CHAPTER 23 SERYOSO akong gagawin ko itong plano na ito habang nakatingin ako kay Vessai na ngayon ay nakatingin lang din sa’kin. Hindi ko hahayaang masaktan si Gav ni Madelline. Tama nang ako na lang ang masakatn huwag lang siya. “Ano naman ang gagawin mo?” tanong niya sa’kin. “Wala na tayong oras, Sai. Kailangan na nating kumilos.” hindi ko hahayaang may makasakit kay Gav dahil daraan muna sila sa’kin bago nila mahawakan si Gav. “Sabihin mo sa’kin ang gagawin mo para matulungan kita.” ngunit tinignan ko lamang si Sai. “Sai, sabihin mo muna ‘to kay Den at Jacob at ipaliwanag mo sa kanila. Bukas gagawin ko ang nararapat sa babaeng ‘yon.” napalunok naman siya dahil seryoso ako sa gagawin ko sa kanya. “Hindi ko mapapatawad ang babaeng ‘yon.” ilang saglit pa ang nakalipas ng bumalik kami

