27. -- "Pero ate, hindi naman kami sigurado do'n," agad pang bawi ni Elisha. Walang emosyon akong napatingin sa kanya. "Paano mo naman nasabing may ibang babae ang asawa ko?" tanong ko. "Cresh..." si Betty. "Hindi naman kami sigurado ate. May nakita kasi kaming picture kanina—" "Anong picture?" "Guys, kumain muna tayo." Agad akong naglipat ng tingin kay Kreamy nang sabihin niya 'yon. "Dude, sa tingin mo makakakain ako ng maayos, gayung inaakusahan niyo ang asawa ko na may kabit?" medyo may pagtataas na ng boses na sabi ko. "Hindi naman kasi sigurado 'yon, Cresh. Kumalma ka muna, please." "Kalma?" Napapikit ako't marahas na napabuga ng hangin. Ang hirap kumalma sa ganitong sitwasyon. "Dude, paano akong kakalma? Elisha, patingin ako no'ng picture na sinasabi mo." Agad namang lumi

