matapos, snapping pictures of every structure nearby. Umaalon ang buhok niya sa lambot pagkatapos ay sinusuklay gamit ang mga daliri. I can't deny it—his posture is just so handsome. Lumukot ang mukha ko nang sandaling tumingin siya sa gawi ko. Halos tumaas lahat ng dugo ko sa mukha nang bumuka ang bibig niya sa paraang hindi ko nagustuhan. "I like it," he mouthed at me, smirking. "Isa pa?" "Gagô ka, Janno!" I shouted at the top of my lungs. Susugurin ko na sana siya nang biglang hawakan ni Ella ang kamay ko na nakapagpatigil sa akin. Ano naman kaya ang problema ng babae'ng ito at tulala? "A-Ang gwapo niya, Nadz." Tila lutang na saad ni Ella habang nakatutok ang mga mata sa ibang direksyon. Umihip ang malakas na hangin at tinangay ang ilang hibla ng aking buhok. Slowly, I turned my back to see who she was staring at. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kumabog ang dibdib ko pagkakita sa lalake. [Play the song “Ikaw At Ako” by TJ Monteverde] He was happily strumming his guitar. May mga nakahilerang bata sa harap niya habang nakaupo siya sa ikalawang pangkat ng hagdanan ng fountain na mahina ang bulwak ng tubig. We were close enough to them that I could hear his voice clearly, and it was beautiful. Sa ganda ng boses niya, parang inaalo niya ako. He has a soft, cold voice, pero ang lambing. Tila may sariling pag-iisip ang mga paa ko at naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Hindi ko pinansin si Ella na tinatawag ang pangalan ko. Dalang-dala ako sa boses niya at hinding-hindi ako magsasawang purihin siya. It was as if he cast a spell on me. Umangat ang tingin sa'kin ng lalake nang tumigil ako sa likod ng mga bata. Pakiramdam ko tumigil ang paligid at kami na lang ang natira. Habang patagal ng patagal, palakas ng palakas ang tahip ng dibdib ko. "Nadine! Tawag ka ni sir!" napapikit ako ng mariin. Malapit na talaga akong makapat4y ng tao, bwesit ka, Janno! Isa kang malaking epal sa buhay ko! Nahigit ko ang hininga nang may humatak sa akin palayo sa lugar na 'yon. "I like your voice." I mouthed to the guy who's staring at me right now. "I'm Nadine." Sandali siyang tumigil sa paggigitara. His eyes were cold but d4mn, masarap—I mean gwapo talaga. "Stephen." He mouthed back at me. Medyo salubong ang makapal niyang kilay at nakakunot din ang noo pero gwapo pa rin. So, his name is Stephen huh? Cool. Magkikita pa ba ulit kami? Kahit papalayo na ako sa kanila, hindi ko pa rin magawang ilihis ang titig dito. "You can't like him, Nadine..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD