Chpater 32 NAWALA ang ngiti sa'king mukha ng sabihin niya iyon, tila parang hindi pa rin ako makaniwala kahit alam ko naman ang totoo. At alam ko naman kung sino talaga ang mahal niya. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Hindi naman kasi ako ang gusto niya. "Ano'ng nangyayari dito?" tanong ni Den nang makarating ito at pumunta sa gilid ni Shone at siya namang inakbayan nito. "Parang may seremonya dito ah!" dagdag niya pa at saka ito tumawa. Napatingin naman ito sa'kin at tinignan ang katabi ko. Marahin niya ring tinignan si Shone na ngayon ay umiwas lamang ng tingin kay Den. "Oh! Mukhang alam ko na," tango-tango pa ni Den saka naman narinig ko ang boses ni Vessai na sumisigaw sa habang papunta sa gawi ko. "Wens! Kaloka! Oy! Hello.." nang makita niya kung sino ay katabi ni Gav saka naman s

