Nakaharap ako ngayon sa salamin just watching my reflection. Napakalayo ng itsura ko kay mommy and daddy, pati na ng kay kuya. They are all a beautiful creature, tapos ako heto isang mataba at pangit na nilalang.
Iyong mukha ko tadtad ng tigyawat, malaki 'yong mata ko pero mas pinalaki pa ng suot ko na glasses, 'yong ilong naman matangos, namana ko kay daddy pero hindi naman ma highlight kasi mas malaki pa 'yong pisnge ko sa sobrang taba, 'yong labi maliit na mas pinaliit pa dahil sa mataba na pisngi. Ang buhok ko ay hanggang leeg na mas lalong nagpapataba sa itsura ko. Kahit saang banda sa katawan ko ay walang kaaya-aya. Minsan nga natanong ko sila mommy kung ampon ba ako kasi sa angkan ng Estrella-Gil ako lang talaga ang pangit.
At fouteen, I am already seventysix kilograms, kaya halos pumutok na ang uniform ko. Iyong palda ay above the knee checkered na may combination na white, yellow at dominant na black. Ang blouse naman ay long sleeve na may necktie na kakulay ng palda.
Umikot ako para tingnan ang likuran na bahagi. Ang awkward, sa taba ko, tumambok din 'yong pwet ko, medyo umangat tuloy ang skirt. Minabuti ko nalang na mag lagay ng jacket na itinali sa bewang ko. Hindi naman na kailangan na mag medyas kaya footsock lang ang suot ko at itim na sapatos.
Bumaba naman ako para makapasok na sa paaralan. Tapos na akong kumain, bumalik lang talaga ako sa kwarto para kunin ang bag ko. Si mommy at daddy ang mag hahatid sa akin sa paaralan ngayon.
Ang mommy ko ay isang sikat na supermodel at ang daddy ko naman ay isang businessman, mayroon siyang foundation. Dad founded a school but, hindi ako doon nag-aaral. Mayroon rin kaming hospital na probably mamanahin ni kuya.
My brother is currently in college, studying medicine. Ako naman ay nasa 3rd year high school balak ko namang kumuha ng Business Management pagdating ko ng college.
“Sol tara na," tawag sa akin ni mommy na nasa pintuan. Nagmadali naman ako sa pagbaba sa hagdan. Nang malapit na ako ay nginitian ako ni mommy saka inakbayan, 'yong klase ng akbay na ginagawa ng magulang sa kanilang anak, 'yong hawak ka sa balikat, ganon.
Suot ni mommy ay isang dress na kulay blue and she partnered it with a blue stiletto. Hawak niya naman sa kanang kamay ay ang isang blue na handbag. Nasa loob na ng kotse si daddy, bumusina siya nang makita niya kami na papalapit.
“Ang Ganda ng anak ko huh,” pambobola ni daddy nang maupo ako sa backseat si mommy naman ay pumasok na sa passenger seat.
Nginitian ko lang si daddy, kung noon ay naniniwala ako kapag tinawatag niya akong maganda ngayon ay hindi na.
“Sol, bumisita na kaya tayo kay Doctora Amanda. Magpaderma ka,” suhestiyon ni Mommy.
Tinatahak na namin ngayon ang daan palabas ng gate.
“Huwag na Mom," sabi ko naman.
Mas lalo kong nararamdaman na pangit ako kapag nagpakunsulta ako sa isang dermatologist.
“Eh kung palitan na kaya natin 'yang glasses mo ng contacts Sol?” this time si daddy naman.
“Ayoko dad hindi ako sanay sa contacts.”
“Hindi po naman nararanasan, try mo lang,” pangungulit niya.
“Huwag na dad, okay na naman ako sa glasses ko.” Sabay ngiti tiningnan niya ako gamit ang rear view mirror.
Nadaanan namin ang guard na nagbabantay ng village. Ngayon ay patungo na kami sa Eastwood Academy. Nakatingin ako sa labas ng bintana. May nagtataasang buildings akong nakikita sa bawat dinadaanan namin.
Huminto pa saglit si daddy sa Gate para batiin ang guard. Daddy is not the typical businessman who needs a driver, pang matanda lang daw kasi iyon, kaya naman daw niya na ipagdrive ang sarili niya.
Huminto si daddy sa kung saan madalas ibaba ang mag-aaral ng service nila, at sa harap iyon mismo ng school. Bumuntong hininga naman ako. Isang panibagong araw na naman para sa mga bullies ko.
“Ayos ka lang Sol?” tanong ni daddy nang marinig ang buntong hininga ko, napangiti naman ako agad sabay tango. Humalik ako sa pisgi niya pati na kay mommy.
“Bye dad, bye mom.”
Paalam ko bago ako lumabas ng paaralan hinintay ko naman na maka-alis sila. Nang makaalis na sila ay iginala ko ang paningin ko.
Sa harap ng school ay makikita mo ang malaking soccer field.
“Parents mo yun?” tanong ni Avyanna na nasa tabi ko.
“Oo," sagot ko sabay tango.
“Ang ganda ng lahi ng magulang mo ano? Ano kayang nangyari sayo?” sabi niya sabay alis at flip ng buhok na sigurado akong sinadya niya na ipatama sa mukha ko. Mataas ang buhok niya at makapal kaya masakit yun.
Naglakad na lang ako papasok sa school, nasa pangatlong palapag pa ang room namin kaya pahirapan iyon sa akin araw-araw. Isa ito sa ehersisyo ko, pero kahit anong akyat at baba ko ay mataba pa rin ako. Sa bawat palapag makakakita ka ng locker and those lockers ay para lang sa mga estudyante na umuukupa sa mga rooms sa palapag na iyon.
Pagpasok ko sa loob ng room namin ay masyadong maingay. Ang grupo ng mga lalaki na nasa likuran ay nagkakumpol sa likod at may pinapanood na kung ano sa cellphones nila. Sa gitnang bahagi naman ng room ay makikita mo ang kumpol ng mga babae na hindi magkamayaw sa pag-aayos. Samantala, sa bahaging gilid naman ay makikita mo ang mga geeks na nagbabasa ng kanilang libro.
Ang section ng 3rd year dito ay umabot sa 3-F at nabibilang naman ako sa 3-A. Hindi naman sa pagmamayabang, pero kahit hindi ako gaanon ka ganda ay maayos naman na gumagana ang utak ko. Hindi pa ganon ka busy kasi kakatapos palang ng first quarter at magsisimula pa lang ang second quarter.
Naupo ako sa upuan malapit sa bintana, tinitingnan lang ang mga naglalarong bata. Ang Eastwood Academy ay binubuo ng Pre-school, Elementary, at High School. Kaya madalas kang makakita ng mga bata na patakbo takbo.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Ma’am Achacoso, adviser namin at first subject din namin, ang tinturo niya ay Mathematics.
Nagsibalikan naman sa kanilang mga upuan ang mga lalaki. After ng preparatory activities niya gaya ng attendance, prayer and greeting ay nag simula na siyang mag announce.
“Okay clasS, next week ay magkakaroon tayo ng activities. Alam niyo na din naman siguro kung bakit, and that is to celebrate our founding anniversary and that will happen on the 3rd week of October and as I said it will happen next week. Every classroom is required to create a booth, you can have my time para mag discuss and plan on what booth ang gagawin ng section ninyo.”
After that, ay umalis si ma’am at nag take over ang president namin.
“Do you have any suggestion or idea on what booth we are going to make?” tanong ni Carl na President namin
“What about a marriage booth?”
Maarteng sabi ni Lorraine. Lorraine is a member of the cheerleading club, she is very popular among the teenagers in our school.
“Masyadong corny, Arcade Booth,” suhestyon naman ni Ritz.
Ritz is also very popular among girls kasi, gwapo plus athletic. He is a member of the varsity, one of the reasons why he is popular.
“Boys lang ang makikinabang niyan,” sabi pa ni Avyanna.
If Lorraine is famous ibahin mo si Avyanna, she is very famous. She is a member of the cheerleading club, plus a model kaya hindi na nakapagtataka kung bakit siya sikat.
“Do you have a better idea then?” tanong naman ni Carl.
“What about a stress reliever booth?” sabi niya sabay ngisi, and i don't like that smile.
“Stress reliever booth? Care to explain,” sabi ni Carl
“Booth siya kung saan gagawa tayo ng platform na may butas na kakasya ang mukha at kamay, doon ipapasok ng kaklase natin 'yong mukha niya at kamay. Sa paligid din ng platform ay may nails para 'yong balloons na may laman na tubig pag itinapon na sa platform ay puputok at kapag nag pop iyon whoever is in that platform ay mababasa.”
How is that a stress-relieving booth?
Mataas na paliwanag ni Avyanna and everyone seems to like it, while ako hindi ko gusto 'yong idea na yun. I have a bad feeling ‘bout that.
“Sino naman ang tatayo sa platform?” nagtatakang tanong ni Rommel.
Rommel is also famous because he is also good at playing soccer plus, he got the looks.
“Our muse duh!” sabi ni Avyanna.
And the muse is me. Kung anong ipinangit ko ay yun naman ang ipinanagit ng ugali nila para i-elect ako as class muse.
“Are you out of your mind? The event is Foundation ibig sabihin big personaliies will come, marami ang makakakitang kinakawawa siya,” pagalit na sabi ni Aica.
Aica on the other hand is the president of the mathematics club, a member of the student buddy, and take note she is also famous.
Siya ang taga remind sa mga kasama niya. Mali yata na ibinoto siya ng mga kamag-aral ko gayung bully naman siya.
“So what right? They must understand that this is just an activity,” pagpupumilit pa ni Avyanna.
“Papayag ka naman Ugly Piggy diba?” mataray na tanong ni Lorraine sa akin.
I nod. I have no choice okay, It's either I'll agree or else I'll suffer even more.
And yes, those girls ay ang mga bully ko. So, if you are asking paano ako naging famous sa school na to? You can choose between the two: be pretty and have talent or be like me. That’s it.