CHAPTER 18 HINDI ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin na tila hindi ko na rin maisip kung saan pa ba ako pupunta. Namumuo ang mga luha saking mga mata, puso ko’y tila parang durog na durong na. Sa 8 years na laging ikaw ang inuuna ko, hindi ako ang nag-wagi sa puso mo. Simula Grade 7 hanggang ngayon 2nd year college na tayo. Ikaw pa rin at hindi ako nagbago, hindi ako naghanap ng iba. Hindi ako nagmahal ng iba kasi ang sabi mo sa’kin 8 years ago ay mahal mo ko. Kahit mga bata pa tayo non ay dinala ko pa rin hanggang ngayon. “Wensy!” rinig kong sigaw ni Vessai habang natakbo pa rin ako palabas ng field. “Wens..” nang maabutan niya na kaagad naman siyang humarap sa’kin. Nakangiti akong tumingin sa kanya. Alam ko ang naiisip mo. “’Wag mo ko kaawaan, please..” saka ako umiyak muli,

