19. -- We've got so much gifts from our primary sponsors, friends and families. Kaya naman kinabukasan no'ng kasal ay iyon ang pinagkaabalahan naming buksan ni Luhan. Mabuti na lang din at maagang bumisita ang mga kaibigan namin kaya may katulong kaming magbukas ng gifts. "Rice cookeeeer!" sigaw ni Kreamy. "Yay! Panalo ako!" Napatingin kaming lahat sa kanya nang tumalon-talon pa siya habang bitbit ang rice cooker. May laro kasi sila na kung sino ang makapagbukas no'ng regalong may lamang gamit na binanggit ay ang siyang mananalo. "Madaya ka naman Kreamy, eh! Kinakapa mo muna ng maigi bago mo binubuksan!" reklamo naman ni Kalik. "Ha!" singhal ni Kreamy. "Ang sabihin mo! Hindi ka lang talaga maswerte kaya kahit isang panalo ay wala ka!" tugon naman ni Kreamy, nang-iinis. Sa aming anim

