33. -- "Mag isa ka." Agad akong nag angat ng tingin kay Luhan sabay tago sa cellphone ko na may larawan naming dalawa kasama si Baby Cede nang marinig ko ang boses niya. Tipid akong ngumiti sa kanya bago ko sandaling ninakawan ng tingin ang mga kaibigan ko. "Busy sina Kreamy at Betty, e," tugon ko sa tanong niya. Lumabi siya saka marahang tumango. Nilingon niya pa ang mga kaibigan namin na abala sa pag uusap bago siya umupo sa upuang kaharap ko. Agad naman akong napaayos ng upo, nababalisa. "Kumusta ka na?" tanong niya. Napainom ako ng tubig. "Pumayat ka," dagdag niya. Muli akong tipid na ngumiti sa kanya. "Bakit ka nandito?" Nagpalinga-linga ako, umaaktong may hinahanap. "Nasa'n ang kasama mo?" "Ah! Si Thalia? Nauna ng umalis," aniya nang hindi inaalis ang titig sa akin. Tumang

