CHAPTER 21 ILANG ARAW ang lumipas nang matapos ang lahat ng pag-uusap namin ni Gav. Alam kong hindi madali ang lahat ngunit sa tuwing napasok ako sa school at nakikita ko siya ay tila nasasaktan pa rin ako ngunit nagbago ang lahat. “Mom, papasok na ako.” saka ako ngumiti sa kanya at agad naman niya akong hinalikan sa pisngi. “It’s okay sweetie, everything will be alright. Maybe now he can’t see you as the one.” tila pang lalakas ng loob ni mommy sa’kin ngunit agad lamang akong ngumiti dahil alam kong alam niya na hanggang ngayon si Gav pa rin at wala nang iba. “Mom, please stop.” saka ako ngumiti ng tipid sa kanya. “Did you know, why I became your father’s wife after all?” kagat-kagat ko ang aking labi at saka humindi dahil hindi ko naman talaga kung bakit. Walang kwento nila noon ang

