Chapter 25 NALULUNGKOT man akong tignan si Sai habang naiyak siya ngayon sa aking tabi. Kahit sabihin ko mang tama na at huwag na siyang umiyak ay hindi ko magawa dahil alam ko ang pakiramdam ng feeling na iyon. "Bakit hindi mo na kaya sabihin sa kanya, Sai?" tanong ko sa kanya at siya naman itong tumingin sa'kin habang sumisinghot sa kanyang ilong. "Sira ulo ka 'ba? Alam mo 'nang may girl friend na siya." nakakunot ang kanyang noo habang sinasabi niya iyon sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya pa sabihin kahit hindi na rin naman na siya mapapansin ng pagmamahal dahil nga may girl friend na si Den. "Sabi ni Mommy sa'kin, wala lang daw tayo sa perfect time." gusto kong sabihin sa kanya ang sinabi ni mommy sa'kin dahil iyon lamang ang nag-pagaan ng loob ko noong mga araw n

