KABANATA TRENTA’Y CINCO Ibinagsak niya ang hawak niyang ballpen nang muling marinig na naman niya ang malanding tawa ni Lia. Parang wala yata itong balak umuwi, mag-aalas diyes na ngunit ang ganda parin ng upo nito. “Oh my God, Russell, ang galing mo talaga! I’m so thankful that you’re my groupmate.” Pagpaparining nito sa kanya. “Nagugutom ka ba? Puwede akong mag-order ng pagkain natin,” dagdag pa nito. Isinara niya ang laptop at tumayo. Hindi na siya makakapag-focus sa ginagawa niya kung puro boses ni Lia ang naririnig niya. “Puwede bang makigamit ng kuwarto mo? Hindi ako makapag-concentrate sa sobrang ingay,” saad niya kay Russell. “Sure, sabihan na lang kita kapag tapos na kami dito,” wika ni Russell. “What? Hahayaan mo siyang pumasok sa kuwarto mo?” hindi makapa

