“Stop that hindi yan tatabla sakin” pag pigil nito kaya napa nguso nalang ako‚ hindi nga ako marunong humawak ng kalabaw pag araro pa kaya.
“mag aararo ako dyan eh ang init-init‚ tapos ganito pa ang suot ko” maarteng sambit ko‚ madudumihan at iitim ang makinis at Maputi kong kutis dahil sa sobrang tirik ng araw.
“sino ba kasing nag sabi na mag suot ka ng short at croptop?‚ remember your here in the farm wala ka sa manila para mag suot ng ganyan” pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa dahil sa suot ko‚ naka nguso naman akong naka tingin sakanya.
“uwi lang ako saglit sa mansion tapos bibihis ako” paalam ko sakanya.
“No kailangan mo nang mag simula anong oras kana naman makakabalik” pagpigil nito.
“pero kuya jacob” pag protesta ko
“No more buts Ricca jane‚ kung gusto mong maka alis na dito sa probinsya kailangan mong sundin lahat ng sasabihin ko” naantig naman ang tainga ko dahil sa sinabi niya.
“talaga makaka balik na ako sa manila pag sinunod ko lahat ng iuutos mo?” naka ngiting tanong ko sakanya‚ napatango tango naman ito.
“Yes!” masayang sambit ko.
“kaya simulan mo nang mag araro” naka ngising sambit nito‚ at mabilis na tumalikod at nag lakad papalayo sa pwesto ko.
haystt grabi naman ang consequences ko‚ how can i do this.
lihim akong napapa ngiti habang pinagmamasdan siyang hirap na hirap na humawak ng araro at kalabaw‚ sinabihan ko ang mga tauhan ko na wag siyang tutulungan‚ Her Dad requested na ipagawa sakanya ang mga dapat na gawin dito sa farm‚ mapa lalaking mga gawain ay dapat na ituro sakanya‚ hindi ko rin alam kung ano ang rason ni Tito kung bakit nila pinadala dito ang anak niya‚ basta ang sabi niya mas safe dito si ricca, sinabi niya rin na wala dapat maka alam na isa siyang Wilson kailangan rin na matuto ito sa lahat ng gawain‚ hindi na ako nag tanong pa dahil parents knows best for their children kagaya nalang din ng mga magulang ko‚ mas pinili nilang manirahan sa canada para mapa lago lalo ang kompanya‚ ang farm na ito ay para talaga sa’min ni ricca ipinundar ito ng mga magulang namin‚ pero mas gusto ni Tito romualdo na ako ang mamahala at turuan ang anak niya.
“AHH!” malakas na sigaw ni jane ng matumba ito. nandito ako sa may malaking puno para hindi niya ako makita‚ naiinis itong tumayo at pinahid ang putik sa likod niya‚ humawak ito sa mukha niya dahil natatakpan ito ng buhok niya.
“pftt!” pigil tawa ko dahil naputikan ang mukha nito.
“KUYA JACOB NAKAKA INIS KA” galit na sigaw nito na ikinatawa ng mga trabahador‚ sobrang putik na ng damit na suot niya natatakpan na rin ang Maputi nitong kutis‚ that’s her consequences for disobeying my rules bilin na bilin ni Tito na wag siyang palalabasin ng mansion o papa puntuhin sa bar but she really disobey me‚ she's a spoiled brat kailangan lahat ng gusto at maisipan niya ay gagawin niya o kaya dapat masunod‚ ngayon tignan ko nalang kung masunod pa ang gusto niya.
Hinawakan ulit nito ang tali ng kalabaw‚ hirap na hirap ito habang hawak ang araro dahil mabigat ito‚ kita ko sa mukha niya ang inis at the same time pagod.
“Aray!” sigaw ulit nito ng matumba siya.
Mas lalo akong napatawa ng tumakbo ang kalabaw dahil sa lakas ng sigaw niya.
“Miss ricca okay lang po ba kayo?” napataas ang kilay ko ng lumapit sakanya ang isang trabahador na si kuya patrick at tinulungan itong tumayo.
“Oo kuya okay lang ako‚ sandali yung kalabaw” tumakbo ito at hinabol nito ang kalabaw‚ ng mahabol nito ang kalabaw ay sakto naman na huminto ito‚ napa ngiti itong lumapit sa kalabaw pero bigla ulit tumakbo ang kalabaw‚ napa hawak nalang ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ko.
“OMG kuya patrick help me to catch this f*cking carabao” pag hingi ng tulong nito kay kuya patrick na kaagad rin na lumapit sakanya, sabay nilang sinundan ang kalabaw.
“jacob bakit ka tumatawa ng mag isa dyan?” nahinto ako sa pag tawa dahil sa biglaang pag sulpot ni kent my best friend isa rin siyang business man he owned a hotel in our community.
“what are you doing here?” tanong ko sakanya at hindi sinagot ang tanong niya.
“why is it bad to visit my best friends?”he teasingly asked.
“Tsk! Kailan kapa naka balik?” naiiling na tanong ko sakanya galing kasi siyang business trip at Isang buwan siya doon.
“Hmmm yesterday?” Patanong na sagot nito.
“HOY F*CKING KALABAW KANINA MO PA KAMI PINAPAHIRAPAN HA” natuon ang atensyon namin sa pag sigaw ni jane habol habol parin nila ang kalabaw.
Natawa naman ako dahil sa itsura nila dahil pati na rin si Kuya patrick ay puno na nang putik.
“Oii who is she pre?” tanong nito pero hindi ito naka tingin sakin kundi kay jane‚ naka ngiti ito habang pinagmamasdan si ricca.
“Tsk! ke–” natigil ako dahil naalala ko ang sinabi ni Tito romualdo na walang dapat na maka alam isa siyang wilson ” Bagong Trabahador ko” tanging nasambit ko
“to be fair maganda siya kahit puno ng putik‚ what’s her name?” interesadong tanong nito na ikinailing ko.
“akala ko ba ako ang bibisitahin mo? pero mas Mukha yatang interesado ka sa trabahador ko” kunwaring nagtatampo na wika ko.
Natatawa naman itong humarap sakin.
“of course I miss my f*cking kalabaw‚ Este my best friends ” natatawang sabi nito kaya‚ sinikmuraan ko siya.
“aray naman pre” tila kunwaring nasasaktan na sabi nito'.
“Tsk!” tanging sambit ko at tinalikuran ito.
“haha sorry na pre love you ” natatawang sambit nito at sumunod sakin.
“pre ano nga kasi pangalan ng bago mong trabahador? ‚ sa ganda ba naman niya trabahador lang pwede siya sa hotel ko” umakbay ito sakin‚ kaya siniko ko siya naiinis ako sakanya ngayon.
“ikaw pre ah nakaka dalawa kana” pag reklamo nito patuloy lang ako sa paglalakad habang siya naman ay sinasabayan ako‚ salita lang siya ng salita pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya....
RICCA JANE POV
“HOO!” tanging bulalas ko at pinunasan ang pawis sa noo ko‚ umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa labas ng mansion.
kararating ko lang galing palayan‚ sobrang sakit ng kamay‚ paa at buong katawan ko dahil sa pinagawa sakin ni kuya jacob.
idagdag pa ang pag habol namin ni kuya patrick sa kalabaw na yon mabuti nalang at tinulungan ako ni kuya patrick.
“Oh miss ricca anong nangyari sayo?” tanong ni ate tin kalalabas lang nito may dala itong