CHAPTER 14 KINABUKASAN ay mabilis tila wala pa rin akong ganang pumasok ng school. Namumugto ang aking mga mata na tila walang gana, pagod na pagod akong umiyak kagabi ngunit anong magagawa ko? Iyon lang naman ang magagawa ko. Ang umiyak dahil wala akong laban sa bwesit na yon. Kung noon ay nauuna ako sa school para makulit siya at makita ay ngayon ay halos ma-late ako ng isang subject ngunit hindi pa rin ako naalis sa sasakyan ko. Ayokong lumabas sa kotse ko at ayokong pumasok. Mariin kong tinignan ang sasakyan ni Gav na ngayon ay nasa kabilang linya na nakaparada. Agad kong iniwas ang tingin ko roon at humilig ulit sa manubela ng sasakyan. Ilang tawag ang narinig ko mula kay Vessai at agad ko namang sinagot iyon dahil imbis na gusto kong mapag-isa ay ang ingay ng cellphone ko kaya a

